Chapter 33

209 11 3
                                    

Hindi ko alam kung paano ko kinaya ang mga titig ni Light kanina, basta ang alam ko lang, siya ang unang umiwas agad.. At ngayon nandito na kami lahat sa table para kumain, katabi ko si Kio sa kanan at si Kuya Evo naman sa kaliwa.

Ramdam ko pa rin minsan ang tingin ni Light sa akin habang kumakain ako, pero katulad ng ginawa ko kanina sa garden binaliwala ko ang titig niya. At inabala ang sarili ko kay Kio na daldal ng daladal at sa pagkain ko.

"So young man, nililigawan mo ba ang kapatid ko?" Tanong ni Kuya Evo kay Kio na ikinatingin namin lahat sa kanya. Kahit si Light at Zach na magkatabi ngayon ay napatingin rin kay Kuya. Samantalang pangiti-ngiti naman ang mga kaibigan ko maliban kay Harrold na halatang nagulat rin sa tanong ni Kuya.

Akala ko babaliwalain ni Kio ang tanong ni Kuya, pero laking gulat ko at nagsalita siya.

"If ever, I will say yes po, I think? Wala naman mali kung sakali? Single si Ada, single naman ako. And wala po akong kaso magka girlfriend ng kaibigan."

Agad akong napatingin kay Kio, dahil sa sinabi niya, pero ang loko, imbes na magpaliwanag sa akin ay ngumiti pa.

"Tss, don't mind him Ki, nagbibiro lang si Kuya sa tanong niya." I said to Kio.

"Sinong nagsabi? Guys? Mukha ba akong nagbibiro?"natatawang tanong ni Kuya sa mga kasamahan namin sa table. Sabay-sabay naman silang umiling lahat na ikinatahimik ko na lang.

"Kuya!"

"Lil, sis, if he likes you, at kung gusto ka niyang ligawan, as your big brother. I want to know him. Ayaw ko na magkamali katulad ng dati." Malamig na sagot niya sabay baling niya ng tingin kay Light na ngayon ay nakatingin rin sa amin.

"Don't worry, if ever man sumagi sa isip ko na ligawan si Ada. Isa lang po ang maipapangako ko sa inyo. Hinding-hindi ko siya iiwan." Kio said.

I stopped.

Magkaibigan kami ni Kio, pero hindi ko maiwasan magulat sa sinabi niya, noon pa man sa Singapore, parati na kaming tinutukso dalawa, pero palagi lang namin pinagtatawanan, dahil alam namin na hanggang magkaibigan lang talaga kami. Pero bakit ngayon? Para akong kinabahan sa sinabi niya.

Akala ko maiinis si Kuya sa sinabi ni Kio, pero hindi, dahil imbes na mainis , tumawa pa siya sabay kuha niya ng kamay ko at kamay ni Kio.

"I like you. For my sister, young man, please take care of her." Aniya.

I sighed.

Imbes na kumontra kay Kuya, hinayaan ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Kuya Evo is Kuya Evo. I know, iniinis niya lang si Light kanina habang kumakain kami, na siyang imposibleng mangyari dahil halata naman kanina sa paraan ng pagtitig ni Light sa pwesto namin ay talagang wala siyang pakialam. And I can say na sa amin dalawa, ako lang talaga itong nag suffer at nasaktan.

"Girl, so, boto na si Kuya Evo kay Kio? First time yun ah, for the first time. May sinabihan siyang lalaki na boto siya for you." Pukaw ni Stella sa pag-iisip ko..

Nasa table pa rin sila Kuya kasama ng mga ibang lalaki, nag- iinuman at dahil wala akong magiging ambag do'n mas pinili ko na lang lumabas para makalanghap ng hangin. I feel so worthless right now, hindi ko alam kung bakit.

"May iniisip ka?"tanong rin ni Olive.

I smiled.

"Wala, yung iba?" I change the topic.

Pakiramdam ko wala akong sa mood na sagutin ang tanong nila ngayon kaya iniba ko na lang ang usapan.

