Chapter 25: adopting a sister (part 2)

108 4 0
                                    

Pablo's POV

"Kuya!" Napalingon ako kay jah na pababa palang ng hagdan, kaya tinanong ko ka agad siya..

"Sino to? Bakit hindi ako na inform na may bisita pala tayo na babae? At mukang dito pa ata matutulog" tanong ko kay jah, wala akong pake kung masaktan man siya o what. I just need an answer.

"Umakyat ka muna sa kwarto mo" malamig na sabi ni jah dun sa babae...

"Pero Kuya" sabi nitong bruhilda na to, sino siya para makinig sa usapan namin? Tsaka, anong kwarto mo? di rin ako na inform na may sariling kwarto pala ang mga bisita...

"Sabing umakyat ka sa kwarto mo! Di mo ba kayang sundin yon?!" Sabi ni jah sa kanya... Hay nako bunso, nakuha mo talaga yung anger issue ni mama ahhh....

Nakita kong malapit na umiyak yung babae kaya hinawakan ko yung balikat ni jah para tumigil na....

Habang umiiyak, tumakbo yung babae dun sa kwarto ni..... Bunso! Kwarto yan ni bunso! Hindi sa kanya yan! Ayokong may  pumapasok diyan ng kung sino sino!

"Hoy!—" sabi ko ngunit na putol iyon ni jah....

"Kuya, hayaan mo na. Diyan pinatulog ng magaling nating nanay eh, at sabi pa sa kanya na daw yang kwarto na yan kasi from now on siya na daw yung bunso natin. Like WTF?! Bakit siya nag dedesisyon? Eh sa pagkaka alam ko, ikaw ang nagpagawa niyang kwarto na yan, even tho ayaw nila kasi nga daw hindi satin titira si bunso. Even tho they are our parents, wala parin silang karapatang ipamigay yung kwarto ni bunso sa ibang bata" sabi ni Jah sakin..... Wow muka ba akong tumatanggap ng rant? Laki naman ng sama ng loob nito kila mama HAHAHHA

"Ehh??? Teka, mamaya ka na mag rant, sino ba yung bata na yon? Bat nandito yon? Kala ko jowa mo eh HAHAHAHAHAH" sabi ko sa kanya...

"She's Andrea Celine Dela Cruz, mom adopt her and introduce her to us earlier, and mom says na from now onwards siya na ang bunso natin" sabi ni jah, nabigla naman ako kasi bat nagkaroon agad ako ng bunsong kapatid na babae? I mean, I do have that pero bakit ganun? Hindi ko feel na kapatid ko siya? Tama ba to?

"Ha? Wait lang. Ano?! Sooo magkakaroon ng bagong tao dito sa bahay na to?" Pagtatanong ko....

"Exactly!" Sabi niya....

"Even ken don't like her agad, so clingy kasi tapos yung boses iniipit. Like yuckkkk, ang pick me girl nung boses niya" sabi ni jah.... Hay nako bunso kooo, san mo naman nakuha yang pagiging backstabber mo?

"Well then, let's call it a night. Marami na kong iniisip dadagdag pa yan. Matulog ka na" sabi ko sa kanya at pumunta na sa sari-sarili naming kwarto......

Kinabukasan~~~~

Tuesday, 8:40 AM

Nagising ako kasi may yumuyugyog sakin, aray ko naman! Sino ba to?! Pag ito si Jah... Malilintikan talaga sakin yon!

Minulat ko ang mga mata ko, napa balikwas ako ng tayo dahil may babae sa kwarto ko! Nakalimutan ko na ata hehe.... Ang sakit sa tenga ng boses niya! Ang tinis na parang ewan! Nakakarindi!

"Kuyaaaaa!!! Gising naaaa!! Kakain na daw sabi ni mama!" Sabi nitong Celine na to, bakit kailangan pang sumigaw eh nasa harap niya lang naman ako....

