Chapter 14: Argument

117 3 0
                                    

Jah's POV

Kakauwi ko lang galing store, pero di parin maalis sa isip ko yung nakita ko kanina. Kamukang kamuka niya talaga si mom, baka kung nakabangga ko yun, mamaya matawag ko na 'mom' HAHAHAHA medyo lutang pa naman ako kanina.....

Pag akyat ko sa kwarto namin nakita ko agad si Ken naglalaro......

"Oh, nandiyan ka na pala" sabi niya sakin at lumingon..

"Oh, nangyari sayo? Bat ang tamlay mo?" Dagdag pa niya

"Ha? Tamlay? Ako? Hindi ahhh" sabi ko sa kanya

"Sigeeee, ikaw bahala" sabi niya at bumalik na sa paglalaro......

Kinuha ko na ang pini-paint ko, kasi ang plano ko dun nalang ako sa sala magpaint......

Habang nagpi-paint biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang pagod na si kuya pau.... Btw nandito din si mom... Biglang nagsalita si mom...

"San ka galing?! Bat ngayon ka lang?!" Pagalit na sabi ni mom kay kuya..

Patay! Bad timing yung galit ni mom. Away nanaman to. Yes, nanaman. Nakaka ilang pang-abot na si mom tsaka si kuya na wala si dad, kaya nahihirapan kami nila kuya mag-awat sa dalawa, ngayon mas lalong mahirap kasi dalawa lang kami ni Ken nandito, walang sisigaw ng 'Tama na yan!' kasi wala si kuya josh eh........

"Ma, ayoko ng away" mahinahon na sabi ni kuya...

"Hindi! Sagutin mo ang tanong ko! San ka galing?!" Galit na sabi ni mom.

"Ma! Pwede ba! Nakikita niyo naman diba?! Nakita niyo naman po na naka uniform ako oh! Di pa ba sapat yon para malaman niyo kung saan ako galing?!" Sigaw ni kuya

"Hindi pa yan sapat! Umamin ka nga, uminom ka nanaman, ano?!"

Yes, umiinom si kuya pero pag sobrang stress lang niya, and wala naman akong na amoy na alak sa kanya eh.

"Ma! Ano nanaman ba to?! Palagi nalang ba yan yung dahilan mo sa tuwing pag bubuntungan mo ko ng galit mo about sa business?!"

"Anong pinag bubuntungan?! Ha?! Eh totoo naman na umiinom ka ah!"

"Oo na Ma! Oo na! Umiinom na ko! Ano naman ngayon?! Ha?! Nasa tamang edad na ko, Ma! May trabaho na ko!"

"Kaya ka siguro nagkaka ganyan dahil dun sa lintek na batang yon!"

"Ma! Ano ba! Tama na! Wag mo na idamay si bunso dito! Ano nanaman bang ginawa niya sayo?! Ha?! Diba sabi mo samin isang malaking pagkakamali lang si bunso?! Well samin hindi! Hinding hindi! Kaya kung idadamay niyo man si bunso dito, ayusin niyo muna yung mga pinagsasabi ninyo tungkol sa kanya!"

"Ano bang meron sa Batang yan?! At mas pipiliin mo pa siya kesa sakin?! Ha?!"

Habang patuloy na sumisigaw si mama sa baba tumakbo na ko sa taas para tawagin si ken....

"Ken! Ken!" Pagtawag ko sa kanya..
Pero di parin niya ko naririnig

"John Felip Dela Cruz!" Buo na yung sinabi ko.

"Ano?! Bat ba tawag ka ng tawag?!"

"Eh t*nga ka, nag aaway na si Mama tsaka si kuya sa baba! Baka naman gusto mo ko tulungan awatin!"

"Eto na nga"

Bumababa na kami ni ken at sinusubukan namin awatin si kuya tsaka si mama pero ayaw nila tumigil

"Hindi lang siya bata Ma! Kapatid ko siya! Kapatid namin siya! Palibhasa hindi mo kasi siya nakita bilang anak mo kaya mo sinasabi na bata lang siya! Hindi sana to mangyayari
kung—" naputol ang sinabi ni kuya ng sumabat si mama

"Hindi ko naman talaga siya anak! Kasi kahit kailan hindi siya planado sa buhay ko! Sa buhay namin ng Papa niyo!"

"Ma?! Ganun nalang ba yon kadali sayo?! Ganon nalang ba kadali sabihin  yan sa sarili mong anak ha?! Ma, kadugo mo yung bata! Ano ba!"

"Oo ganun nalang! Hindi naman kasi dapat siya nabuh—" naputol ang sinabi ni mama ng sumigaw si kuya Josh

"TAMA NA NGA YAN! MA! PAU! MAY MGA BATA SA HARAP NIYO OH! Ken, Jah dun muna kayo sa labas" sabi ni kuya Josh, kasi umiiyak na si Ken. Oo, umiiyak. Umiiyak talaga si ken kapag nakikita niyang nag aaway si kuya tsaka si mama...

"Kailan ba kayo titigil kaka-away ha?! Ni minsan ba naisip niyo kung anong mararamdaman ni bunso kung nandito siya at narinig niya yang mga sinabi mo ma?!

Ma, bat kaya niyong pagsabihan si bunso ng ganyan? Hindi niyo ba siya namiss kahit konti? Bat ba ang laki ng galit niyo sa kanya? Wala namang kasalanan yung bata ma.

Wala pa siyang muwang sa mundo na to nung iniwan niyo siya kila Lolo.
Ma, yung bata yung nangungulila sayo at kay Papa, nangungulila siya sa pagmamahal niyong dalawa.

Ni hindi nga tayo nakapunta sa mga birthdays niya na dapat nandun tayo eh, kasi mas pinili mong pumunta ng ibang bansa kesa sa alagaan siya.
Anong sabi mo? Ma? Malaking pagkakamali siya? Ma kahit kailan walang pagkakamali kung alam mo, alam niyo ni Papa yung ginagawa niyo nung araw na yon!" Umiiyak na sabi ni kuya Josh. Sobrang laking impact nun sa kanya kasi sobrang close niya kay bunso kaya di niya na kinaya yung mga sinabi ni mama kay kuya pau......

To be continued....

Hi loviesssss kooo! Sorry ngayon lang nakapag update na busy kasi kaka-pataas ng rank sa CODM eh, but anywaysss here's chapter 14! Hope you enjoy!! Don't forget to vote loviesssss koo 💙💙💙

My Lost Five Brothers (SB19)Where stories live. Discover now