Chapter 18

408 33 3
                                    

Walang humpay ang pag tangis ni Elvina nung mawala sa paningin niya si Athena. At tuluyan na itong hinigop ng lagusan pabalik sa mundo nito. Sobrang sakit ang naramdaman niya sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya'y pinunit ng maraming beses yung puso niya dahil sa sobrang sakit.

Para siyang inapi at walang magawa kundi ang umiyak ng umiyak hanggang sa mawala ang sakit. Ngunit alam nitong kailan ma'y hindi na ito mawawala pa. Mananatili ang sakit na iyon sa kanyang puso.

Pinagkaisahan siya nang mga nilalang na inalagaan niya at pinanatiling ligtas. Pakiramdam niya'y inapi siya nang mga ito dahil pinaghiwalay sila nang mahal niya. Pinagkaitan siya nang mga ito nang karapatang sumaya.

" Hindi!!!!! A-athena b-bumalik ka, pakiusap wag mo akong iwang mag-isa.......p-pakiusap mortal b-bumalik ka."

Yung pag tangis ni Elvina ang syang maririnig mula sa sagradong lugar na iyon. Kung saan siya rin ang lagusan papunta sa mundo nang mga tao. Kaya palagi siyang naglalagi doon sa may batis.

"Mag balik ka sa akin Athena.......nakikiusap ako ibalik niyo siya sa akin." patuloy na pag iyak nito habang nakaluhod sa maputik na lupa. Sa ilalim ng malakas na ulan na may kasamang pag kidlat at pag kulog. Hindi niya alintana ang ulan o ang putik, dahil mas nangingibabaw yung sakit at hinagpis na kanyang nararamdaman.

Ang mga nilalang naman na kasama niya ay mataman lamang siyang tinignan at mababakas sa mga mukha nila ang lungkot at konsensya. Dahil sila ang nagdulot nito sa diwata. Ngayon lamang nila ito nakitang tumangis at magmakaawa sa nakalipas na libong taon.

At sa kaalamang sila ang may gawa nito sa diwata ay mas lalo silang nilamon ng konsesnya. Ang nais lang naman nila ay itigil nito ang pakikipag ugnayan sa mortal dahil ito ay hindi maari. Gusto lang din nilang mapanatili itong ligtas at ilayo sa kapahamakan, at isa pa may parusa kung makikipag ugnayan o mag dala nang mortal sa Mundo nila.

Ngunit malalim na ata ang ugnayan ng mga ito kaya nasasaktan ito ngayon sa pagkawala nang mortal.

Tumingala si Elvina sa kalangitan habang patuloy parin sa pagtulo ang kanyang masaganang luha.

" Amang bathala!!! bakit?! ngayon ko l-lang naranasan ang sumaya......p-pero b-bakit kinuha mo agad,...B-bakit mo sila pinahintulutang ilayo s-siya sa akin. bakit!?"

Parang dinurog ang puso niya sa sobrang sakit. Wala na ang taong kauna unahang nag bigay saya sa puso niya. Ang taong nagparanas sakanya kung paano sumaya. Ang taong pumawi sa kalungkutan niya sa mahabang panahon.

Wala na ang taong iniibig niya, ngayon na nga lang niya ito naranasan sa haba nang panahon niyang nabubuhay. Ngunit sa isang iglap lang ay kinuha ito sa kanya. Sa Isang iglap lang pinagkait ito sakanya, pinagkaitan siyang sumaya sa piling nito.

Napuno nang lungkot,hinagpis at galit ang puso niya. Mahirap ba itong ibigay sa kagaya niya. Mahirap ba itong palagpasin sa mga kagaya niya, nag mahal lang rin naman siya na sa unang pagkakataon nakaramdam siya nang pagmamahal. Nakaramdam siya kung paano mahalin na akala niya'y hindi niya mararanasan pa.

Nilingon niya si Liway na nasa gilid niya lamang habang nakatingin sa kanya. Galit ang naramdaman niya rito na sa tagal niyang nabubuhay ngayon lang siya nagalit ng matindi.

"Kasalanan mo ito liway!!! kasalanan mo kung bakit wala na siya sa tabi ko! kasalanan mo!!!." nag pupuyos ang galit niya sa puso habang nakatingin sa matanda.

Mababakas ang takot sa mukha nito pati narin ang iba pang kasamahan nito. Ngayon lamang kasi nila nakita ang diwata na magalit ng matindi. Ang kilala nilang diwata ay mabait, mapagkumbaba at matulungin. Kahit na hindi ito pala ngiti at lagi lamang na seryoso ang postora. Alam naman nilang mabait ito at may busilak na puso dahil ito ay taga pangalaga nang kagubatan.

Mysterious Woman in the Forest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon