Prologue

72 8 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

————————————————————————

"Eleanor Rivera, TBK News"


"And cut!" sabi ng cameraman. Pangalawang araw ko 'to sa trabaho bilang isang news reporter. Tumaas kasi ang ratings ng news station namin kahapon nang nagreport ako ng balitang isports. Laking gulat ko rin nang bigla akong nagtrending sa Twitter. Hindi pa naman ako sanay sa ganung klaseng atensyon.



"Sis, napakagaling mo naman! At grabe, ang ganda mo sa camera. Ang liit liit ng mukha mo para kang artista. No wonder nag trending ka kahapon kasi artistahin ka talaga" Biglang sabi ni Jing na kanina pa pala sa likuran ko.



"Pero di ko sinasabing dahil sa ganda lang yung pag trend mo ha. Magaling ka talaga, sis. Approve ako." Napairap nalang ako sa kanya.



I appreciate what she just told me. Uhaw na siguro ako sa random compliments pero simple deeds do matter. Although, I feel like hindi ko naman talaga yun deserve.



I value every good thing na sasabihin ng mga tao sa akin at pinahahalagahan ko din naman ang mga negatives para gawin itong basehan sa pag improve ng sarili ko.



"Ms. Rivera?" Lumingon ako sa likod nang marinig ang pangalan ko.



"Yes, ma'am." Magalang kong tugon sa boss kong mukhang naiistress na.



"I know that you're supposed to be off work now, but can you do me a favor?" Parang alam ko na kung saan ito patungo kaya tumango nalang ako.



"Pwede mo bang palitan muna si Argus. She told me na pupunta daw sya sa hospital dahil inatake daw ang nanay nya. And seeing your astounding performance yesterday, I believe you're fit to do her report." I was already nodding my head on my mind when I remembered something.



"Shuta may kailangan pa pala akong gawin sa bahay." It came out as a whisper. Good thing hindi iyon narinig ni Ms. Romero.



"Anong oras po ba, ma'am? Pasensya na po pero may kailangan pa po talaga akong uwiin sa bahay eh. Hindi ko din alam kung available din po yung kaibigan ko ngayon na samahan muna yung naiwan ko." Pakiusap ko sa boss ko na nag-iisip na ngayon.



"It will be done at around 9 pm. Hinihintay lang kasi yung forensic scientist na iinterviewhin dapat ni Argus for further details and analysis sa natagpuang bangkay kanina."



Forensic Scientist. May kung ano-ano akong nararamdaman sa tiyan ngayon. Kamusta na kaya siya? Did he pursue his dream to be a forensic scientist or proceeded to become a lawyer since that was what his family wants him to become?



I was then brought back to reality. Ano ba tong mga iniisip ko. It has been 3 years since I left him. Baka nga ay kasal na iyon sa iba at may anak na. Pero kahit ganoon pa man, I would still be happy for him and for what he had become.



"Tatawagan ko po muna yung kaibigan ko maam. I will update you after our talk." Nagtipa agad ako ng mga numero sa phone ko.



[Señorita, napatawag ka. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?] Mapang-asar na sumbat ni Santi sa akin.



"Madam, busy ka ba ngayon? May pinasa kasing task si Ms. Romero sa akin eh. I thought na it was a big opportunity for my career. Would you mind if sa iyo muna si Zelene ngayon? Mukhang matatagalan kasi ako ng uwi eh."



[No, I'm not busy. Katatapos ko lang sa mga paperwork ko kasi I will go to the bar sana with my college friends pero I will cancel it. Pwede pa naman yun i reschedule. Mas importante yung cutiepie mo.]
Spoiled na talaga tong anak ko sa tita nya.



"Sige, Sants. Salamat talaga. Babawi ako."



[Ano ka ba, para namang others to eh.] Napailing na lang ako.



Hours passed and nandito na ako sa lugar kung saan natagpuan yung bangkay. May mga barricade tapes pa rin dahil hindi pa natatapos ang imbestigasyon dito.



"5 minutes nalang daw, paparating na yung forensic scientist dito. Maghanda na kayo." sabi nung di ko kilala.



"I thought forensic scientists do not attend crime scenes. Bakit ba nandito tayo eh pwede naman natin syang kunan ng panayam pagkatapos nyang mag analyze ng pieces of evidence sa lab." Tanong ko sa katabi kong news reporter rin sa kabilang station.



"Ewan ko din. Pero dapat I appreciate nalang natin kasi hindi na tayo mahihirapan kunan sya ng panayam since sya na mismo ang nag adjust. Balita ko ay gwapo daw kasi yun eh. Macho Papi." Natitili niyang sabi.



Ilang minuto lang ang nakalipas nang magkaulo ang mga reporters. Dumating na pala ang forensic scientist na kanina pa namin hinihintay. I found out that he's also a CSI (Criminal Science Investigator) which explains why he's here at the crime scene.



Nakisiksik ako sa mga reporters para makakuha na ng panayam nang biglang magtugma ang mga mata namin.



Hindi...Hindi ito maaari... Hindi pa ako ready.



"Z-zed..." I whispered.



He looked at me with so many emotions in his eyes. May bahid ng galit, pagkalito, lungkot at...



"Elle..."



"Eleven stabs" pagpapatuloy nya.



Hindi ko na nagawa ang dapat kong gawin at tumalikod na. After all these years, I still don't deserve you.

Breaking the Bonds (Tetra Series #1)Where stories live. Discover now