Day 1 (Tuesday)

91 0 0
                                    

I'm Soren Solberg, I grew up in the Philippines. Single mother ang mommy ko - na isang half-korean, half-filipino - because dad left us when I was born, he's from Norway pala, his name is Leif Solberg. My mom whose name is Eun-jung Park, said na nasa abroad lang daw si dad pero 'di ako naniniwala, it's been more than a decade at wala pa ring update si dad.

I'm a high school student pala sa St. Bernadette. Transferee ako sa school na 'to since nag-sara temporary ang previous school ko - International School Manila - because of a fire accident.

I woke up one morning and it's finally August 22! Pasukan na! I'm so excited but also anxious, 'di ko alam kung kakayanin ko ba yung first day of school ko.

"Soren? Kain na!" Sigaw ni mom na nasa first floor.

Bumaba na ako at nakita ko si mom, nag-luluto pa rin s'ya pero may nakahanda nang pagkain.

"Kain na, I prepared your favorite - adobo~" she said, ang saya-saya n'ya.

"Thanks mom~" sabi ko habang nakangiti.

Kumain na ko habang nag-luluto si mom at inayos ko na rin yung bento box ko after ko mag-breakfast. Nilagyan ko ng pritong itlog na 'niluto ni mama kanina, konting kanin, tapos karne from the adobo earlier.

I rode my bike to school that morning, muntikan na ko may mabunggo kanina, 'yung uniform n'ya is may patch ng school ko. She's probably my schoolmate. Transferee lang naman ako, at hindi ko pa nakikita yung female uniform ng school ko.

It's 5:54am, muntikan na 'ko malate! Dali-dali akong umakyat sa classroom ko na nasa second floor.

"Room 7.. room 7.." bulong ko sa sarili ko habang hinahanap yung room ko.

"Ah!" I exclaimed nang makita ko na.

Pumasok ako only to see about 20 people, ang konti pala namin? I sat down na, now more anxious and nervous.

A guy approached me.

"Hey, ikaw yung transferee 'di ba? I'm Gerald pala~" sabi n'ya sa 'kin nang naka-ngiti with his hand out, gusto n'ya makipag-kamay.

"Yeah, I am. Soren. Soren Solberg." Sabi ko, muntikan na ko mag-stutter sa kaba! Kinamay ko s'ya.

"Gusto mong sumama later sa recess? Me and my friends are going to hangout sa rooftop." Sabi ni Gerald sa 'kin.

"Sure, that sounds like a good idea." Sabi ko. "May kaibigan agad ako?!" Sabi ko sa sarili ko. 'Di ako makapaniwala, ang bilis.

"Sige, sa recess ah! Sabay ka sa 'min." sabi ni Gerald.

I nodded in agreement.

May pumasok na classmate namin.. babae sya.. and.. WHAT?! S'ya yung muntikan ko nang mabunggo kanina?!

"Oh.. hi.." she shyly greeted me. "I didn't know the classmates pala tayo."

I chuckled, "Nagulat nga ako eh." Sabi ko, kitang kita sa mukha ko yung kaba at gulat ko.

Umupo sya sa tabi ko tapos pinagtitinginan kami ng mga classmates namin. Popular ba s'ya? Sikat ba s'ya sa school? Anong ginawa kong mali? Alam ko muntik ko na s'ya mabunggo but she told me it's alright na and she admitted her fault na tumawid s'ya kahit naka-red light yung walk light. We exchanged apologies earlier, sana walang hard feelings between us.

After about dalawang subjects, recess na namin. Pumunta ko sa group nila Gerald, kaso sinabi n'ya, "Sorry Soren, 'di ka na namin isasama."

"Ha? Akala ko ba sasama n'yo 'ko?" Nagtatakang tanong ko.

Wala silang sinabi sa 'kin, basta na lang nila 'ko iniwan sa room. Lahat ng classmates namin iniwan ako, maliban kay Charlotte.

Lumapit ako sa kan'ya, "Sorry sa kanina, Charlotte." Nalaman kong Charlotte name n'ya dahil dalawang beses kaming nag-'introduce yourself' sa class.

"Okay lang 'yun, kasalanan ko namang tumawid ako." Sabi n'ya.

"I'm still sorry." Sabi ko.

Nilabas n'ya baunan n'ya, nagulat akong pareho kami ng bento box.

"Ang ganda ng baunan mo." Biro ko.

She giggled, "Oh? Binili ko 'to nung nakaraan, akala ko nga 'di ko magugustuhan eh." Sabi ni Charlotte.

Nilabas ko yung bento ko, "Look oh~"

"Oh my-! Kaya pala nagandahan ka!" Sabi nya, and then she laughed afterwards.

Habang kumakain kami, nag-bibiruan at nag-tatawanan kami. Natanong ko bigla, "Are we friends na, Charlotte?"

"Yeah, isn't that obvious?" Sabi n'ya, obviously teasing me.

"I guess so." Sabi ko. We exchanged our socmed handles afterwards.

After recess, natuloy na ang classes namin.

Uwian na, napansin kong dali-daling gusto umalis si Charlotte. 'Di ko na s'ya tinanong.

Nang maka-uwi na 'ko, humiga agad ako sa higaan ko and I opened facebook. Bumungad sa 'kin mga rants ni Charlotte, posted 10 minutes ago ang latest. Nagpaparinig s'ya, I felt like this is about me because the context behind those rant posts are hinted towards me but the nail in the coffin was when she name dropped me. Nakalimutan n'ya siguro i-except sa 'kin yung posts n'ya.

She's ranting about how I'm making her uncomfortable, and how I blamed her for a near-accident scenario kanina. I thought we were friends. Pinaplastic lang pala n'ya ko.

Although I'm hurt, natulog na lang ako. Wala akong magagawa sa nararamdaman ni Charlotte.

Heart VS MindWhere stories live. Discover now