Epilogue

794 40 8
                                    

"Mama!, Ina!.... look sobrang ganda ng mga bulaklak." kita ko ang sobrang galak sa mga mata ni Avina habang may hawak itong bulaklak na kulay puti. Na nag mula dito sa hardin ng Ina ni Athena.

Kasalukuyang katabi ko ito ngayon habang naka dantay yung mga kamay niya sa hita ko. Hindi ko ba malaman sa mortal na ito kung bakit naka dikit ito sa akin ng ganito ka aga. Hindi naman sa ako'y nag r-reklamo dahil gusto ko rin naman ito.

Sabay na gumuhit ang mga ngiti sa aming mga labi habang pinagmamasadan ang anak naming papalapit sa aming kinaruroonan. Nang makalapit ito sa amin ay tig-isa niyang ibinigay ang mga bulaklak na hawak niya.

"Why so sweet baby, halika nga rito bigyan mo ng halik si mama."

Tumalima naman ang aming anak at ito ngay kumandong sa kanya at hinagkan ang kanyang pisngi. Kinabig rin ni Avi ang aking mukha para ako ay patakan rin ng halik sa pisngi. Ang mga ganung kilos niya ay nag bibigay galak sa aking puso. Lalo na pag ang isa nitong Ina ang gagawa ng bagay na iyon sa akin.

Hindi ko lamang kasi lubos na mahinuha na darating ako sa punto ng mahaba kung buhay ang ganito. Ang magkaroon ako ng pamilya o ang iniibig man lang. Dahil sa hinaba-haba ng panahon na ako nabubuhay ay nakontento akong mag-isa at lukupin ng inggit kapag akoy nakakita ng masayang pamilya.

Dahil sa isa akong diwata ay bawal akong umibig ng kahit na sino man. Kaya nabalot ng lungkot ang aking puso sa mahabang panahon. Nakontento akong pag masdan ang mga mortal na mag mahal at magka pamilya.

Kaya't hindi ko lubos na akalain na mahuhulog ako sa isang mortal na kagaya ni Athena. Nang dahil lamang sa isang pangyayaring hindi ko inaasahan ay mag kakaroon ako ng ugnayan sa isang mortal. Pinag taksilan man ako ng kanyang mga magulang ngunit ang kapalit naman nito ang kanilang anak.

Bata pa lamang noon si Athena ay lagi na itong nakabuntot sa akin sa tuwing mag aalay ang kanyang magulang doon sa may bangin sa likurang bahagi ng bundok hiraya. Hindi na ito mapahiwalay sa akin kaya rin siguro nabalot ng pangamba ang magulang niya na baka kunin ko ang anak nila.

Hindi ko rin naman maiwasan na hindi matuwa sa kanya noong bata pa siya. Winala niya yung lungkot na nakakubli sa puso ko ng mga panahon na iyon. Naranasan ko kung paano sumaya at tumawa ng dahil sa kanyang pagka musmus at inosenteng bata.

Palagi niya akong napapangiti sa simpleng mausisa niyang mga tanong na minsan ay nakakalimutan ko nang ibalik siya sa mga magulang niya. At isa pa ay ayaw niya rin namang bumalik kaya hinayaan ko siyang manatili sa tabi ko nung mga panahon na iyon.

Isa iyon sa mga pagkakamali ko, dahil doon nag umpisa ang pag bali ng mga magulang niya sa kasunduan namin. Hindi na sila nag bigay ng alay sa bangin kung saan ko iniligtas ang pamilya niya. Doon rin nila inilayo si Athena sa akin. Kaya simula noon ay kinamuhian ko na ang mga Mortal na kagaya nila. Yung walang isang salita at paninindigan.

Simula rin noon ay minsan na lamang akong mag punta sa lawa kung saan naroon rin ang lagusan. Pag nalulumbay ako sa mga alaala ng paslit na si Athena ay nag pupunta ako sa lawa sa punong Acacia para alalahanin ang masasaya naming nakaraan.

"Mahal ayos ka lamang ba?."

Nabalik sa kasalukuyan ang aking isipan ng haplosin ni Athena ang aking mukha na wari bang may pinunasan siya sa aking pisngi.

"Bakit ka umiiyak? may problema ba hmmm? nangungulila kana ba sa paraiso?." sunod-sunod na tanong nito sa akin na ikinailing ko na lamang. Hindi ko rin namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha.

Hinawakan ko ang kanyang kamay atsaka magaan itong hinalikan." Hindi naman mahal ko may naalala lamang ako." ngumiti ito atsaka ako kinabig at niyakap habang nasa gitna namin si Avi.

Mysterious Woman in the Forest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon