44: It's Safe Now (?)

40 5 0
                                    

Mikha
Feb 24, Fri 1:00 PM

Hindi na 'ko nagpatumpik-tumpik pang makipag-away sa sarili para lang makapili ng aking susuotin. Parang tinawag ko muna sa hangin ang side ko ng pagiging spoiled na bata sa magulang at sinuot ang mahiwagang gray na dress sa closet ko.

Niregalo sa'kin ni iyon ng nanay ko nung thirteenth birthday ko na hindi ko binigyan pansin. Pero sa ngayon, kailangan kong maging isang ganap na dalaga. Umarteng normal na dalaga. Para sa isang lalaki. Kahit ngayong araw lang na ito.

Kasi, eventually, safe naman na kami, hindi ba? I mean we scared the killer and stuffs and we stole the phone. The only one with our secrets and proofs for our teacher's crime.

So, yeah, safe na kami. Dahil wala na kaming aasahang mga panganib na dadating at mga messages na magpapahamak sa mga buhay namin na tatakutin pa kami, for at least two seconds.

Kaya ngayon, wala naman na 'kong iba pang dapat ibahala at pag-initan na lang ng ulo ang sarili kapag hindi naging maganda ang araw ko na ito 'di ba?

Ngayon kasi kami magkikita ng mahigit ilang araw ko nang kausap sa cellphone lang. Ngayon maaari na kaming mag-usap sa personal. Akalain mo 'yon? Para akong nabudol sa pag-ibig ano?

But of course, I don't want to look stupid right now. At siyempre kailangan ko muna siyang kilatisin at kilalanin pang mabuti.

Laking-tuwa akong natatawa-tawa sa messages namin sa app habang binabasa muli ang mga ito. Wala akong pagod na ulit-ulitin iyon kahit ngayong hinihintay ko na lang siya sa park, kung saan niya sinabing hintayin ko siya.

Suot ko nga ang gray kong dress na off-shoulder at may knee-length lang na palda. Tapos high heels lang sa paa. Tapos normal lang na nakalugay ang buhok ko. Wala pang make-up o ano-ano sa pagmumukha, dahil sa totoo lang ay wala akong alam sa paglagay no'n.

May suot naman akong purse na shoulder bag na hindi ko alam ang tawag, basta nakasabit sa balikat ko na kulay pulang purse.

Tapos ayon, nakatayo lang ako sa harap ng bench na may mga nakaupong tulad ko ay gumagamit lang ng cellphone. Hindi ko sila masyadong iniintindi at nagbabasa lang ng chats pero napansin ko lang na tila magkalayo ang agwat ng pagkaupo nung dalawang nakabakante roon.

Hindi sila magkakilala sa tingin ko. Kung ganon, pwede nang umalis ang isa riyan. At nagkatotoo ngang may umalis. Hindi ako nakatingin pero narinig ko ang pagtayo ng babaeng matanda at naglakad na paalis.

Uupo na sana ako pero lalaki na lang ang natira doon kaya hinintay ko na lang na umalis din siya. Maya-maya, umalis na rin siya at naglakad pero sa opposite direction naman ng pinaglakaran ng matandang babae.

Bumuntong hininga ako saka umupo na nang diretso sa bench.

Maya-maya pa, kakaupo ko lang pero biglang may pumaradang kotse sa harapan ko. Black ang kotse at sa itsura nito, hindi mo maiisip na luma na dahil mukhang bagong bili sa kintab nito.

Isang lalaki ang bumaba mula sa harapan ko. Kinilatis ko siya mula paa paakyat sa kanyang mukha. Tila kumikintab din siya kaya napatawa ako.

Nakasuot siya ng magandang white and black na rubber shoes. Pagtapos white denim pants at gray na polo.

Hindi pa 'ko nakakaabot sa mukha niya pero tinawag niya 'ko.

"Mikha . . ." Ngumiti siya sa akin. "Tara na?"

~

Camilla
Feb 24, Fri 5:00 PM

Matapos ang ilang oras ko sa pamimili sa palengke, pawis na pawis na 'kong naglalakad palabas ng palengke. Pagod na pagod at hingal na hingal pa habang bitbit ang naka-plastik na kaunting gulay lang naman.

Secret Story of the TwelveWhere stories live. Discover now