30: Mom Problems

42 5 0
                                    

Camilla
Feb 17, Fri 10:30 PM

Kahit maaga akong umalis ng prisinto kanina, ngayon lang ako nakarating sa amin, dahil namili pa 'ko para sa stocks na pagkain namin para sa bahay. Kailangan na kasi namin dahil naubusan na talaga kami. Dapat nga kanina pa e, kaya lang kailangan pa pala ako at ang mga kaklase ko sa prisinto. At siyempre, dahil prisinto iyon, inuna kong pumunta roon.

'Di ko nga alam na kailangan din pala ang magulang sa loob pero wala ako. Pero ayos lang. Natapos din naman nang maigi ang ginawa sa akin. 'Di ko lang nagustuhan ang detective. Nawa'y magkaroon siya ng magandang gabi.

Mabagal akong naglalakad palapit sa gate namin, sa kadahilanang mabigat ang plastic bag na dala ko. Dahil halos mga laman nito ay ang mga mabibigat na delata. Ganon talaga, para hindi agad maubos.

Nang mabuksan ko na ang gate namin ay pumasok na 'ko habang nakahawak pa ang isa kong kamay sa mahabang hilahan na naglolock ng gate. Nang makapasok na 'ko ay tinulak ko ang lock at nasara na ang gate.

"Saan ka galing?" Agad akong napalingon sa boses ng matandang babae. Laking gulat ko nang makita ang nanay sa duster niya na kulay brown habang nakahalukipkip at nakatayo sa harap ng bahay.

Matagal ko siyang tinitigan. Hindi gumana sa utak ko ang impormasyong kinausap ako ng aking nanay. Ngayon ko na lang narinig ang boses niya na kumakausap sa akin. Hindi ako makapaniwala.

"Uhh . . ." Kahit hindi makapaniwala, pinilit kong magsalita. "Sa palengke po, kaunti na lang stocks sa bahay, Ma."

"Palengke? Kanina ka pa umalis a. Bakit ang tagal mong makabalik?" tanong pa niya habang tinatagilid ang ulo.

"Mahaba po talaga 'yung pila, Ma," palusot ko. Nakayuko akong tumingin sa plastic bag ng pinamili ko habang naglalakad na palapit sa kanya.

"'Wag mo 'kong pinaglololoko, Camilla." Napahinto ako sa paglalakad at tinignan siya. Ito na naman ba? Hindi ako makapaniwalang ilang taon na 'ko. Ilang taon na lang, tatanda na yata ako. Subalit ganito pa rin ang nanay ko sa akin.

"Po?"

"Alam kong nagsisinungaling ka. Simula nang bata ka pa, alam ko nang ganito ang kalalabasan. Hindi ka na nadala. Na-rehab ka na, wala ka pa ring pinagbabago."

Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya. Siya nga ang dahilan kung bakit ako naging pariwara. Dahil sa pagsisisi niya sa akin ng mga kasalanang hindi ko naman nagawa.

"O, bakit umiiyak ka?" nanlalaking mga mata niyang tanong.

Doon ko napansin na may dumulas nang tubig sa pisngi ko at agad kong nilabas ang isa kong kamay sa hawakan ng plastik at pinunas ito sa luha.

"E 'di ba totoo naman? Tigilan mo na 'ko sa mga drama mo, Camilla." Umiling siya sabay talikod sa'kin at pumasok sa loob ng bahay.

Napaisip ako sa kinatatayuan ko ng mga bagay na dapat sinabi ko sa kanya. Pero hindi ko masabi kasi mahal ko siya. Bakit ba ganito? Bakit kailangan kong masaktan nang araw-araw? Bakit kung sino pang nag-aalaga sa akin, 'yon pang nananakit sa akin?

Pero huli na ang lahat. Nandito na 'ko sa sitwasyong 'to.

Kailangan ko lang ng bagong tutulong sa'king makalayo sa ganito. At may kilala ako. At tiyak na may mas maganda siyang paraan, kaysa sa masamang bisyo.

~

Mikha
Feb 18, Sat 12:00 AM

Patay ang ilaw sa kwarto ko, nakabalot ako ng kumot. Paharap sa kama habang nakabukas ang cellphone ko na hawak ko. Ang screen ko ay binabalot ng conversation namin ng group chat namin ng mga kaibigan ko.

Secret Story of the TwelveWhere stories live. Discover now