Chapter 24: Adopting a sister

123 4 0
                                    

       [⚠️ Long Chapter ahead!!⚠️]

Pablo's POV

Monday, 7:30 AM

Nagising ako sa ingay ni Jah, jusme naman! Natutulog pa yung tao sigaw ng sigaw! Kaya tumayo ako at tinignan ang orasan.....

"7:30 na pala" sabi ko at tumayo na para maghanda na ng makakain namin......

Di pa ko nakakababa ng hagdan amoy ko na agad ang halimuyak ng hotdog... Huyyy Hotdogggg!!

"Oh, kuya baba ka na kain na tayo" sabi ni Stell. Aba, ngayon ko lang nakita to sa bahay ahhh. Madalas kasi maaga siya umaalis kaya di ko na naaabutan....

"Huyy hotdog!" Sabi ko habang papunta sa hapag kainan....

"Eto nanaman po si Hotdog" sabi ni stell, Che! Palibhasa nauumay kayo. Sarap sarap ng hotdog eh...

"Di ka ba nauumay diyan, Ya?" Dagdag pa nito...

"Hindi, bat naman ako mauumay sa hotdog ko?" Sabi ko, nakita ko siyang malapit nang matawa kaya klinaro ko yung sinabi ko....

"Ohhhh, stellvester yang utak mo napaka berde ahhh. Kung ano man yang nasa isip mo, masyadong berde"

"Kuya naman, wala pa nga ko sinasabi eh. Kung maka react... Ang OA, baka ikaw yung berde yung utak"

"Bat ako? Ikaw yung tatawa na diyan eh"

"Porket tatawa, yun na agad yung nasa utak? Di ba pwedeng nag joke lang yung utak ko?"

"Daming mong ebas, kumain nalang tayo"

"Patawag si Jah sa sala, kanina pa yan diyan eh" sabi ni stell, kaya tinawag ko na tong kanina pa tumitili at hanggang ngayon tili parin ng tili....

"Hoy Jah!" Pagtawag ko, pero di parin ako naririnig...

"Justin!" Sigaw ko, hindi parin talaga. Ikaw talagang bata ka...

Kinuha ko yung remote mg TV at papatayin na to, pagkapatay ko agad naman siyang nagsalita....

"Kuya naman! Bat mo pinatay?! Mag kikiss na sila ohh! Ano bayan! Panira naman eh!" Sabi niya sakin at Aba, nanaray pa....

"Justin McKenzie Dela Cruz! Kanina pa kita tinatawag, kakain na. Kanina ka pa tili ng tili diyan, daig mo pa babae makatili. Atsaka, Hoy anong kiss? Gusto mo ikaw ikiss ko?" sabi ko sa kanya..

"Tapang ahhhh, Payt meh kuya! Payt meh!" Sabi niya sakin. Aba sinusubukan mo talaga ako ahhh....

"Sige ba! Kala mo nakikipag biruan ako sayo ha!" Sabi ko at tumakbo sa kanya habang siya ay tumakbo din. So we ended up running around the house....

"Kuya! Justin! Ano ba yan! Bat kayo nagtatakbuhan ha?! Kuya! Sabi ko tawagin mo lang si Justin para makakain na! Tingnan niyo, ang lamig na ng pagkain!" Sabi ni stell kaya napatigil kami sa pagtakbo ni Jah....

"Eh kasi tong si Jah hinahamon ako eh" sabi ko at pumunta na sa lamesa sumunod naman agad si Jah....

"Puro kayo laro! Laro! Kanina pa ko naiinis ha! Kanina kay ken tapos naman kayo" sabi niya agad naman akong nagtaka, si ken? Pano? Eh wala naman siyang sinabi na aalis siya....

"Bat anong meron kay ken?" Sabi ko at agad naman siyang sumagot....

"Umalis kasi kanina ng walang kain, kasi daw may shoot pa daw siya para sa new product na i eendorse niya. Ang aga kong nagluto hindi man lang sumubo kahit onti. Mamaya mahilo siya habang nag shoshoot" sabi niya sakin... Kaya pala di ko nakita si ken. Usually siya yung unang nagigising saming lahat....

My Lost Five Brothers (SB19)Where stories live. Discover now