18: Do You Get Deja Vu, Mikha?

46 5 0
                                    

Mikha
Feb 15, Wed 9:30 AM

Nasa sariling paa akong naglalakad-lakad sa paaralan bilang isang paglibot lamang dahil wala naman akong magawa sa twenty minutes namin recess or break sa school na 'to.

Habang naglalakad ay hindi ko pa rin napipigilang isipin ang mga nasabi ko kay Millie kahapon noong valentine's. Totoo naman yata 'yon dahil isang memory iyon at hindi lang basta-basta na-imagine sa utak ko. Ang pinoproblema ko lang ay hindi ko nga nakilala ang babaeng kumatok sa apartment ni Sir.

Isa pa sa pinoproblema ko ay nung naalala ko iyon ay hindi ko naman talaga planong ipagsabi. Lalo na sa mga kaklase kong bitter, killjoy or walang mga kwenta. Hindi ko rin naman planong sabihin sa mga pulis.

Hello? Hindi ako tanga 'no. Kapag sinabi ko sa mga pulis iyon, edi nalaman nilang nag-party kami nung gabing iyon sa apartment ni Sir.

Basta ang goal ko na lang sa ngayon ay malaman kung sino ang babaeng iyon. Ano ang ginagawa niya roon nung mga oras na 'yon? Pero tanga, hindi ko nga alam kung anong oras iyon.

Mas malaki rin naman ang mga possibilities na hindi ko kilala kung sino ang babaeng iyon, kung kaya't hindi ko maalala ang eksaktong pagmumukha niya.

Tanga-tanga ba 'ko that time? Ni hindi ko man lang naisipang i-approach si Sir dahil nakita ko siya. Mukhang sobrang lasing ako no'n.

May bumabagabag naman sa aking mga tanong. Tulad ng mga, 'what if may koneksyon siya sa pagkamatay ni Sir?' O kaya naman, 'what if ang babaeng iyon ang pumatay kay Sir?' Aish! Ang gulo. Mas mabuti na lang sigurong mabuhay at mamroblema sa mga activities at hayaan ko na lang na maalala ng utak ko ang lahat.

Habang naglalakad sa wala akong ideya kung saan na ay napansin ko ang dalawang estudyante sa mga uniform nila habang natatawang umaamba sa labas ng isang faculty room. Napansin ko na 'yung isa ay may hawak na malaking bato. 'Yung isa naman natatawa lang sa tabi niya.

Napahinto tuloy ako sa likod nila para humalukipkip at panoorin sila. Nagulat ako nang ibato nung babae ang hawak niyang bato sa bintana at malakas na bumunggo ito sa bintana kaya nabasag ito.

Narinig kong lumanding ang bato at ang mga bubog sa loob ng faculty room kaya agad na nanlaki ang mga mata ko sa kanila. Natatawang tumakbo paharap sa akin 'yung dalawa. Nang makalayo na sila at nadaanan pa ako ay napansin ko ang height nila na may pagkababa sa akin kaya naisip ko agad na seventh grade sila.

Sinundan ko pa sila ng masamang tingin habang nakakalayo sila. Nagbukas ang pintuan ng faculty at agad ko itong nilingon. Isang matabang teacher na lalaki ang lumabas at kitang-kita ang umaapoy na mga mata niya sa akin, sa likod ng suot niyang salamin.

"Ikaw!" turo niya sa akin. Nakataas ang kilay kong tinuro ang sarili ko, bilang paninigurado. Galit na tumango ang teacher. Agad akong napalingon sa likod ko at nakitang wala na sa paligid 'yung dalawang namato.

Shit, am I experiencing that moment again?

~

"Sinabi ko na nga pong hindi po ako ang namato!" pagpupumilit ko habang malakas na napapapadyak sa kinauupuan ko. Narito ako ngayon sa mismong faculty na nabasag ang bintana.

Nakaupo ako sa harap ng isang matandang babaeng teacher na hindi naman pamilyar ang mukha sa akin. 'Yung lalaking teacher na nagdala sa akin sa loob ay nakatayo lang sa likod ko at nakahawak sa likod ng inuupuan ko.

"Siya 'yung naabutan ko roon sa labas e," sumbong nung lalaking teacher sa likod ko. Napaangat ang mga mata ko at pinaikot ito. Saka nanggigigil na tiningala 'yung teacher sa likod ko.

"Alam mo bang major offense na 'to ngayon, Diaz? Diaz ka, tama? Ginawa mo na 'to dati, 'di ba? Pero minor offense pa lang 'yon dati," sabi nung teacher na babae sa harap ko kaya sa kanya na lang ako tumingin.

Secret Story of the TwelveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