20: Professor Tuazon Knows Your Secret

51 5 0
                                    

Chloe
Feb 15, Wed 10:00 PM

Sobrang tagal na nito. Hindi ko nga alam paano at bakit kailangan pa niyang magpakita pa sa gabi ko.

Sobrang lapit niya nang paglaruan ang buhay ko nung mga oras na iyon. Naka-uniform pa 'ko no'n, kinukwestiyon ang sarili kung tama ba ito. Nakilala ko lang si Lars after we had our conversation in one of his streams.

Tapos ngayon naghuhubad na siya sa harap ko. Napalunok ako. Muntikan pang maluha at umiyak sa kung ano ang pwedeng mangyari. Nang mahubad na ni Lars ang damit niya ay nagbukas ang pintuan ng kwarto ko.

Lumabas ang papa ko sa berde niyang damit. Napahinto siya sa harapan ng pintuan. Una niya akong tinitigan at nanlaki ang mga matang tinignan si Lars. Napatingin ako kay Lars. Minata ko siyang pinalabas pero hindi siya lumingon sa akin. Nakatingin lang siya sa papa ko habang ibinabalik na ang itim na t-shirt.

Doon ako natauhan sa pinaggagagawa ko.

"Pambihira kayo, lumabas ka rito!" sigaw ni papa kay Lars at tinuro-turo ang palabas nang madiin. Ramdam ko ang galit niya. Napaiyak na 'ko nang lumabas si Lars.

Nang maramdaman kong wala na siya sa loob ng bahay ay naluha akong tumingin kay papa. Akala ko ay pagagalitan niya 'ko, bubugbugin o ano. Pero naluha lang niya akong tinitigan saka lumabas at malakas na sinara ang pintuan ko.

Natulala ako sa pader ng kwarto ko habang nakaupo sa kama saka buo pa rin ang suot at hindi na nakakibo pa. Hindi ako humihikbi ngunit patuloy na bumubuhos ang luha ko na senyales na natakot ako sa pangyayaring iyon.

Pagtapos ay bumalik ako sa kasalukuyan. Hiningal habang pawis na nakahiga sa kama. Suot ang blue ko na pajama. Agad akong napatakbo palabas ng kwarto sa uhaw. Bukas naman ang aircon ah. Ang ganda ng tulog ko at sarap na sarap pa 'ko pero ganon pa ang mapapanaginipan ko, tsk.

Pagkalabas ko ay iniwan kong bukas ang pintuan at saka sumugod sa kusina para kumuha ng baso. Doon ko naaninag ang kaunting liwanag ng mga ilaw sa labas dahil nakabukas ang pintuan ng bahay.

Nagsilabasan ang tubig sa dispenser namin at nang mapuno ang baso ko ay pinatigil ko na ito saka tinungga nang diretso ang lahat hanggang sa wala nang matira.

Iniwan ko sa lababo ang baso at saka naglakad palabas. Malamang niyan ay nasa labas si papa kaya bukas ang pintuan.

Nakita ko siyang nakaupo sa luma naming sofa na nakatambay lang sa labas ng bahay. Nakatitig lang siya sa mga sumasayaw na puno at sa daanang wala nang dumadaan.

Ramdam ko ang pag-ihip niya palabas sa usok ng sigarilyo niya. Agad ko siyang tinabihan para kausapin ito.

"Pa, bakit ayaw mo pa pong pumasok?" tanong ko habang parehas kaming nakatulala at hindi matitigan ang isa't-isa. Ngayon ay naaalala ko na ganito na kami dahil sa pangyayaring hindi naman kasi talaga karapat-dapat na mangyari.

"Mamaya na," mahina niyang tugon. Bumuntong hininga ako. Maya-maya ang tahimik na tuloy. Wala nang nagsasalita sa amin. Naiisipan na rin yata ng aking paa na bumalik sa loob.

"Pa, I'm sorry." Hindi ako umalis at sinabi ang dapat ay nung una ko pa talaga sinabi. "Hindi ko alam ang ginagawa ko."

Hindi ko mapigilang kabahan sa kung ano ang maaaring sabihin ni papa pabalik sa akin. Napalunok na lang ako sa kaba.

"Ayoko ang napapariwara ka," ayon ang narinig ko sa kanyang bibig. Hindi ko mapigilang mapatulo ng luha habang hindi siya tinititigan. "Ayokong mapunta ka sa maling direksyon."

"I'm so sorry, Pa." Naiiyak ko siyang tinignan. Doon niya 'ko tinitigan at inilagay ang kamay sa ulo ko at dahan-dahang tinulak ito pahiga sa kanyang balikat. Nakahiga akong lumuluha sa kanya habang libo-libong beses na pinapagalitan ang sarili sa mga nangyari.

Secret Story of the TwelveWhere stories live. Discover now