Chapter 15: Comforting my family

119 5 0
                                    

Jah's POV

Nandito parin kami sa labas kasi di pa sila tapos, di parin tumitigil si Ken sa pag iyak niya.....

"Ken, tahan na" pagpapatahan ko kay Ken

"J-jah b-bat g-ganon si mama k-kay b-bunso? B-bakit a-ayaw niya k-kay b-bunso?" Utal na pagtatanong ni ken sakin...

"Ewan ko din eh. alam mo ken, wag mo nalang silang pakinggan, okay? Una sa lahat hindi dapat tayo nakikinig at nakikisali sa away ng mga matatanda." Sabi ko sa kanya. Ewan ko ba kung sino talaga yung kuya saming dalawa eh, kung makaiyak kala mo siya bunso. Dapat nga ako yung umiiyak at siya tong nagpapatahan eh. Pero wala umiyak eh, ako nalang muna maging kuya hehe.

"E-eh s-si bunso na y-yung p-pinag-aawayan nila eh."

"Kahit na, away nila yon eh. Bata pa tayo at marami pa tayong hindi nalalaman, kaya wag muna natin silang husgahan" sabi ko sa kanya at tumango nalang siya ng biglang may tumawag sakin........

Stell's POV
Papasok na sana ako ng gate pero nakita ko si Jah at si Ken nasa pinto naka-upo. Kaya naman tinawag ko si Jah.......

"Tin! Ginagawa niyo ni Ken sa labas? Sila kuya nasan? Bat bukas yung pinto?" Sunod sunod ko na tanong, nag aalala ako baka mamaya may magnanakaw na pala na pumasok sa loob at pinalabas lang tong dalawa...

"Sila kuya po kasi tsaka si mama nag aaway, kaya pinalabas muna kami ni Kuya Josh" sabi sakin ni Jah. Napansin ko na umiiyak si Ken...

"Bat umiiyak yan?" Tanong ko

"Ewan, biglang umiyak kanina eh. Nakita sila mama nag aaway kanina"

"Lika na pasok na muna kayo. Kumain na ba kayo?" Tanong ko

"Di pa kuya eh, nagluluto si mama nung bigla silang nag away."

Tumango nalang ako....

Pagpasok ko nakita ko sila kakatapos lang ata. Nakita ko si Mama bumalik ulit ng Kusina tapos si kuya Josh nasa couch, umiiyak. Tapos si kuya Pau paakyat ng hagdan papunta sa kwarto....

"Ma" pagtawag ko kay mama...

"Ano?! Ikaw din?! Magagalit ka din sakin?! Ha?!" Sabi nito, nabigla naman ako kasi itatanong ko lang kung tapos na siya magluto para makakain na tong dalawa...

"Hindi po, ma. Itatanong ko lang kung tapos na kayo mag luto para makakain na po tong dalawa" mahinahon ko na sabi...

"Tapos na!" Pasigaw nito.. di ko nalang pinansin kasi pinipigilan ko nalang din yung sarili ko baka mamaya pati kami ni Mama mag-pang abot.....

"Sige na, Ken, Tin. Punta na kayo sa dining table para makakain na kayo. Tatawagin ko lang sila kuya, hmm?"

"Opo" sagot nilang dalawa.

"Ma, di pa po ba kayo sasabay?"

"Hindi na! Nawalan na ko ng gana." Sabi ni mama at umakyat na para pumunta sa kwarto nila...

"Ya, kain na tayo." Sabi ko kay kuya josh....

"Sige, susunod na ko" walang emosyon niyang sabi....

Tumango nalang ako at nagpunta sa kwarto namin ni kuya Pau.....

Pagbukas ko nakita ko siyang nakahiga na at mukang natutulog na kaya hinayaan ko nalang, bukas pa naman siya kakain. Tatabihan ko nalang ng ulam.....

Pagbaba ko nakita ko si Kuya Josh nandun na sa table kumakain na sila...

Habang kumakain, sobrang tahimik naming tatlo. Kaya naisipan kong magtanong.....

"Uuwi ba si dad?"

"Hindi daw po sabi niya, nagtext po siya sakin kanina. OT daw po siya."

Tumango nalang ako...
OT nanaman. Palagi nalang siyang nag o-OT. OT pa ba yung umaga na umuuwi? Minsan nakakapag taka na din si dad eh, OT ba o pumupunta siya sa bahay ng kabit niya. Nasasaktohan ko siya minsan sa mall na may kasama siyang babae, sa tuwing kino-kompronta ko siya about dun sa babae palagi niyang sinasabi na 'colleague ko lang yon sa trabaho' kaya minsan ayoko na maniwala sa mga sinasabi niya eh....