"Ayun mga lasing na." Sagot ni Stella na ikinatingin ko sa kanya.

"Tawagin niyo na, dito na lang muna ako." I said.

"Are you sure? Puwede ka naman namin samahan dito, for sure naman, hindi papayagan ni Harrold na may mangyari sa girlfriend niya at kay Della." Ani ni Stella.

I nodded. "Kay Leila, wala tayong magiging problema, pero kay Della? Tsaka, don't worry about me. I'm fine here. Pakisabi na lang kay Kuya if mag tanong siya nasa labas lang ako."

Sabay tumango sila Stella at Olive na siyang nagpangiti sa akin. Pag-alis nila akala ko, makakahinga na ako ng maluwag ng biglang may nagsalita sa likod ko na ikinalingon ko do'n.

"Ada."

That voice! Anim na taon ko na rin ng huling marinig ang boses niya. Pero, hindi ako dapat magpa-apekto, ayos na ako. Okay na ako.

"Kuya Light." Nakangiting tawag ko sa kanya pabalik.

"What are you doing here? Malamig." Malamig na wika niya habang papalapit sa akin.

Hindi ko naman maiwasan kabahan sa ginawang paglapit niya sa akin, kaya bago pa ako tuluyan mawalan ng balanse habang naka harap sa kanya. Tumalikod na ulit ako. Ramdam ko naman ang pag tabi niya sa gilid ko.

"Can we talk?" Tanong niya.

I smiled.

"We are already talking Kuya." I seriously said.

Rinig ko ang pag-buntong hininga niya ng malalim na siyang ikinatingin ko sa kanya.

"Kumusta kana?" I asked.

Hindi ko alam kung bakit ko pa siya kailangan tanungin ng kumusta na siya, e, halalata naman na okay na siya. Minsan talaga nakakainis rin maging ako.

"I'm not okay. You? How are you?" He asked coldly.

Nakatingin na rin siya sa akin ngayon at katulad kanina, matatalim ulit ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Tingin na para bang may ginawa akong illegal sa likod niya.

Kinakabahan ako. Pero, hindi ko yan ipapahalata sa kanya. Ayaw kong isipin niya na may epekto pa siya sa akin. I admit, may epekto pa rin ang Liwanag na 'to sa sistema ko, pero hanggang do'n na lang yun. I'm done with him! Hindi na ako ulit puwede madurog ng dahil sa kanya. I'm tired!

I smiled.

"I'm fine Kuya.."

"Stop calling me Kuya, Ada!" He cut me.

Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa maamong mukha niya.

"Yan ang tama, at diba sinabi mo sa akin noon na dapat Kuya itawag ko sayo, dahil mas matanda ka sa akin?!" I asked.

Bigla naman dumilim ang paraan niya ng pagtingin sa akin. Na siyang nagpakaba lalo sa akin. At para maka iwas akmang aalis na ako sa harap niya ng biglang pinulot niya ang kamay niya sa braso ko, at dahan-dahan akong hinila palapit sa kanya, nakayakap na siya sa likod ko ngayon na nagpatigil sa akin. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba. Gusto kong umalis sa bisig niya, pero hindi ko maintindihan ang paa ko kung bakit ayaw nitong makisama.

"Stay, I missed you." He murmured.

At dahil sa sinabi niya, do'n lang ako nagkaroon ng lakas para umalis sa bisig niya, ni hindi ko na siya nilingon. Pero bago ako tuluyan lumakad palayo sa kanya, sinabi ko na ang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya.

"Masaya ba? Masaya ka na ba? Ara pala ha. Tss. Sad to say, Kuya Light, she's gone.  Condolence anyway."


Good morning everyone....... Basta isa lang masasabi ko, hindi marupok si Ada okay. Mas lalong hindi siya magiging easy to get. Abangan ko na lang yung mga chapters na magiging jalosi si Light. HAHAHAHA. Dalawang tao ba naman pagselosan..

Happy Reading. And hoping na okay kayong lahat. Xoxo.

Angie

BugambilyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon