Kabanata 18

25 7 0
                                    

Jealous

Tiningnan namin ang aming mga larawan.

"You're so beautiful. And I'm so handsome, right?" tanong niya't nginisian ako.


"Oo, ang guwapo mo." sagot ko.

Napaawang ang kanyang labi, at inilapit niya ang kaniyang mukha sa'kin.

"C-Can you say that again?"

Tinitigan ko siya.

"Prim, ang guwapo mo. Mas guwapo ka pa sa-"

"Hmm?"

"Mas guwapo ka pa sa aso ng kapitbahay namin."

"W-What?"

Lumayo ako, pero nagulat na lamang ako nang bigla niya akong habulin, at sinumulang kilitiin.


"Tama na, singkit!"


Patuloy niya pa rin akong kinikiliti. Nanghihina na ako nang bigla kaming tawagin nina Ma'am She.

Lumapit kaagad sa akin Tita.

"Hala ka, Kezz! Ginalit mo si Zaichen!"

Napakunot ang aking noo.

"Po?"

Hindi na 'ko nasagot ni Tita nang bigla akong hilain ni Mesh.

"Tara na, Kezz! Maligo na tayo-oops. Kailangan mong tanggalin 'yang damit mo!" ani Mesh.

Napalaki ang aking mga mata.

Kanina, sa bahay, pinilit niya akong isuot ang bralette na binili niya sa shopee!

"Huwag na, Mesh. Ayos na 'tong suot ko."

Kumawala ako sa hawak niya, pero mas lalo niya itong hinigpitan.

"Sige na kasi, Kezz! Pumayag ka na nga kanina, e! Kapag hindi mo tinanggal 'yan, sasabihin ko talaga kay Zaichen! Oh ano, ha?"

Nakakainis 'to! Kanina niya pa 'ko pinagbabantaan na sasabihin niya raw na mahal ko si Zaichen! Alam ko naman na maitatanggi ko 'yon, pero hindi ko lang maiwasang kabahan.

Pumunta kami sa may tagong gilid ni Mesh, at unti-unti kong tinanggal ang aking damit. Nang natanggal ay ipapatong ko na sana sa aking harap, pero mabilis itong kinuha ni Mesh at nagtatakbo.

Hinabol ko siya't hindi ko namalayang nakalapit na pala kami sa kanila!

"Oh my, you're so sexy, Kezzrah!"

"My sexy baby!"

"Witwiw!"

"Hija, ang ganda-ganda ng katawan mo!"

Mabilis akong pumunta sa may tubig para matakpan ang aking dibdib.

Mas revealing pa iyong mga naisuot ko dati dahil kailangan ng swimsuit attire sa mga pageants, pero ibang-iba ang kaba at hiya na nararamdaman ko ngayon!

"Those three men were fighting through their stares. Why are you so ganda, kasi!" ani Rech.

"H-Ha?"

Nagtaka ako sa sinabi ni Rech. Hindi niya kasama si Rez dahil hawak-hawak ni Ma'am She at Manang Pina.

"Don't act like you were blind or deaf, Kezzrah. I'm sure you know what I meant."

Napalunok ako.

Magsasalita na sana ako nang may mahagip ang mga mata ko.

Napansin ni Rech na may tiningnan ako sa bandang likod niya, kaya tiningnan niya rin ito.


Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)Where stories live. Discover now