2

43 7 0
                                    

"You turn left, and then straight again." Nasa kotse ako ni Zaiden ngayon dahil nga sabi nya ihahatid nya ako pauwi. Hindi kami nag-iimikan sa buong byahe dahil wala din ako sa mood makipag-usap sa kanya. We're not close and I still see him as my rival. I just appreciate his gestures.





"Dito na lang, Salamat." bababa na sana ako ng sasakyan nang magsalita siya.



"Luh, di po libre yung ride. Mahal po ang gas." He said sheepishly. Aba, sya tong nag volunteer na ihatid ako eh. Di bale na nga.



"So, what do you want." I asked. Agad nyang kinuha ang cellphone niya at binuksan iyon using face ID. Ibinigay nya yung phone nya sa'kin na ipinagtaka ko. Kinuha ko iyon at nakita na nagtipa na pala sya sa notes nya.



"Type mo username mo sa IG, FB, TWITTER, or kahit sa anong socials na meron ka." Wow! Grabe naman. Ano ba to? Biodata?



"Yung number mo rin, pakilagay." He said while wiping his steering wheel. In fairness, malinis syang tao. Mabango din ang sasakyan nya. Pang playboy nga lang ang dating.



I shrugged my thoughts and just typed whatever he asked me to. After which, binigay ko sa kanya yung phone nya at nagpasalamat uli.



"Thanks again, and drive safely."



I went inside our house and see Yaya Neneng mopping our tiles. She went near me and greeted me. I greeted her back and went to my room to get changed.



"Oh, you're late. " My stepmother said. It's always like this when I get home. Hindi na ito bago sa'kin na lagi nyang pinapagalitan kapag nalalate ako ng uwi. It's not even that late. It's still 6 pm.



"Oh, sorry. May inaasikaso lang sa school. Lilinisan ko muna ang kwarto ni Lucy, ma'am." Ever since my biological mother died, my stepmother treated me like a maid. Dun ko lang din kasi nalaman na anak pala ako sa labas nung namatay yung nanay ko. I don't have any choice but to live with my Dad, in this house, with my stepmother and stepsister.




"Siguraduhin mo lang na malinis na ang kwarto nya before she gets home." Wala akong choice kundi sundin ang utos ng stepmom ko.





I owe them a lot kahit ganyan ang trato nila sa akin. Baka nga hindi na ako nag-aaral ngayon if it weren't for them. That's why I always do my best in school para naman makabawi ako sa kanila. They pressure me with my studies but I don't have any option but to put up with it. I still don't have the power and the resources to get the freedom that I want.



"I know you have something to tell Dad later." Si Lucy, my stepsister. When I first came to the mansion, she treated me badly since she doesn't want me as her sibling. Ayaw nya ng may kaagaw. Palagi nyang pinapamukha sa akin na anak ako sa labas at wala akong karapatan sa bahay na to at sa pera nila. I don't want it, I just need it to support my needs for now.



"Please, Lucy. Don't do it." I begged. She threatened me that she would tell our Dad about the rankings earlier. She's 2 years younger than me and studying at the same school as me sa Lexus High School na pagmamay-ari ng mga shareholders sa resorts ng tatay ko.



"Oh yes, I will do it. Beg more." I guess she still hates me now. Akala ko ayos na kami. She treated me neutrally after I gave her my blood. She was born sick and anemic. So every time na kailangan nya ng dugo. It would always be me to donate since ako lang ang compatible sa amin. AB- a rare blood type.



"Eleanor, ano tong narinig ko sa kapatid mo. May karibal ka na as Top 1 sa batch mo. Grabe naman. Binibigay na nga namin lahat ng kailangan mo sa school tapos ganito isusukli mo sa amin. Hindi ka man lang nahiya." galit na sabi ng tatay ko.




Breaking the Bonds (Tetra Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora