" What happened to her? At totoo bang medyo kahawig ko siya? Sino ba si Ara Kuya? Anong nangyari sa kanya? Bakit siya namatay?"
After I asked that. Kitang-kita sa mata ni Kuya ang pagkabigla, parang gulat na gulat talaga siya ng marinig ang tanong ko. Kaya mas lalo kong napagtanto na may tinatago siya, na may tinatago silang lahat sa akin. At yun ang bagay na aalamin ko.
"Kuya?"tawag ko ulit kay Kuya ng hindi na siya nagsalita.
Umiling si Kuya Evo bago ihinto ang sasakyan sa gilid, at seryoso akong tiningnan sa mata.
"Nothing happened to her, nagkasakit lang siya... At..."
"At?" Putol ko sa sasabihin niya.
"Medyo nga may hawig kayong dalawa, pero walang Ibig sabihin yun. Wag mo na isipin yun. I will talk to Light tomorrow don't worry." He said bago muling paandarin ang sasakyan, na ikinatahimik ko na lang.
Ayaw niyang sabihin, kaya ako mismo ang aalam ng totoo. Ano ba talagang meron sa Ara na yun? Sino ba talaga siya sa buhay ni Light? At nasaan si Light ngayon?
Pagdating namin ni Kuya sa bahay nauna na akong bumaba sa sasakyan niya at umakyat papunta sa kwarto. Hindi ko na kayang magpaalam sa kanya, dahil isang bagay lang ang naiisip kong gawin agad bukas, ang alamin ang katotohanan bago kausapin si Light. At sa mga oras na 'to, isang tao lang alam kong pwedeng makatulong sa akin. Zach.
"Hello, Ada?" Bungad agad ni Zach pagsagot niya ng tawag ko.
Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot sa kanya.
"Good evening, Zach. May pabor lang sana ako.. kung pwede?"Tanong ko sa kanya.
"Ano yun? Tungkol saan? Naka-uwi na kayo?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin pabalik.
I smiled. "Yes, at kung pwede bukas ko na sabihin? Wala lang talaga akong ibang malapitan ngayon." Sagot ko sa kanya.
"Sige, sabihin mo lang kung saan."Aniya na nagpangiti sa akin.
"Oo, itetext ko na lang, thank you Zach, see you tomorrow and sana wag ka tumulad sa kanila lahat... Be honest with me." I whispered.
"Ada?"
"Nah, tomorrow na lang ulit. Goodnight." Saad ko sa kanya sabay off ko ng tawag agad.
Sana nga talaga hindi ako nagkamali na hingian ng tulong si Zach, sana nga lang talaga bukas masagot na ang mga tanong ko. Kung sino ba talaga si Ara? At anong nangyari sa kanya?
Kinabukasan halata sa mukha ni Zach na makita ako sa harap ng apartment ni Light. Alam kong may hula na siya kung bakit ko, dito pinili makipag-kita. I want to know everything at alam kong malalaman at makikita ko ang sagot na hinanahap ko sa lugar na 'to at sa bahay na 'to.
"Ada?"
I smiled. "Salamat sa pagpunta ha. Alam ko na ikaw lang ang makakasagot ng mga katanungan ko, at alam ko rin na hindi ka magsisinungaling sa akin right?"
Dahan-dahan tumango si Zach sa tanong ko. Sabay kaming pumasok sa loob ng apartment ni Light at tulad ng inaasahan wala siya dito. Pero mamaya ko na lang iintindihin kung saan ko siya makakausap para tanuningin for now I want the truth at yun ang aalamin ko.
Pumunta ako sa kwarto ni Light at nagsimulang maghanap ng biglang may napansin akong isang pinto sa kwarto niya na pinagtaka ko. Lalapit na sana ako sa pintong yun at akmang bubuksan ito ng biglang humarang si Zach sa harap ko.
Kumunot ang noo ko. "Don't tell me, pipigilan mo rin ako alamin ang katotohanan?"I asked.
Napa-atras si Zach pagkatapos kong itanong yun kaya kinuha ko ang pagkakataon na yun para buksan ang pinto. At laking gulat ko sa aking nakita.
"Totoo ba 'to?"Tanong ko kay Zach sa maliit na boses..
Puno ang kwarto ng mga pictures ng Isang babae na hula kong si Ara, may ilan rin na pictures na naka dikit sa ding-ding, mga larawan nila ni Light kung saan halatang sweet silang dalawa at masaya. Pero ang nakaagaw ng atensyon ko. Ang larawan kung saan nakangiti ang babae kay Light ng inabutan siya ni Light ng tatlong bugambilya na nasa paso.
Kaya ba? Kaya ba nasabi niya noon na favorite ko rin ang bugambilya? Ibig sabihin si Ara, pareho kami ng gusto? Pilit kong kinuha ang larawan nilang dalawa kasama ng bugambilya na bigay ni Light sa babae. Pero nanginginig ang kamay ko na habang dinadampot ito.
"Favorite.. favorite niya rin ba ang bulaklak na 'to?" Nauutal kong tanong kay Zach na ngayon ay nakatulang nakatingin sa akin. Akmang magsasalita pa sana ako ulit ng may nakita ako ulit na pumukaw ng atesyon ko. Isang sulat. Dali-dali ko itong dinampot upang basahin.
Dear Ara,
Love, I'm sorry, pero nakikita ko siya sayo the way she talk, parang ikaw talaga, but still I know hindi ikaw si Ada, imposibleng ikaw siya dahil matagal na mo na akong iniwan. I miss you so much love I still love you. Kaya natutuwa ako tuwing nakikita ko si Ada, kasi pakiramdam ko ikaw ang kausap ko because of her parang buhay ka. I miss you love.May iba pa sanang nakasulat sa papel, pero hindi ko na ito kayang tapusin dahil sa ramdam ko na nagsisimula na akong manlamig. Ibig sabihin, nagustuhan niya ako kasi nakikita niya si Ara sa akin? Ibig sabihin si Ara ang nakikita niya sa akin?!
"Ada---" Rinig kong tawag ni Zach sa pangalan ko.
""Alam niyo na si Ara ang nakikita niya sa akin?! Tama?! Alam niyong lahat na nagustuhan n'ya ako dahil para sa kanya, ako si Ara?! Pero hindi niyo sinabi?! Damn! Pinaglaruan n'yo akong lahat! Ang sama n'yo. Ang sama-sama n'yo!"sigaw sa kanya habang unti-unting ginusot ang sulat na nabasa ko.
"Ada, let me explain please.... I tried.... Trust me... pinilit ko, pero natakot ako, natakot ako na oras na may sabihin ako sayo, hindi ka maniwala sa akin. Sino ba naman ako diba? Nasaktan kita and Light? Nakikita ko, kitang-kita ko na masaya ka pagkasama siya." Sagot niya habang unti-unting lumalapit sa akin.
"Sana...sinabi mo... Sana... Para hindi ako masaktan ng ganito..." Hagulhol ko.
"I trust Kuya Evo, pero kahit siya ayaw magsalita!" I whispered.
"Kasi naniniwala si Evo na totoong gusto ka ni Light, but after what happened yesterday, at ngayon alam na ni Evo na hanggang ngayon nakakulong pa rin si Light sa nakaraan."Aniya.
Nanlaki ang mata ko.
"Anong ibig mo sabihin?" I asked.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Zach bago sagutin ang tanong ko.
"Umalis si Light, kagabi pa. Wala na siya Ada!"
And then that's it!!! Good morning everyone sorry ngayon lang nag update huhu. Ito na talaga downfall na ni Ada and next chapter... Malalaman natin ang kwento ni Ara at Light, but nasaan nga ba si Light? Abangaaan for now happy reading everyone.
Angie

YOU ARE READING
Bugambilya
RomanceSTAND-ALONE (COMPLETED) (UNEDITED) Bugambilya - Bougainvillea is the plant, with its long vines, and few spikes hidden between delicate blooms, is linked with passion. The flowers stand for both woeful and joyful passion. It was believed that if...