Isang linggo matapos kong malaman ang lahat, hindi pa rin nagpapakita si Light, ni anino n'ya, hindi namin nakikita at aaminin ko na walang araw na hindi siya sumagi sa isip ko, pero alam ko na kailangan ko na siyang kalimutan, kahit mahirap at kahit masakit kailangan kong kayanin, hindi ko na siya pwedeng hintayin.
"Girl, sigurado ka na ba talaga na, hindi ka na tutuloy ng second sem sa CMU?" Della asked.
Nasa bakasyon ang mga kaibigan ko ngayon, at ng chinat ko sila kanina na, hindi na ako mag-aaral sa CMU, next sem ay agad silang nag yaya nang video call.
I just smiled. Hindi ko na kailangan sagutin ang tanong niya, dahil alam ko na alam nila na wala nang makakapigil sa desisyon ko.
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Bes, ang layo ng Singapore." Ani naman ni Stella.
I nodded. "Buo na ang desisyon ko guys, I need to do this, para sa sarili ko."
Narinig ko naman ang buntong-hininga ni Harrold mula sa kabilang linya.
"That man, I swear, oras na makita ko siya, ako mismo ang bubogbog sa kanya." Malamig na sabi niya.
"Tss, kala mo naman kaya niya." Bulong ni Leila na nagpangiti sa akin.
"Wag na kayong mag-alala sa akin, ngayon lang 'to, later on makakalimutan ko rin ang lahat." Saad ko sa kanila.
Alam kong hindi madali ang gagawin kong desisyon, pero ito ang tama, kailangan ko umalis para sa sarili ko, kailangan ko siyang makalimutan. At magagawa ko lang yun kung aalis ako sa lugar na 'to.
"We know, na hindi ka na namin mapipigilan sa gagawin mo, pero Ada, wag mong kalimutan na nandito lang kami para sayo, alam namin na mahirap at madali, pero nandito lang kami. Hindi mo kailangan, sarilinin ang problema." Ani naman ni Olive na muling nagpangiti sa akin.
Sa kabila nang lahat ng nangyari, nagpapasalamat pa rin ako dahil meron akong mga kaibigan na handa akong saluhin sa lahat ng oras, kasi kung ako lang, alam kong hindi ko kakayanin.
"Anak, handa na ba lahat ng gamit mo?" Tanong ni Mama na ngayon ay nandito sa kwarto ko.
I smiled. "Yes, Ma."
"Sigurado ka na ba talaga na hindi ka na sasama sa amin pabalik dito? Paano kung ma- triggered yang..." Tanong niya.
I slowly nodded my head. "Sigurado na po ako Mama, kaya ko po itong I handle, gusto ko po 'tong gawin, para sa sarili ko. I want to find myself again Ma. At hindi mangyayari yun kung mananatili ako sa lugar na 'to." Sagot ko sa kanya.
Akmang sasagot pa sana si Mama, ng muling bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Anong tsismis ng Reyna at prinsesa ko?" Nakangiting tanong ni Papa sa amin.
"Nothing, kinausap ko lang itong anak mo kung ayaw niya ba talaga sumama pabalik sa atin." Mama said.
Agad naman nabaling ang tingin ni Papa sa akin.
"Ada, alam kong hindi ka na namin mapipilit, pero kung gusto mo ng umuwi tawagan mo lang kami. At anak pangako, maghahanap si Papa, pangako ko yan. So please be strong okay."Aniya.
I smiled." Opo, Papa."
"Good, at kung may oras kami nila Mama at Kuya mo ang pupunta sayo doon para puntahan ka at dalawin." He said.
I nodded.
Ayaw ko man iwan ang Maramag at ang pamilya ko, wala akong magagawa, kung hindi ko 'to gagawin mas masasaktan at mahihirapan lang ako. Araw-araw ko lang siyang maalala, at araw-araw ko lang hihintayin ang pagbabalik niya. Na alam kong hindi na mangyayari. Mahal ko siya aaminin ko, pero hangga't ibang babae pa rin ang nasa puso at isip niya, hinding-hindi ko siya makukuha nang buo.
