Chapter 19

406 27 1
                                    

Ang sarap damhin ng simoy ng hangin para akong dinuduyan  sa presko nito. Samahan mo pa yung magandang tanawin ng ibat ibang klase nang bulaklak sa paligid. Kumikinang sila dahil sa mga dumadapong paro-paro na kumikinang sa tuwing pinapalakpak nila ang kanilang mga pakpak.

I could just live like this forever,here in this kind of paradise with Elvina. Just me and her and nothing else.

My sweet smile instantly draw in my lips, when i felt Elvina's smooth hands and body. She's hugging me from behind and sniffing my hair. I instantly hold her hand that's in my stomach and caress it.

"Kay ganda ata nang iyong mga ngiti  mortal, ako ba ang dahilan ng mga ngiting iyan." i smiled widely after hearing those words that are coming from her sweet and delicate mouth.

Pinilig ko ang ulo ko para tignan ang kanyang napaka gandang mukha." Ikaw naman palagi ang dahilan ng aking pag ngiti Elvina."

Ngumiti ako nang malawak ng makita kung namula nang bahagya ang kanyang mukha. Kinikilig ata si Elvina sa banat ko.

"Ikaw ba ay kinikilig aking diwata."

"Hindi ko alam ang iyong sinasabi, kaya wag mo akong tinutukso." kunwaring pag susungit niya pero may nakapaskil naman na matamis na ngiti sa maganda nitong labi.

Sinundot ko yung pisngi niya sabay halik rin dito."Ang ganda mo palagi, mas lalo tuloy akong nahuhulog sayo."

I chuckled when her face turn red again.

"Athena.... iyang mabulaklak mong bibig ay katulad lamang nitong tanawing ito."

"Nagsasabi lamang ako nang totoo."matamis na ngumiti ako rito sabay tingin sa harapan. Dinama ko yung init ng katawan niya.

I can feel her loud heart beat same as mine. As we enjoy the breezing wind and the beautiful views. And then she start humming na para bang dinuduyan ako sa malamyos niyang boses.

A smile form in my lips and sway my hips na ginaya niya rin naman. Humarap ako sakanya at pinagdikit yung noo namin. Nakahawak narin yung dalawang kamay niya sa bewang ko habang yung sakin naman ay nasa batok niya.

Pinagkiskis ko yung ilong namin sabay rin kaming ngumiti nang malawak habang nakatingin sa mata nang isat isa.

Everything screamed romantic, the place that filled with beautiful flowers, the sparkling butterflies and the breezing wind. It feels unreal.

"Mahal kita." puno nang lambing at pagmamahal na sambit ko sakanya.

Kumislap sa galak yung mga mata niya habang may nakaguhit na matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"Iniibig rin kita."

I can't hold it any longer when she said those magic words.  I kiss her with so much emotion and gentleness. She reciprocate it with the same intensity.

Napangiti ako at pinaghiwalay yung halikan namin para sumagap ng hangin.

"Iibigin kita kahit pa gaano ka tagal Athena, tandaan mo iyan at wag mo akong kakalimutan."

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa bewang ko nung sabihin niya ang mga katagang iyon.

Maypag tataka ko siyang tinignan, habang siya naman ay ngumiti lang ng malungkot sakin.

"Anong nangyayari.....Elvina?."

Hindi Siya sumagot malungkot parin ang mata niya na kanina lamang ay kumikislap sa saya. At sa isang iglap lang nagbago yung lugar kung nasaan kami. Kung kanina ay maganda ngayon naman ay biglang natuyo yung mga buhay na buhay na bulaklak at nalalanta rin sila.

Mysterious Woman in the Forest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon