Chapter 14
Drunk"You're drunk Ada, tama na yan."saway sa akin ni Leila.
Nandito kami ngayon sa isang sikat na club sa Valencia, kilala ako dito dahil ang Tito ko ang may-ari kaya kahit 17 pa kami ay pinapasok na kami. Tsaka wala naman magtatangkang galawin kami dito takot lang nila sa Tito ko.
Pagkatapos ng nangyari kanina, bumalik na sa practice nila si Harrold, at hinatid naman kami ni Zach sa Robinsons, dahil sabi ko sa kanya may bibilhin kaming importante, gusto pa nga sana niyang sumama, pero sabi ko, kaya na namin at girls bonding'to at hindi siya pwedeng sumama. Pero ito kami ngayon nasa M Club, umiinom at lumilimot. I know, sinamahan lang ako ng mga kaibigan ko dito, pero laking pasalamat ko sa kanila dahil hindi nila ako iniwan ngayong araw.
"Ada! Tama na, baka makarating pa 'to sa Kuya mo."wika din ni Della sa akin na ikinatingin ko sa kanya.
Umiling ako. "N-no, hi-hindi niyo sa-sasabihin, ka-kaya hi-hindi niya malalaman." Nauutal kong sagot sa kanya sabay inom ko ng pangatlong shot ko ng tequila.
"Gu-gusto ko lang ma-makalimot sa bwisit na Li-light na yon. A-anong karapatan niyang I reject ako? Porket ba? Ganito lang ako? Bwisit! Gusto ko siya, pero sa-sana wag niya akong gaguhin."I whispered.
"Shh, hayaan mo na. Tsaka si Zach na naman partner mo diba?"kalmadong wika ni Olive sa akin.
I smiled. "Yes."
"Yon naman pala eh, tama na yan, uwi na tayo."saad din ni Stella.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Mauna na kayo, kaya ko ang sarili ko, gusto ko lang kahit ngayong gabi makalimutan ko ang letseng Light na yon." Sagot ko sa kanya.
Tatlong beses ko pang ininom ang tequila sa baso ko ng nakaramdam ako ng hilo. Akmang tatayo sana ako para pumunta sa Rest room dahil pakiramdam ko susuka ako ng biglang may sumalo sa akin. Pero ni hindi ko makita ang mukha niya, pero alam kong lalaki siya, dahil sa laki ng mga kamay niya, medyo blurd lang talaga siya sa paningin ko.
"Ilang baso ang nainom niya?"malamig na tanong ng boses na narinig ko.
Bakit kaparehas niya ng boses ang Liwanag na yon?
"Medyo marami na din Kuya."sagot naman ni Olive.
Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ng lalaking 'to sa bewang ko, gusto ko man tanggalin ang kamay niya hindi ko magawa, masyado akong lasing para tanggalin 'to.
"Iuuwi ko na kayo."the man said.
Agad kong tinanggal ang hawak ng lalaki sa bewang ko sabay taas ko ng kilay na tumingin sa kanya.
"A-anong iuuwi? Wa-walang uuwi, mag- i-iinom pa kami." I shuttered.
Kitang-kita ko ang pag igting ng panga niya, kaya mas lumiwanag ang tingin ko sa kanya. Pero bakit ganito? Bakit si Light ang nakikita ko?
"Let's go."Sagot ng lalaki sabay hawak niya sa kamay ko.
Umiling ako. "Hi-hindi! Ayaw ko sumama sa pangit! Ka-kamukha mo si Li-light na pangit! Ayaw ko."
"Brat!" Mariing sagot niya.
I smiled. "Atleast, hindi ka-katulad ng Liwanag na yon. A-anong akala niya? Siya lang ang pwedeng maging respondent ko? A big no! Pu-pumayag talaga siya kay Nicole, pero sa akin? sa akin? What the hell?! What's wrong with me?!"sigaw ko habang sinusuntok-suntok ang dibdib ng lalaking kausap ko ngayon. Agad naman akong pinigilan ng mga kaibigan ko para pakalmahin.
I cried. "Ba-baliw siya! Mas masahol pa siya kay Zach! Ma-makikita niya, gu-gusto niya akong lumayo sa kanya? Fine! La-lalayo na ako sa kanya."iyak ko.

YOU ARE READING
Bugambilya
RomanceSTAND-ALONE (COMPLETED) (UNEDITED) Bugambilya - Bougainvillea is the plant, with its long vines, and few spikes hidden between delicate blooms, is linked with passion. The flowers stand for both woeful and joyful passion. It was believed that if...