Chapter 35

218 11 3
                                    

Bakit nga ba ako umabot sa punto na 'to ng buhay ko? I thought okay na ako, buong akala ko ayos na ako pagkatapos ng lahat. Pero hindi pala, pagkatapos kong marinig sa kanya ang lahat kagabi, biglang bumalik ang lahat ng sakit sa puso ko. Nasasaktan ako, naalala ko bigla ang  panahon na nalaman ko na kaya lang pala niya ako hinayaan na pumasok sa buhay niya ay dahil nakikita niya sa akin ang patay niyang girlfriend.

"Are you okay? Kanina ka pa tahimik, gusto mo,wag na lang muna tayo pumunta sa samal? Sumasakit na naman ba? Sumisikip?"Nag-aalalang tanong ni Kio sa akin.

Sa samal gaganapin ang kasal nila Leila at Harrold sa sabado, at papunta na lahat ng mga imbitado doon. Kay Kuya sana ako sasabay kanina ng bigla kong naalala na kasama niya pala sa van ang mga teammates nila. At dahil sa hindi ko kayang makita ngayon si Light ay mas pinili ko ng sumabay kay Kio.

"Ada?"

Tawag ulit ni Kio ng hindi ako nakasagot sa sa kanya.

I smiled. "I'm fine, I'm just tired. Don't worry, okay lang siya. Okay lang ako." Paninigurado ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya habang tinitigigan ako, tila hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"I know you Ada, tell me, anong gumugulo sa isip mo? Sabihin mo kung masakit, o sumisikip, yung inhaler mo dala mo? Ano ba kasing iniisip mo?

I shook my head. "Dala ko Kio a wala nga akong iniisip, nasa isip ko lang na ang gago niyo talagang mga lalaki." Sagot ko sa kanya na ikinasimangot niya. Kahit nagmamaneho siya kitang-kita ko ang pagkasimangot niya.

"Inis ka?"pabiro kong tanong sa kanya. Agad naman niyang binaling ang tingin sa akin.

"Wag mo ako, itulad sa ex love mo." Malamig na usal niya. Akmang sasagot pa sana ako sa kanya ng biglang may usok na lumabas galing sa makina ng sasakyan ni Kio. Kaya saglit kaming tumigil sa gilid ng kalsada para tingnan ang nangyari.

"Ngayon pa talaga tayo masisiraan?" Iritang wika ni Kio na ikinatingin ko sa kanya.

"Should I ask Kuya for help?" I asked him.

Agad naman siyang tumingin sa akin ng may pag-aalala.

"Kaya mo ba?"he asked.

Alam ko ang tinutukoy niya, na oras na tawagan ko si Kuya Evo para humingi ng tulong kung nasaan na ba sila ngayon banda ay makikita ko si Light.

"I can handle this, matatagalan nga lang, okay lang ba? Baka bukas pa tayo maka sunod sa kanila sa kasal."Aniya.

I don't know what to say, kaya tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. Nasa Davao city na naman kaming dalawa, kaya okay lang sa akin na bukas pa kami makarating sa samal. Tsaka mas mabuti na rin 'to, kahit saglit lang, hindi ko makita ang mukha ni Light.

"Gutom kana? Sa mcdo tayo?"nakangiting tanong ni Kio sa akin,tapos na kaming pumunta sa Isang shop para ipatingin ang sasakyan niya at sinabihan kami ng mekaniko na bukas ng madaling araw tapos na rin yun. Kaya ito kami ngayon naghahanap sa internet ng hotel kung saan kami pwede mag stay ng biglang nagyaya nga si Kio na kumain.

"Libre mo?"nakangiting tanong ko sa kanya na ikinangiti niya na lang.

"Tss, parati naman eh, tsaka kailangan natin kumain, pupunta pa tayo ng hotel." Aniya.

I nodded.

Papunta na sana kami ni Kio sa pinakamalapit na mcdo ng biglang nag ring ang phone ko. At ng makita ko ang pangalan ni Kuya sa screen, tiningnan ko muna si Kio na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"Answer him, baka isipin pa ni Kuya Evo, tinanan na kita." Usal niya na ikina taas ng kilay ko.

"Kapal mo. Akala mo naman sasama ako sayo kung sakaling yayain mo ako. Hello, dalagang filipina kaya ako "Asar kong sagot sa kanya bago sagutin ang tawag ni Kuya Evo.

"Ada Mary! Where the hell are you?! Kayo ng Kio na yan?! Nandito na kami sa bards, tapos kayo wala?!" Galit na tanong ni Kuya Evo sa akin.

I sighed.

"Can you please calm down Kuya? Para naman akong kinain ng buhay ni Kio." Inis kong sagot sa kanya

"What did you say young lady? Kinain ng buhay? Hoy Ada! Sinasabi ko sayo ha, kakatayin ko talaga ang lalaking yan."Ani ni Kuya sa malamig na tono. Na siyang ikinatawa na lang namin ni Kio.

"Anong tinatawa-tawa mo d'yan? Tsaka, sagutin mo ang tanong ko? Nasaan kayo?"

"Tss, nasiraan kami ng sasakyan, nandito pa rin kami sa Davao city, bukas na lang kami pupunta d'yan." I said. Halatang nagulat si Kuya Evo sa sinabi ko dahil sa paghinga niya ng malalim.

"Are you for real Mary? Bakit hindi mo ako tinawagan para ma rescue kayo agad ha?" Inis na tanong niya.

I rolled my eyes. "Shut up Kuya, I know, alam mo ang sagot sa tanong na yan, tsaka susunod naman kami agad diyan ah. Just please let me relax for a while, kahit ngayong araw lang ayaw ko siyang makita." I said coldly.

"But..."

"Anyway Kuya, kausapin ka daw ni Kio." Putol ko sa sasabihin niya sabay bigay ko kay Kio ng cellphone.

"Anong sasabihin ko sa kanya?"bulong ni Kio sa akin.

Umiling ako. "bahala ka na. Ayaw ko lang makipag-usap ng matagal." Sagot ko sa kanya, bago pumasok sa loob nh mcdo. Nauna na ako kay Kio na pumasok dahil alam kong babarahin pa siya ni Kuya Evo ng mga paalala.

Naghanap ako ng magandang table at ng nakahanap na ako ay sakto rin na tapos na si Kio sa pakikipag-usap kay Kuya.

"Anong sabi niya?" I asked pagkatapos niyang iabot sa akin ang cellphone ko.

"Nothing important, sinabihan niya lang ako na dalhin ka sa samal bukas ng walang bawas at gasgas. Kung ayaw ko daw mabalatan ng buhay." Sagot niya na nagpangiti sa akin.

"Protective as always." I murmured.

"Siyempre, Kuya mo eh. Anyway anong gusto mo? Ako na oorder."

I smiled.

"You know what I love Ki." I said.

He nodded. "Okay, ako na ang bahala." Aniya.

I nodded. Pagkaalis na pagkaalis ni Kio papunta sa counter ay napagpasyahan ko na itext muna si Kuya para sabihin na wag na siyang mag-alala sa akin at para wag na niyang takutin si Kio.

Pero habang nagsusulat ako ng mensahe para sa kapatid ko. Isang mensahe ang nag pop-up sa messenger ko galing kay Light. At dahil sa katangahan ko, aksidente kong nabuksan ang message niya.

From Light:

Where are you Mary? Please tell me. Please. Don't you dare! Wag na wag kang tatabi sa kanya sa kama. I swear mababaliw ako Mary. Mababaliw ako.

Tss, edi mabaliw ka d'yan, pakialam ko naman sayo. Bulong ko pagkatapos kong basahin ang message niya.

Good evening, mukhang mahihirapan talaga si Light kay Ada, ikaw ba naman magustuhan dahil sa ex. Hahaha. Anyway, try ko mag update ulit tomorrow, sa ngayon ito muna abangan niyo na lang sa Kabanata secret mag-uusap ulit sila ng kalmadong dalawa. Mwah. Xoxo. Happy reading. And thank you everyone ....

Angie

BugambilyaWhere stories live. Discover now