17: Road to 1,000 Subscribers, Chloe!

43 5 0
                                    

Chloe
Feb 14, Tue 1:00 PM

Nasa bahay na 'ko kasalukuyan at pinaghahanda ng kape ang tito ko na dumalaw ngayon sa amin. Si papa ay nasa kwarto pa niya at nag-aayos ng sarili.

Dala-dala ko na mula sa kusina ang kapeng natimpla ko sa tasa at sa ilalim ng saucer nito. Dahan-dahan akong naglakad habang dala-dala ito para hindi mahulog. Nang nandoon na ako sa lamesa ng sala ay inilapag ko na roon ang kape sa harap ng nakaupo kong tito sa sofa.

"Ay nako, salamat," sabi niya at napabitaw sa cellphone na ginagamit at uminom sa tasa.

Suot ko pa ang uniform ko at hindi pa naiisipang magpalit. Umupo muna ako sa lapag sa harapan ni tito. Gusto ko siya kamustahin dahil isa rin siyang magdamag na nag-alaga at nagbantay sa akin nung bata ako.

"Kamusta ka na, Chloe?" tanong niya nang matapos lumaklak nang isang beses sa tasa. Napangiti ako sa kanya.

"Okay lang po, medyo nahihirapan sa school. Kayo po? Kamusta po ang factory niyo?" iyon ang pangangamusta ko sa kanya. Narinig kong natawa siya at napalagay ng tasa sa saucer nito na nasa mesa.

"Factory ko, talaga? Hindi ko pa nga naaangkin e, pero malapit na," natatawa niyang sabi at ngumiti na lang ako. Malapit na kasi maging tagapagmana si tito ng factory na pinagtatrabahuhan niya.

Sa galing at sipag ba naman kasi niya sa factory, magugustuhan talaga siya nung may-ari no'n. I wish na pwede akong maging katulad niya.

"Kamusta ang pagiging vlogger mo? Narinig ko sa papa mo na mahilig kang mag-vlog, ah." Napakuha siya sa cellphone na binitawan niya kanina.

Napatingin tuloy ako sa kwarto ni papa sa likod ko kung saan nakasara ang pintuan at abala pa rin siyang mag-ayos sa loob. Hindi ko alam na kahit hindi kami masyadong nagkikibuan ni papa ay nakukwento niya 'ko sa mga kamag-anak namin. Mukhang iiyak pa yata ako sa harap ng tito ko, ah.

"Ayos lang naman po, nadadagdagan pa nga ang views ko e," natatawa kong pagmamalaki, "nine-hundred na po ang subscribers ko, road to one-thousand."

Napainom na naman siya sa tasa niya at mariin na lumunok pagkatapos marinig ang sinabi ko.

"May katrabaho akong vlogger. Marami ang subscribers niya! Gusto mo ipa-promote kita?" alok niya na tila na-excite at hindi na tinuloy ang paglaklak sa tasa.

"Ay nako, hindi na po. Kaya ko rin naman po magparami ng views at subscribers kahit hindi napo-promote," pagtanggi ko. I feel like being promoted is just cheating. I could just hard work to get what I want and in that way, people could see me.

"Ano ka ba, Chloe, alam mo bang kasama sa pagiging vlogger ang ma-promote? Minsan kung nababalewala ang talento mo dahil walang nakakapanood o nakakapansin sa'yo, pwede kang magpa-promote. Isipin mo kung ilang tao ang makakapanood ng video na promoted ka. Malay mo maisipan nilang tignan ang channel mo dahil akala nila'y makaka-relate pala sila sa videos mo."

Tulala na tuloy ako sa sinabi ng tito ko. Pinag-iisipan ko kung tama bang magpa-promote na lang ako. Bumuntong hininga ako.

~

Gabi na at naisipan kong i-search sa youtube ngayon ang sinasabi ng tito ko na katrabaho niya. Ang sabi niya, i-chat ko lang daw siya kung gusto kong magpa-promote sa katrabaho niya at siya na ang bahala para sabihan ito. Hindi ba risky?

Habang pinapatuyo ko ang blond na buhok ko sa tuwalya ko ay napabukas ako ng laptop na binigay sa akin ng Ninang ko nung linggo pa dahil daw parating na ang birthday ko. Dahil dito ay mas natutulungan ko ang sarili ko na mabantayan ang mga manonood sa channel ko.

'BrandonTV'

Dinala ako ng youtube sa napakarami niyang videos. Lahat iyon ay mula sa channel ng sinearch ko. Doon nakita ko ang mukha nung lalaking sinasabi ng tito ko. Inisa-isa ko ang videos na nasa harapan ko.

Secret Story of the TwelveWhere stories live. Discover now