Chapter 6: Curiosity

129 4 0
                                    

Ken's POV
Pagkauwi ko galing mall dumeretsyo agad ako sa shared room namin ni Jah. Wala naman sila kuya, kaya kaming dalawa lang ni Jah yung nandito. Si kuya pau, busy sa pag gawa ng lesson plan sa school,
tapos si kuya josh may shift sa hospital,
then si kuya stell, nasa court may case na inaasikaso. Nakita ko siya doon nakahiga at nag ce-cellphone. "Oh! Nandyan ka na pala" paninimula ni Jah. "Bat amoy kape ka?" Dagdag pa nito. "Diba ba obvious? Diyan ka na nga maliligo pa ko" sagot ko sa kanya. "Sungit mo naman." Di ko nalang siya pinansin at dumeretsyo na sa CR pagkatapos ko kumuha ng damit......

(Kung nagtataka po kayo kung bakit nasa court si stell, lawyer po ang occupation niya, then si pau teacher tapos si josh doctor. Si ken
Musician/Fashionista, and si Jah Artist (nag papaint po si Jah lahat ng Art na napapaint niya is nailalagay sa museum)

Pagkatapos ko maligo ay agad akong umakyat sa higaan ko, double deck kasi yung higaan namin ni Jah. Siya sa baba ako sa taas. Biglang sumagi sa isipan ko yung nangyari kanina at naisipang ikwento kay Jah. "Jah" pagtawag ko sa kanya, "Oh?" Sagot niya.

"May ikwekwento ako sayo, may nangyari kanina sa mall"

"Anong nangyari?"

"May nakabangga kasi sakin kanina na babae, kung titingnan yung babae kanina, I think nasa 17? 18? Years old siya tapos—" di ko natapos yung sasabihin ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto namin. Pinagbuksan naman ni Jah at nandun sa pinto si kuya pau....

"Baba na daw kayo sabi ni mama,
Kakain na." Walang emosyon na sabi ni kuya pau samin. Bad mood ata kasi nandiyan na sila mama. Ewan ko ba nung kwinento sakin ni kuya stell na may baby girl daw kaming naiwan kila lola, tapos sapilitan pa kaming kinuha non ni mama, pero si kuya pau ayaw sumama that time sabi niya pa daw non doon lang daw siya kay lola kasama yung baby girl namin kaso di na siya nagpumilit nung si Lolo na nagsabi sa kanya na sumama nalang at nagpromise pa nun si lola sa kanya na aalagaan niya si baby namin. Nagsabi naman si kuya pau kay lola na babalik daw kami after 1 year para daw makita namin si baby. Pumayag non si mama........

"Sige kuya, bababa na kami" sabi ni Jah, tumango lang si kuya pau at umalis na.

Pagkalabas namin ng kwarto nakita namin si kuya josh nandun sa kwarto nila, may hawak siya na picture frame  tapos may sinasabi siya pero di ko marinig kasi sobrang hina ng boses niya.

"Oh, nandito na pala si kuya josh" sabi ni Jah "tawagin mo na para sabay sabay na tayo kumain" dagdag pa ni Jah, kaya tumungo nalang ako sa kwarto para tawagin si kuya Josh.

"Kuya, baba na daw po sabi ni mama kakain na" Bigla naman nilagay ni kuya sa likod niya yung picture frame sabay harap sakin at sinabi "Sige, susunod ako. bumaba ka na." Sagot niya. Tiningnan ko ang mga mata niya at tila umiiyak siya. Di ko na siya kinulit, kasi ayaw niya non. Tumango nalang ako, pero bago pa ko makababa may narinig akong sinabi ni kuya josh "miss na miss na kita baby namin, sana okay ka lang kay Lola at Lolo" hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya kasi gabi gabi ko naman siya naririnig kinakausap yung picture frame. But the picture frame got me really curious about, I wonder kung anong itsura don ni baby........

Hi loviesssss!!! Another chapter is out! Hope you enjoy!! Don't forget to vote! Thanks loviesss!

My Lost Five Brothers (SB19)Where stories live. Discover now