Chapter 13

209 17 3
                                    

"Seryoso ka ba?! Walang biro?!" Gulat na tanong ng mga kaibigan ko sa akin pagkatapos kong sabihin kanina sa klase na si Light ang napili kong tanungin, pagkatapos I announce ni Ma'am na dapat mag interview kami ng isang engineering student kung anong tingin nila sa arts.

I nodded.

"But, diba? Sabi niya lalayo na siya sayo girl?" Tanong naman ni Della.

I smiled. "I will not let that happen, I want to know him more, gusto kong pumasok sa buhay niya. At gagawin ko yun. You'll see." I answered.

"Buti sana kung mapapayag mo nga." Mataray naman na sagot ni Leila sa akin.

"Kaya ko, you'll see guys, malalaman ko din ang tinatago ng yelo na yun."

Papunta na ako sa building nila Light para sabihin sa kanya na siya ang napili kong tanungin tungkol sa arts. I really want to know him. At makikilala ko siya sa ayaw at gusto niya.

"Miss? Sinong hinahanap mo?" Tanong ng Isang mistisang babae sa akin pagpasok ko sa building nila.

I smiled. "Kilala niyo si Light Torres?"

Nanlaki ang mata nila dahil sa tanong ko.

"Ba-bakit? Anong problema?" I whispered.

Akmang sasagot na sana sila ng isang barakong boses ang nagsalita mula sa likod ko.

"What are you doing here?" Malamig na tanong niya sa akin.

I smiled. "Nandiyan ka lang pala, puwede kita makausap?"

Malamig niya lang akong tiningnan sabay lakad niya palayo sa akin kaya agad agad ko siyang sinundan para pigilan.

"Umalis ka na."malamig na utos niya.

Umiling ako. "I just want to talk to you, masama ba yun?" I whispered.

"Tss, talk to me? For what? Tsaka puwede ba? Wag kang sunod ng sunod sa akin. Para kang baliw na stalker." Walang gana niyang sagot.

"Gu-gusto lang naman kitang ma interview, para sa project namin." Mahina kong sagot sa kanya.

Naiirita na ako, pero kailan kong pigilan sumabog sa harap niya. Ganito ba niya ako ka ayaw makita?

"Stop this nonsense kid! Aalis na ako. And please wag kang sumunod."Aniya.

"Pe-pero..."

"Kausapin mo na lang si Zach, wala na akong balak kausapin ka pa bata ayaw ko sa mga babaeng katulad mo. Makulit! Troublemaker! Walang modo! At stalker, so you better stop messing with me!" He coldly said bago ako tuluyan iwan dito na nakatayo.

Umuwi ako sa bahay ng bigo. Siya talaga ang gusto kong kausapin, pero paano ko yun gagawin? He don't want to see me. So what's the point to continue?

"Ada? Anak?" Kalmadong tawag ni Mama sa akin mula sa labas ng kwarto ko kaya agad ko siyang pinagbuksan ng pinto.

I smiled. "Ma? May kailangan po kayo?" I asked.

She smiled sabay hawak niya sa dalawang kamay ko.

"Napansin ko kasing tulala ka pag uwi mo dito sa bahay kanina, okay ka lang ba?" Tanong niya na ikinatahimik ko.

Nakaka- trigger ang tanong niya, pero hindi ko pinahalata sa kanya na nasasaktan ako ngayon, na nahihirapan ako ngayon at dahil yun sa yelong lalaking yon.

"You can tell me everything anak. You can trust me." She added.

I nodded. " Wag ka po mag aalala Mama, okay lang po ako." Lie.

"You sure?"

I nodded.

"Okay, tatawagin na lang kita kung kakain na huh."sagot niya sabay ngiti ko. Akmang baba na sana siya ng hagdan ng bigla ko siyang yakapin sa likod na halatang ikinagulat niya.

I cried. "Ma-Mama ."

"Shh, what happened? May nangyari ba sa School?" Tanong niya ng humarap siya sa akin.

Umiling ako. "Ma? Ka ayaw-ayaw po ba ako? Ano po bang mali sa akin?"

