3

38 7 0
                                    

"I will come back late tonight, magrereview pa kami ng partner ko for the quiz bowl." Pagpapaalam ko sa tatay ko kahit hindi naman nya pinapansin.




I felt so lightheaded this morning. Ang sakit sakit ng ulo ko paggising ko kaninang umaga. Baka dahil nakulangan ako ng tulog. Palibhasa, I only slept for about 4 hours.




I need to rush to school kasi mag aalas-siyete na. Baka ma-late ako. Physics pa naman yung first subject namin. Terror pa naman yung teacher.




I'm on my way to commute now. Palagi akong nag co-commute dahil wala naman akong sasakyan. Merong binigay saking lumang sasakyan si Daddy pero di ko yun ginagamit. Baka ano pang sabihin ng stepmother ko at stepsister ko. Wala din naman akong license kaya di ko din yun magawang i-drive.




"Maam, di po ba kayo nagmamadali?" Napatingin ako sa driver ng jeep nang sinabi nya yun. Ako lang pala ang pasahero ngayon. Tinignan ko ang relo ko at napagtanto na meron pa akong 20 minutes bago ako ma late.




"May 20 minutes pa pong natira bago ako ma late kuya." Sagot ko naman kay kuya driver.




"Ahhh sige, ayos yan. Magpapagas po muna tayo ma'am." I saw it coming kaya tumango nalang ako. I don't have that much of a choice. Hindi pa naman siguro ako malalate kapag sinuswerte lang. Mas okay nalang yun kesa maghanap pa ng ibang jeep.




Sakto lang ang pagdating ko sa school. Muntikan na akong ma late pero buti nalang I was a minute earlier from being late. Nakita ko pa nga yung mga classmates ko na nastuck sa entrance gate para bigyan ng tardy slip. Buti na lang talaga nakaligtas ako.




"Athena, hintayin mo ako." sigaw ng pamilyar na boses.




Lumingon ako at nakitang si Zaiden lang pala. I supposed, kakapark lang nya ng sasakyan nya at mukhang nagmamadali syang pumasok.




"Oh hijo, bumalik ka dito. Late ka na hoy." sabi ng guard. I sniffed a giggle. Pasigaw-sigaw pa kasi. Nahuli tuloy.




"Oh Manong Edgar, kayo pala yan. Hindi mo ba ako naaalala? Ako to si Totoy, yung alaga mo noon. Tsaka ano ka ba, hindi naman po ako tatakas eh. Namalikmata lang." pagbibiro nya kay manong guard.


"Ah ikaw pala yan, ang laki mo na ah. Pero kunin mo na tong tardy slip mo at pumasok kana, Toy." sabi ng guard at agad binigyan ng tardy slip si Zaiden.




"Salamat, Manong Edgar. Libre kita pares mamaya." Loko nyang sabi at nagsalute pa. God, ako yung nahihiya para sa kanya. Bat ko nga ba hinintay to? It's not that I'm obliged to wait for him.




"Did you sleep well?" tanong nya nang walang nagsalita sa amin.




Right, papunta na ako ng Physics room kasama sya dahil nga hinintay ko sya sa entrance kanina. Nasa kabilang room lang naman yung room nila sa bio , kaya same direction lang yung patutunguhan namin.




"I did not," I said blankly.




I'm not lying. I didn't sleep well if it wasn't that obvious. Sinisipon din ako ngayon. I guess, I'm also not feeling well today.





"Magkakilala ba kayo ni Manong Guard? Ang casual nyo kasing dalawa." tanong ko sa kanya.




"Ah yun, hindi ako alaga nun, hoy. Binibiro ko lang yun na alaga nya ako noon at sumasama naman sya sa trip ko. Dun pa lang ako nakilala
ni manong nung nagtransfer ako dito. Bait ko kasi, eh. Hehe." he said proudly. Napailing nalang ako sa sinabi nya.




Breaking the Bonds (Tetra Series #1)Where stories live. Discover now