9

17 7 0
                                    

TW: sexual harassment




"Let's just go with the sailor moon one, Zoe," Zaiden suggested to his sister.




Mga apat na oras na din kaming umiikot sa mall para lang mahanap ni Zoe ang gusto nyang costume para sa cosplay event ng school nya. Ang dami nyang sinukat pero it always turns out na hindi nya iyon itutuloy. Medyo mabagal din kaming nakakuha ng response galing kay Zoe kasi kailangan pa nyang isulat ito. I saw how patient Zaiden is with his sister. He looks at her like she's a very fragile vase. Pinapakiusapan din ni Zaiden ang mga saleslady sa mga shop na pinuntahan namin na maghintay ng mga ilang minuto para hindi ma pressure si Zoe. Zoe's very lucky to have a brother like him.




Binigay ni Zoe ang Ipad nya sa kuya nya para ipabasa ang isinulat nya dito. 'I'm fine with the sailor moon kuya' ang nakasulat sa Ipad ni Zoe kaya agad na tumango si Zaiden at ginulo ang buhok ng kapatid. "All right then, let's pay for it baby," he said while holding Zoe's left hand. Sumunod na din ako sa kanila.




"Saan mo ba gustong kumain?" tanong ni Zaiden habang tumitingin sa akin. Para sa akin ba yung tanong na yun o para kay Zoe? I glanced at Zoe and saw that she was already writing something on her Ipad. "Baby?" he continued after the silence. Right...Si Zoe talaga yung tinatanong nya.




Ibinigay ni Zoe ang kanyang Ipad sa kuya nya at ipinabasa ito. Zoe picked Jollibee so dun din kami pupunta ngayon ni Zaiden. I actually ate Jollibee two days ago kaya wala talaga ako sa mood mag Jollibee ulit ngayon. Pero si Zaiden naman ang magbabayad eh... walang sasarap pa sa libreng pagkain.




"Anong sayo?" Zaiden asked me. Tumingin ako sa menu at pumili na ng para sa akin. "Isang C1 lang...yung spicy tsaka medium fries and coke float." sinabi ko na ang mga order ko kay Zaiden at tumango "Yun lang?" nag follow-up question pa sya. "Yeah, yun lang. I need to maintain my diet." sabi ko sa kanya sa 'as a matter of fact' na tono. Tumikhim na lang sya at nginitian ko. "Pumili na kayo ng seats...Hahanapin ko nalang kayo afterward."




Nakahanap na kami ng seats ni Zoe sa second floor at umupo na doon. I helped her with her things so that she can sit comfortably. Nakipagkwentuhan na muna ako kay Zoe dahil wala pa si Zaiden. Medyo madami din kasing tao ngayon sa Jollibee eh. I asked Zoe questions about school and talked about her favorites. I was glad that she would gladly reply. Zoe's a very sweet kid. And clingy kasi magkatabi na kami ngayon. She was just sitting in front of me just a while ago pero mga 5 minutes lang sya dun dahil pumwesto na sya sa tabi ko. Sabi nya na mas madali daw ang communication namin kapag magkatabi kami kaya hinayaan ko sya.




"Zoe, you're so good at arm wrestling. Look, tinalo mo ako." sabi ko sa nagtatampong tono. "Why are you so good at it, huh?" tanong ko ulit. Tinawanan nya lang ako at pumalakpak pa. May pagkabully din siguro itong batang ito. I scoffed. May sinulat sya ulit sa Ipad nya at binigay iyon sa akin. "I'm good at it because I was born for it" sulat ni Zoe sa Ipad nya. I just looked at her and smiled. Kinurot ko rin nang mahina yung mga pisngi nya. Nakakagigil eh! "Gosh Zoe, you're so cute."




"So what are you girls talking about?" Napatingin kami kay Zaiden na dala na ang mga pagkain namin. Ang dami naming napag-usapan ni Zoe. Inexpose pa nga nya ang mga nakakahiyang pinaggagawa ng kuya nya noon sa akin. Tinatawanan ko lang sya dahil I can imagine Zaiden doing those.




"Wala, we're just talking about Barbie. Right, Zoe?" I looked at her and asked her to give me a high five and so she did. Ginawa ko nalang din iyon para hindi malaman ni Zaiden ang sinabi ng kapatid nya sa akin. Baka mag-away pa tuloy yung dalawang bata.




Tinapos namin lahat ng inorder namin sa Jollibee at pauwi na. Kasalukuyan na kaming naglalakad patungo sa parking area at nakaramdam na ng konting pagod. Si Zoe ay natutulog na kaya karga karga na siya ni Zaiden ngayon. I volunteered to bring Zoe's things para hindi sya masyadong mahirapan. Walang nagawa si Zaiden kundi ang tanggapin ang tulong ko at pasalamatan ako.




Breaking the Bonds (Tetra Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora