Chapter 29: Suggestion

109 4 0
                                    

Pablo's POV

Kakarating ko lang ng bahay dahil Hinatid ko pa si Ria sa bahay nila, and Guess what? Habang nag dadrive, I can't stop smiling nung nakita ko yung Lola ni Azaria kasi naman naalala ko si Lola bigla, miss ko na talaga silaaaa....

Pagkabukas na pagkabukas ko bumungad sakin ang nagsisisigaw na si Stell....

"JUSTEN!!!! NASAN KA NA BA?!! KANINA PA KITA TINATAWAG!! KANINA PA KAYO NI KEN!" sigaw ni stell....

"KUYAAAAAA SI KENN AYAW PA BUMABAAAA!!!" Sigaw ni Jah mula sa taas....

"KEN! WAG MONG HINTAYIN AKO PA ANG UMAKYAT DIYAN! KAKALADKARIN TALAGA KITA PABABA!" Sigaw naman balik ni stell, ano nanaman kayang ginawa non HAHAHAH

"Stellvester, anong meron at nagsisisigaw ka?" Tanong ko...

"Oh, kuya nandiyan ka na pala, eh kasi yung kapatid mo, ayaw bumaba, ayaw kumain kasi daw gulay ang ulam" sabi niya.... kaya naman pala eh...

"Sige na, ako na magpapababa sa kanya, tawagin mo na si Jah at mauna na kayo kumain"

"Sige ya, JASTEN! BUMABA KA NA RIYAN! YAAN MO YAN, SI KUYA NA DAW BAHALA!" Sigaw naman niya ulit...

"Vester, tama na kakasigaw, may natutulog na kapitbahay na" sabi ko...

"Sige po, sorry" sabi niya...

Umakyat na ko at nagbihis, then after non pumunta na ko sa kwarto nila ken para tawagin siya... pagbukas ko, nakatalukbong ng kumot....

"Pst! Baba na, kain na tayo" sabi ko...

Di siya sumagot kaya lumapit ako at umupo sa kama niya at hinila yung kumot....

"Huy, lika na, masamang pinag hihintay ang pagkain" sabi ko..

"Kayo nalang kuya kumain, di pa ko nagugutom" sabi niya habang nakatalikod sakin...

"Anong problema ng isa pang bunso ko? May nangyari ba? Dali na para alam ni kuya" sabi ko, this is the only way para makumbinsi tong bata na to....

"Wala po" tangi niyang sagot...

"Ano nga po? Dali na, malay mo makatulong pala si kuya" sabi ko..

Agad naman siyang umupo at humarap sakin....

"Kasi kuya eh, kanina po umalis ako because po may photo shoot po kami ngayon, tapos po pag dating ko po dun sa venue, nagtinginan po silang lahat sakin, na kala mo naka kita ng artista"  huminto siya at huminga ng malalim...

"Tapos yung isang staff which is yung make up artist ko sinabihan ako ng "ang pangit mo naman, di ka bagay dito, mas may itsura parin ni Jay (partner niya po to sa shoot nila) kesa sayo" sabi niya sakin, syempre masakit masabihan ng pangit pero di ko nalang pinansin kase ayoko ng gulo" pag kwekwento niya...

"Alam mo bunso, dapat hindi mo tinotolerate yung ganyang ugali, kung kailangan mo protektahan yang sarili mo, matuto kang lumaban kapag nasasaktan ka na, kahit sino pa yan. Matuto kang tumayo sa sarili mong paa at ipaglaban kung ano ang tama, wag ka lang tatahimik kase akala nila hindi ka nasasaktan. May nararamdaman ka, hindi ka naman manhid para lang hayaan yon. Sa ganong sitwasyon, matuto kang ipaglaban ang sarili mo, hindi sa lahat ng oras tahimik ka lang, kailangan mo ding bomoses para marinig yang panig mo" pag papayo ko sa kanya, hindi naman kasi tama yung ginawa nung staff na yon sa kapatid ko...

Tahimik lang siyang nakikinig sakin...

"Oh siya sige na, kain na tayo" pag aaya ko...

"Pero kuyaaaaa, ayaw ko ng ulammm" sabi niya, hay nako talaga tong bata na to....

"Oo na, magluluto ako ng chicken kaya halika na" sabi ko at naglakad na pababa kasama siya....

"Oh? Ya, bat ngayon lang kayo bumaba? Tapos na kami kumain ni Jah" sabi ni stell

"Nag discussion pa kami sa taas eh" sabi ko...

Pumunta na kami ng kitchen, si ken nakaupo na habang ako eto, kumuha ng chicken sa ref....

"Kuyaaaaaaaaa, ano yannnn??? May ulam diyan ohhh, magluluto ka ulit?" Sabi ni stell

"Ayaw daw ni ken ng gulay kaya lulutuan ko ng chicken" sabi ko...

"Wowww, naka chicken tapos kami gulay lang, unfair ahhh" sabi ni Jah

"Hayaan niyo na, minsan lang yan" sabi ko sa kanya...

"Ya, masyado mo namang iniispoil yang kapatid mo, mamaya masanay yan" sabi ni Stell sakin....

"Minsan lang to vester, alam kong gusto mo din kaya puro ka kuda diyan. Sya sige, magluluto na ko para sating lahat" sabi ko sa kanya, hindi naman na siya umimik....

Time skipppp~~~~

Kakatapos ko lang magluto at ngayon ay tatawagin nalang yung dalawa...

"Jah, Stell, pumarito na kayo at kumain" sabi ko habang paupo, lumapit naman sila at nagsimula ng kumain....

Bigla kong na alala yung sasabihin ko kay vester...

"Stell" sabi ko..

"Hmmm?" Sagot niya habang kumakain ng chicken...

"Kamusta pala yung paghahanap niyo ng maid?" Pagtatanong ko...

"Wala pa din kuya eh, hirap mag hanap ngayon." Sabi niya, well totoo naman mahirap talaga mag hanap ngayong panahon ng maid lalo na yung mga students na nag pa part time job puro waitress or di kaya  cashier sa isang convenience store. Kapag naman may edad (40 or 50+) na, hindi na masyadong nakakagawa ng gawaing bahay...

"May i susuggest pala ako sayo, naghahanap kasi siya ng trabaho, part time lang. Nahihirapan kasi siya maghanap eh" sabi ko...

"Eh? Sino kuya?" Pagtatanong niya...

"Bigay ko sayo info later, for now kain muna tayo" sabi ko at nagpatuloy na kami sa pagkain.....

Time skippp~~~~

Kakatapos lang namin kumain at nandito ako ngayon sa kwarto namin ni stell....

"So kuya, who's this lucky girl?" Sabi niya...

"Timang, anong lucky girl? Kala mo naman gf ko" sabi ko sa kanya...

"Ay sorry sorry HAHAHHA so where's the info ba?" Sabi niya.. Coñyo yarn? HAHHAHAHA

Inabot ko sa kanya yung papel na pinasagutan ko kay Azaria, sinabi ko kay Azaria na important lang, kaya sinagutan niya....

"There, siya yung isusuggest ko sayo" sabi ko sa kanya....

"Ohhhh, senior high student, so it means half day lang to dito sa bahay" sabi niya...

"Kuya, sure ka ba na kaya niyang gawin lahat ng gawaing bahay dito sa bahay?" Pagtatanong nito....

"Oo, mabait na bata si Azaria, masipag pa" sagot ko...

"Wait a minute sa kapeng mainit! Kuya ano mo tong bata nato?" Tanong niya....

"Bakit?"

"Bat mo alam na mabait at masipag siya?"

"Student ko kasi yan, naghahanap ng part time job nung nakaraan pa" sabi ko at napa 'ahhh' lang siya....

"I'll call her tomorrow for an interview, masyado nang malalim ang gabi kung tatawagan ko ngayon" sabi nito sakin at ako naman ay agad ng umakyat sa kama ko...

"Good night kuya" sabi niya...

"Good night din" sabi ko at kami ay natulog na.....

Hi loviesssss kooo!!! Sorry ngayon lang nakapag update ang inyong author, sunod sunod kasi yung activities namin sa school tapos yung mga reporting kaya ayun, nauubusan na ng time... Anywayssssss, guys please do listen on "A'tin A'tin lang" podcast of SB19! You can listen to it on Spotify, so yeah! Enjoy!!!💙💙💙

My Lost Five Brothers (SB19)Where stories live. Discover now