Time skipppp~~~~~~

Kakatapos ko lang hugasan yung pinagkainan namin. Pinatulog ko na yung dalawa dahil alam kong pagod sila... Ngayon pupunta ako sa kwarto nila mama para i-comfort siya.. hindi naman sa kinakampihan ko si Mama ahhh pero deserve niya siguro ng comfort. Palagi nalang ako ang nagcocomfort sa kanila pag may mga gantong away na nagaganap......

"Ma? Gising ka pa po?"

"Bakit nak?"

"Wala naman po, Gusto lang pong sabihin na, wala po kayong kasalanan sa nangyari kanina. Pagod lang po si kuya pau, kaya po nasigawan ka din po niya."

"No, anak. Kasalanan ko, sinigawan ko agad ang kuya mo without knowing kung pagod ba siya o hindi. It's just stress lang ako sa business at sa kanya ko nabuntong yung galit ko."

"Ma, I know. Stress ka, stress din naman po si kuya, stress po tayong lahat pero sana wag na natin palakihin yung mga ganong bagay."

"Hindi ko alam bakit biglang lumabas sa bibig ko yung pag inom ni kuya mo at pati yung bata na yon."

"Ma, hindi lang basta bastang bata si bunso. Anak niyo siya. Anak niyo ni Papa. And Ma, malaki na si kuya, alam niya na ang mga ginagawa niya kasama na don ang pag inom. Nasa tamang edad na si kuya, Ma 27 na si kuya. Hindi na siya bata na pagbabawalan niyo uminom. Alam naman nating lahat na umiinom lang si kuya kapag stress siya diba?"

"Sorry talaga nak, di ko sinasadya na masigawan ang mga kuya mo kanina"

"Ma, wag kayo sakin mag sorry. Kila kuya po. Di naman po ako yung nasigawan niyo, bukas po mag sorry po kayo sa nagawa niyo, okay?"

"Okay"

"Basta laging mong tandaan ma, na mahal na mahal ka nila kuya, mahal na mahal ka naming lima"

"Mahal ko din kayo"

"Sige na ma, magpahinga na po kayo"

Sabi ko kay mama at nahiga naman na siya at natulog na....

After non pumunta ako sa kwarto ni Kuya Josh....

"Pst! Ya, okay ka lang?" Pagtawag ko sa kanya..

"Oo, thanks"

"For what?"

"For checking on me if okay lang ako"

"Wala yon, matanong lang, bat umiiyak ka kanina?"

"Chismoso ka talaga, matulog ka na."

"Dali na, gusto ko lang malaman"

"Nadamay nanaman kasi si bunso sa away nila kanina. Eh napagsalitaan ni mama si bunso kanina. Hindi ko kinaya yung mga sinabi niya kay bunso kaya na pagsabihan ko din si mama, ang hirap kasi marinig lahat ng sinabi niya. Na hindi daw planado si bunso, na kesyo malaking pagkakamali lang daw, ang sakit para sakin. Kasi sa mismong nanay niya pa nanggaling lahat ng yon."

"I think stress lang si mama kaya niya nasabi yon, nagpunta ako sa kwarto niya kanina and nanghihingi siya ng sorry sakin dahil daw nasigawan niya kayo kanina, sabi ko wag siya mag sorry sakin kasi hindi naman ako yung nasigawan niya kanina."

"Pero, bat kailangan idamay si bunso? Bat yung rason niya nanaman is yung pag inom ni pau?"

"Stress nga lang siya kuya, nabuntong lang niya yung galit niya kay kuya pau, nagsosorry na siya. Pero sabi ko sa kanya, magsorry bukas sa inyo. Sige na ya, tulog na ko."

"Sige, tulog ka na"

"Night Kuya Josh, I love you"

"Yuck, cringe. Sige na good night na"

"Arte mo, ikaw na nga may 'i love you' diyan eh"

Tumawa nalang siya, sinara ko na ang pinto at pumasok na ko sa kwarto namin, at natulog na......

To be continued........

Hala, humaba pero sana magustuhan niyo!!! Don't forget to vote loviesssss kooo!! Thankssss!!💙💙💙

My Lost Five Brothers (SB19)Where stories live. Discover now