"Aalis ka na lang ba talaga ng hindi ako papansinin baby?" Pukaw ni Kuya sa akin.
Kakatapos ko lang mag handa ng mga gamit ko na dadalhin sa Singapore kaya napagdesisyonan ko munang lumabas para magpahangin.
Napayuko ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na hanggang ngayon, wala pa rin akong sa mood kausapin siya.
He sighed. "I understand, alam kong ayaw mo pa rin akong kausapin at naiintindihan ko yun, pero Ada, please know, that hindi ko ginustong masaktan ka, ayaw ko lang ma triggered yung puso mo. Ayaw ko lang na.... At maliban sa mga magulang natin, ikaw ang isa sa pinakaimportanteng tao sa akin. Ginawa ko lang yun, kasi nakikita kong masaya ka, at ayaw kong makita kang masaktan.. at ayaw ko na maging dahilan yun para mag react ang puso mo. Hindi ka puwede mawala sa amin Ada."
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa yun Kuya, pero hindi ko pa rin maiwasan masaktan. Ang sakit Kuya, sobrang sakit. Ayaw mo masaktan ang puso ko, pero anong ginawa mo? Nasaktan mo pa rin 'to. Pero don't worry kaya ko, kakayanin ko pa. Mabubuhay pa ako. Pero sams Kuya, sana sinabi mo na lang diba? Kung sinabi mo, edi sana hindi ganito kasakit. Sana, hindi ko na lang pinilit na pumasok sa buhay niya kung nalaman ko na lang na si Ara pala ang nakikita niya sa akin. Sana hindi ko siya minahal kung sinabi mo lang Kuya.... Kung sinabi niyo lang..." Sagot ko sa kanya, habang unti-unting tumutulo ang mga luha sa mata ko.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin na ikinatahimik ko. Hinayaan ko siyang umupo sa tabi ko.
"I'm sorry, if nasaktan ka, pero promise ni Kuya, hindi ka na ulit masasaktan, hindi ko na hahayaan na lumapit pa siya sayo, oras na bumalik siya." He said na siyang nagpatigil sa akin.
Kumunot ang noo ko.
"Babalik siya?" I asked.
"Bakit? Kung sasabihin kong oo, hindi ka na ba tutuloy sa Singapore?" Tanong niya pabalik sa akin.
Umiling ako. "Sapat na ang isang linggo Kuya, tanggap ko na, at bumalik man siya o hindi alam kong kailanman hindi niya ako makikita bilang ako. Hangga't hindi nawawala sa isip niya si Ara, si Ara na totoong mahal niya, si Ara na buhay niya, si Ara na nag-iisa para sa kanya."
"Ada..."
"Wala akong laban kay Ara Kuya, gusto niya lang ako dahil nakikita niya si Ara sa akin, pero kailanman, hindi ko mapapalitan sa puso niya si Ara, wala akong laban sa totoong minamahal niya." Putol ko sa sasabihin ni Kuya.
"I'm sorry.. Kasalanan ko... Kung.."
I smiled. "Okay na Kuya, tanggap ko na, tsaka may kasabihan nga diba? Mas mahirap kalaban ang patay kesa sa buhay, yung katotohanan pa lang na mahal niya pa rin si Ara, kahit wala na 'to, talo na ako. Kaya tanggap ko na Kuya, tanggap ko na, na kailanman hinding-hindi ako magiging si Ara."
Ada ko, hugsss. I love you so much Ada. Sorry sa mga ginagawa ko sayooo, kailangan lang talaga... Anyway good evening and happy reading everyone.
Angie

YOU ARE READING
Bugambilya
RomanceSTAND-ALONE (COMPLETED) (UNEDITED) Bugambilya - Bougainvillea is the plant, with its long vines, and few spikes hidden between delicate blooms, is linked with passion. The flowers stand for both woeful and joyful passion. It was believed that if...