Kabanata 59

23 7 0
                                    

Whole

"We'll go inside, Kezzrah."

"What? No, Mommy! I'll wait, baby!"

Tiningnan ko si Rech na nginisian ako habang buhat-buhat si Rez na pilit kumakawala sa kaniya.


Nginitian ako ni Ma'am She bago siya sumunod kina Rech. Ganoon rin sina Mayor at Celi na nginisian pa ako.

"I'll also go inside, Kezzrah. Bro, good luck!" ani Prim at pumasok na.

Wala ng space sa loob kaya iniwan na niya ang kaniyang sasakyan rito sa labas.

Napalunok ako.


Kami na lang dalawa ang narito! Hindi kami magkalapit, pero hindi rin masyadong magkalayo. Hindi ko siya matingnan ng diretso. Nakatayo siya't ramdam kong nakatingin siya sa akin!

"Both of you will lose if you play the stare game."

Nilingon ko ang taong huminto sa gitna namin ni Anz. Unti-unti niyang tinanggal ang kaniyang helmet.

Ma'am Lace?

Mabilis siyang bumaba sa kaniyang motorsiklo at hinawakan ang aking kamay tsaka ako hinila.

"There."

Napalaki ang aking mga mata't napalunok nang ipahawak niya ito sa kamay ni Anz!

Bibitaw na sana ako nang hinigpitan ni Anz ang pagkakahawak!

"I'll go inside. Good luck, lovers!"

L-Lovers?

Mas lalo akong hindi naging kumportable nang iwan na niya kami!

"Ayieee! Holdings hands! Sana all!"

Nagulat ako't sinubukan kong bumitaw, kaso mas lalo pang hinigpitan ni Anz!

Nilingon ko ang sumigaw.

Benang?

"May patakas-takas ka pa noong una ate Kezzrah, ah! Mabibingwit ka rin pala ni kuya, ayiee!!!"

Napatingin ako sa baba. Oo nga pala, siya iyong nagsabi kay Anz noon!

"Sige, Kuya, Ate, mauna na ako't baka naistorbo ko kayo, ayiee!"

Umalis na siya't naiwan muli kaming dalawa.

"Let's go?"

Napalunok ako't unti-unti ko siyang nilingon.

"H-Ha? S-Saan?"

Bigla siyang ngumisi.

"Inside."

Sh*t!

Sa loob nga naman, Kezzrah! Ano bang iniisip mo?

"Or, do you want to go somewhere else?"

Kaagad akong umiling. "A-Ah... sa loob na lang. B-Baka hinihintay na nila tayo."

Tumango siya.

Hiya ang nararamdaman ko. Magkahawak pa rin kami hanggang sa makapasok na sa bahay.

Tiningnan nila kaming lahat at naglakbay ang kanilang mga tingin sa magkahawak naming mga kamay.

May mga ngumiti, ngumisi, nagsigawan, at nagpalakpakan.


"Why are you holding my baby?!"

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)Where stories live. Discover now