Halatang nagulat siya sa tanong ko. Pero ngumiti lang ako sa kanya bilang ganti.

"Ano bang nangyari? May umaway ba sayo?" Tanong niya.

Umiling ako.

"Shh, sige, hindi kita pipilitin mag kwento, pero anak lagi mong tandaan na, we cannot please everyone, hindi natin matuturuan ang tao na gustuhin tayo, kasi hindi yan natuturo. Kung natuturo pa yan sa paaralan, malamang wala ng gulo ngayon sa mundo."Saad niya na ikinatigil ko.

"Pero alam mo kung anong mas mahalaga?" She asked.

Seryoso naman akong tumingin sa kanya sabay yakap niya sa akin.

"Mas mahalaga na kahit ayawan ka man ng buong mundo o lahat ng tao, may kami ka na hinding-hindi ka sasaktan at papabayaan."

"Lagi mo yan tandaan huh? Nandito lang kami para sayo."

I nodded.

"Sige na, pumasok ka muna sa kwarto mo at magpahinga tatawagin na lang kita kung kakain na."Aniya bago ako tuluyan iwan dito sa taas.

Hindi ko alam kung paano mag re-react sa sinabi ni Mama sa akin kagabi, kaya ito ako ngayon hanggang sa klase tulala.

"Girl? Nabalitaan mo na ba?" Hinihingal na tanong ni Stella sa akin pagpasok niya sa room.

Kumunot ang noo ko. "Anong nangyari sa'yo?" Taka kong tanong sa kanya.

"Hindi mo pa ba nabalitaan?!" Tanong niya ulit na mas lalong pinagtaka ko.

"Tss, ano ba kasi yun?" Tanong naman ni Olive sa kanya.

"Si- si Light mo."Aniya. Sabay turo niya sa akin.

Tumaas ang kilay ko. "Anong Light ko?"

"Basta! Si Liwanag mo, siya daw ang iinterview ni Nicole."sagot niya na ikinatigil ko. Akmang magsasalita pa sana siya ng iniwan ko sila sabay takbo palabas ng room namin.

What the hell? Totoo ba yon? Pumayag siya kay Nicole? Pero sa akin hindi? Anong plano ng Liwanag na yon?!"

"Ada! Anong ginagawa mo?!"pigil ni Della sa akin ng akmang papasok ako sa room nila Light kung saan kitang-kita ko ang pag uusap nila ni Nicole.

"Hindi 'to puwede! Partner ko siya Della!"galit kong sagot sa kanya.

"Tss, pero..."

"No! Pupunta ako sa loob."putol ko sa sasabihin niya sabay lakad ko papasok sa loob ng biglang may pumigil ulit sa kamay ko.

"Ano ba?! Sabi!"

"Stop that Ada."kalmadong wika ni Zach sa akin na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

"Zach?"mahinang tawag ko sa pangalan niya.

"Tama na yan..."Aniya.

Umiling ako. "Hi-hindi puwede, siya ang tatanungin ko eh."Saad ko sa kanya.

"Pero Ada, can't you see? Pumayag na siya sa iba."Saad din ni Harrold sa akin na nandito rin kasama ng iba ko pang kaibigan na ikinatulo ng luha ko.

"Shh, I'm here, ako, ako na lang."kalmadong wika ni Zach sa akin sabay yakap niya sa akin na siyang ikinahagulhol ko.

Fudge! Hindi ko aakalain na iiyak ako ng dahil sa Light na yon! Bwisit siya! Gago!

"Bw-bwisit siya."

"Alam ko, tsaka, wag kang mag-aalala, nandito lang ako. Ako na, ako na lang---- ulit."sagot niya na ikinatingin ko sa kanya. Kitang-kita ko sa mata niya na totoo sa sinasabi niya pero bakit hindi ko magawang ngumiti? Bakit hindi ako makangiti?

Zach!!!!


Update ako agad once na may masulat akoooo. Mamaya o bukas basta update akooo agad promise for now itooo muna medyo foul si Liwanag ehhh. Perooooo abangan niyo yung sa booth kasi bastaaaa. Iloveyou all. Happy reading. .

Angie

BugambilyaWhere stories live. Discover now