Kabanata 45

20 7 0
                                    

Obsessed

Hinawakan ko si Anz. "Sige na, mag-uusap lang kami."

Dahan-dahan naman siyang tumango.

Umupo kaagad ako pagkarating rito sa Library room at ganoon din siya. Magkatapat kami ngayon.

"How are you?"

Nagulat ako sa kaniyang tanong. Hindi ko inaasahang iyon ang unang lalabas sa kanyang bibig. Matagal kaming hindi nagkita, tapos hindi pa masyado maayos iyong huli.

"M-Maayos naman. I-Ikaw?"

Nagkatinginan kami tsaka siya tumango.

Ilang segundo pa bago siya nakaimik. "Going there."

Napakunot ang aking noo. "Ha?"

Ngumiti siya pero halatang pilit. "I mean, I'm still in the process of moving on."

Napalunok ako. Mapag-uusapan na ba namin ngayon ang tungkol sa nararamdaman niya?

"I just can't get over that quickly. I need time to heal, even if it's just... one-sided love. I knew even at the beginning that it was impossible for you to love me back, but still... I tried pursuing you and... and waited that maybe... you can give me a chance."

M-Mahal niya nga talaga ako! Nakakahangang hindi siya nahihiyang umamin sa akin. At iilan na lang ang mga gan'tong lalaki, na nasasabi nila ang totoo nilang nararamdaman sa taong mahal nila.

Kilala ko si Prim bilang masigla at mayabang, pero hindi ko akalaing sa akin niya maipapakita ang isa sa mga kahinaan niya.

Hindi ako nakaimik.

"But starting that day, when you cried at me. I've seen how hurtful you are. I felt how your hands shaking. I heard your voice cracking. And I felt how you embraced longing. What hurts me was that... all that you felt that day... was only because of a man. A man who's close to me."

Napayuko ako.

Nasaktan ko na siya, doon pa lang. Pero nagawa niya pa rin akong pakisamahan at kausapin. Naalala ko, nang sinamahan ko siya sa pagpili ng lokasyon, nagtanong siya dati. Hindi ko akalaing alam na pala niya ang sagot at gusto lang niyang kumpirmahin.

Dahan-dahan ko siyang tiningnan.

"P-Prim, pasensya ka na. H-Hindi ko alam na nasaktan pala kita. Prim, guwapo ka. Maganda ang ugali mo, kahit na minsan-este madalas, mayabang ka at makulit."

Napangiti ako, pero nanatili siyang seryoso.

"You mean, I'm good inside and out, but still not enough for you to love me back?"

Muling napaawang ang aking labi.

Bigla siyang ngumiti. "Just kidding."

Hindi ako ngumiti.

Alam kong totoo ang sinabi niya. Alam kong iyon ang gumugulo sa isip niya, dahil nasa kaniya na nga naman lahat, pero hindi ko pa rin siya nagawang mahalin.

"P-Prim, o-oo. K-Kasi... si Anz ang nilalaman nitong puso ko, e." itinuro ko ang dibdib ko. "T-Totoong kumportable ako sa 'yo at nasayo na rin lahat, pero kasi-"

"Shhh." tumayo siya't tinabihan ako.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat.

Nilingon ko siya.

"S-Sorry-"

"Shhh." inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa aking bibig, bago pinunasan ang luha kong biglang tumulo.

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon