Kabanata 26

23 7 0
                                    

Heartbeat

Silang dalawa na lang 'yong totoo kong kaibigan, kaya hindi ko hahayaan na mawala pa iyong isa. Pero naisip ko rin na kahit umamin ako'y malaki ang chance na iiwas pa rin siya sa akin, dahil pinagmukha ko siyang tanga kakahintay sa wala.

Pinagpag ko ang uniform ko pagkatayo. Mabuting naitulog ko dahil kailangan ring magpahinga ng isip ko.

"Kung puwede lang i-move sa umaga iyong subject natin ngayon, maganda sana para halfday lang tayo!" pagrereklamo ni Mesh.

Dalawa lang kasi iyong klase namin ngayon. Isa kaninang umaga at ngayong 3-4.

"Oo nga e, kaso conflict sa schedule ng instructor natin."

Nanatili akong walang imik at itinuon na lamang ang tingin sa dinadaanan namin.

Umupo kaagad ako pagdating namin sa room.

"Ay, dito pa rin tayo sa harap?" ani Mesh.

Tumango ako bago yumuko.

"Kezz, nandiyan na si Sir Medrisa! Ang guwapo talaga niya!" ani Mesh na kinikilig.

Mabilis kong ini-angat ang aking ulo.

"Good afternoon, everyone. Nice to see you again. I'm glad that, there are still fourty-two students left here. I saw some of your classmates pala, who shifted to BS in Entrepreneurship.

"Sir, lumipat 'yong iba dahil sa dami po ng solvings!"

Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Denon.

"Mabuting hindi ka lumipat?" tanong ni Sir.

"Hindi po, Sir. Wala na po silang mapagkokopyahan 'pag lumipat po ako!"

Kaagad namang nagsikontrahan ang mga kaklase ko.

Sobrang napamahal na ako sa kanilang lahat. Malungkot lang dahil may mga lumipat at tumigil. Pero ang importante ay nagpapatuloy pa rin sila at nagsusumikap.

Kapag nagkakasalubong kami ng mga dati naming kaklase ay wala pa ring pagbabago. Parang ang close pa rin namin. Nagkukuwentuhan at nagtatawanan pa rin kami.

Napabuntong hininga ako't nakinig na kay Sir.

"Hello, Kezz!"

"Hi Kezz! Blooming, ah!"

Bati ng dalawang naging kaklase ko sa isang subject dati. Nagpasalamat naman ako at ipinagpatuloy na ulit ang paglalakad.

Inutusan ako ni Sir Medrisa na kunin ang hard copy ng syllabus para sa subject namin. Iba raw pala iyong nakuha niya kanina sa sobrang pagmamadali. Wala pa pala siyang pahinga dahil sunod-sunod ang klase niya.

Alam ko ang office ni Sir, dahil naging instructor namin siya sa Philippine History noong first year kami. Hindi halatang twenty-six na siya dahil baby face at sobrang guwapo.

Binuksan ko na kaagad ang pinto pagkarating sa office ni Sir. Hindi ko alam kung iyong dating instructors pa rin ang kasama ni Sir ngayon.

Malapit na ako sa table ni Sir nang makita ang lalaking tulog. Nakapatong ang kaniyang mga braso sa lamesa, at nakayuko siyang patagilid kaya kita ko ang kaniyang mukha.

Magkalapit pala sila ng table ni Sir?! Apat ang mesa dito, pero siya lang ang nandito ngayon.

Iniiwas ko ang tingin at pinilit mag-focus sa paghahanap ng syllabus. Nasaan ba 'yon? Naghanap pa ko nang bigla kong masagi ang recycled bottle na may lamang mga ballpen at sign pen!

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)Where stories live. Discover now