Naalimpungatan ako dahil sa medjo may kalakasang ingay na parang bang nagtatalo. Pagmulat ko nang aking mata ay hinanap ko agad ang presensya ni Elvina. Ngunit hindi ko siya makita, Ako nalang mag isa ang nakahiga dito sa loob ng tree house niya.Where is she, akala ko ba siya ang una kung makikita pagkagising ko sa umaga. Pero wala ni anino man niya dito. Napakunot ang noo ko nung may marinig na naman akong ingay na galing sa baba nang tree house.
And i know that voice, it's Elvina's voice at ramdam kung parang galit siya sa kausap niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag uusapan nila, hindi ko kasi masyadong marinig mula rito sa taas.
Kaya nagpasya akong bumaba dahil narin na c-curious ako kung sino ang kausap niya sa ganito kaaga. Atsaka iniwan niya talaga akong tulog doon ah.
Habang pababa ako sa hagdan ay unti-unti kung nakikita ang likuran ni Elvina na may kausap. Pero hindi ko makita kung sino ito kasi natatakpan niya.
I know it's wrong to eavesdrop in someone's conversation, pero hindi ko mapigilang hindi mausisa sa pinag uusapan nila.
"Ano itong kahibangan na ginawa mo diwatang Maria" Medjo inis na saad ng kausap niya pero andun parin yung pag galang sa tono nang pananalita niya. Kumunot ang noo ko dahil dun, narinig ko na naman na tinawag syang Maria.
"Hayaan muna ako Sinag at wag kanang maikialam pa"maikling sagot ni Elvina sa kausap niya.
"Ikaw ba ay nahihibang, hindi mo ba alam kung gaano ka delikado iyang ginawa mo!. Ikaw rin lamang ang mapapahamak." Mas lalo pa akong nagtaka.
"Mag dahan-dahan ka sa iyong pananalita Sinag, Ako parin ang kaharap mo. At maari bang wag kana munang magpapakita sa akin" malamig na hayag ni Elvina na alam kung nag titimpi lamang na wag sumigaw. Para siguro hindi ko marinig o magising. But it's to late, I'm already awake and eavesdropping to their conversation.
"Paumanhin diwata, pero kapakanan mo lamang ang aking iniisip. Mali iyang ginagawa mo, ang pakikipag ugnayan mo sa babaeng mortal na iyan ay sobrang napaka delikado. At alam kung alam mo iyan."
"Gagawin ko kung ano man ang nais ko at walang makakapigil sa akin."
"Ngunit hindi iyan maari, Ibalik muna ang mo--------."
"Walang ibabalik!!!! hindi ako makakapayaga!!."
Napatalon ako sa gulat dahil sa pag sigaw ni Elvina. Anong ibig sabihin ng kausap niya na maling andito ako ganun ba iyon. Bakit pakiramdam ko lahat ng nilalang dito ay tutol na andito ako.
"Lisanin muna ang lugar na ito Sinag!, at wag mo akong pangaralan sa kung ano man ang nais kung gawin."
"Ngunit mali ito diwata, pakiusap ibalik muna ang mortal na iyan."
"Magtigil ka!!! anyokong marinig mula sa mga bibig mo ang mga katagang iyan!!."
Sa pag sigaw na iyon ni Elvina ay siya ring pag hangin ng malakas. At unti-unti niyang pag lingon sa akin. Gulat at pangamba ang nakita ko sa mga mata niya nung magtagpo ang paningin namin. Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko sa oras nato.
Maigi lang siyang nakatitig sakin at para bang gusto niyang mag tanong kung narinig ko ba ang pag uusap nila.
"M-mortal" utal at mahinang sambit niya. Tinignan ko siya nang mataman at yung kausap niya. Hindi na ako nagulat nung makitang isang ibon ang kausap niya. Kasi alam ko namang hindi ordinaryong lugar tong Paraiso. Yung ibon na kausap niya ay siya rin yung ibon na nakita ko na dumapo sa kanyang kamay nung pangalawang beses ko siyang nakita sa kagubatan.
Binaling ko yung tingin ko kay Elvina na ngayon ay maigi rin akong tinitigan. I saw fear and sadness in her beautiful eyes. Napalunok ako nang ilang beses para pigilang hindi maiyak. Siguro sapat nayung narinig ko kanina, na kahit gusto kung manatili rito ay meron paring hahadlang na makasama ko si Elvina.
BINABASA MO ANG
Mysterious Woman in the Forest
Fantasy"Handa akong talikuran at isuko ang lahat nang saakin,makasama ka lamang mortal........dahil iniibig kita"- Maria Elvina "Mahal na mahal kita Elvina, hindi man tayo magkaparehas ng mundong pinanggalingan pero handa akong mag hintay sayo kahit gaano...