"Ano ba! Pwede ba! Lubayan mo ko! Kumain kayo kung gusto niyo! Tsaka anong ginagawa mo sa kwarto namin?! Alam mo bang bawal ka dito?! This is only for boys!" Sabi ko sa kanya, aga aga naiirita ako sa kanya!

"Ku-kuya, s-sabi po kasi ni m-mama g-gisingin na daw p-po kita" sabi niya na paiyak na....

"Hindi niyo na ko kailangan tawagin! Pagod ako kaya kung pwede pagpahingahin niyo muna ako!" Sabi ko sa kanya at siya naman ay tuluyan ng umiyak... Agad namang pumunta si mama sa kwarto namin....

"Pablo! Bat mo sinisigawan yang kapatid mo?! Celine come here" sabi ni mama...

"Ang aga aga, sigaw ng sigaw! Mang gigising nalang kailangan pang sumigaw! Ano ako?! Bingi?!" Sabi ko, naiinis na talaga ako

"Si celine na nga ang nagmamagandang loob na gisingin ka tapos ikaw pa tong magagalit?!" Sabi niya..

"Hindi niyo naman ako kailangan gisingin eh! I can wake up all by myself! Tsaka di naman niya kailangan sumigaw! Para siyang naiipit na daga sa boses niya" sabi ko sa kanya habang yung tatlo sa likod naka ngisi... Mga baliw talaga HAHAHA at binigyan pa ko ng like sign HAHAHAHA

"Kahit na! Hindi mo sana sinigawan yung kapatid mo!"

"Anong kapatid?! Sino nag sabi?! Ang pagkaka alam ko, isa lang ang bunso kong kapatid"

"Isa lang! At yun ay si Celine!" Sabi ni mama

"Diyan tayo nagtatalo ma, hindi siya ang kapatid ko! At kahit kailan hindi ko ipagpapalit ang totoo kong bunso!" Sabi ko sa kanya.... Pero ilang sandali lang lumapit si mama sakin tsaka sinampal ako ng malakas...

"Wag mo nang babanggitin yang bata na yan! Matagal na siyang wala! Hindi ba kayo nagsasawa?! Ilang beses ko bang uulitin sa inyo na hindi nga niya kayo kilala!"

"How can you do this to your own son? Sampalin ako ng wala naman akong ginagawang kasalanan?!"

"Wala akong pake! Subukan mo lang na banggitin yang bata na yan sa harap ni Celine, hindi lang sampal ang abot mo!" Sabi ni mama sabay umalis kasama yung bruhildang celine na yon....

"Okay ka lang kuys?" Pagtatanong ni stell, tumango lang ako...

"Jah, kuha ka ng ice sa baba" utos ni stell kay jah kaya kumuha siya agad para mailapat ko sa pisngi kong nasampal.....

"Kuya! Ang galing mo dun sa sinabi mo kay mama ahhh HAHAHAHAH 'para siyang naiipit na daga sa boses niya" aba! Ginagaya pa ang boses ko HAHAHA kaya binato ko siya ng unan...

"Mga sira HAHHAHAH " sabi ko sa kanila....

"Alam na ba to ni josh?" Tanong ko...

"Ang alam ko, hindi pa. Hindi umuuwi si kuya dito ng maaga or sometimes hindi talaga siya uuwi" sabi ni stell habang inabot niya ang yelo kay jah at binigay sakin...

"Sige na bumaba na kayo at kumain. Maliligo lang ako at papasok pa ko sa school" sabi ko sa kanila...

"Sige kuya, sumunod ka na din after ahhh" sabi ni jah, kaya tinanguan ko lang siya at lumabas na silang lahat....

Kumuha na ko ng damit ko at dumeretsyo na sa CR para maligo....

After ko maligo kumain na ko at pagkatapos ay kinuha ko yung susi ng kotse ko tapos nagmaneho na papuntang school......

To be continued......

Hi loviesssss kooo!! Sorry kung natagalan yung part 2, but here! Sana magustuhan niyo! Ayun lang goodmornight! 💙💙💙

My Lost Five Brothers (SB19)Where stories live. Discover now