The White Lady
Napabuntung-hininga si Margaret nang ilapag niya sa may bedside table ang dala niyang bimpo at palanggana na may lamang maligamgam na tubig. Napatingin siya kay Commander Xavier na nakahiga sa kama na walang-malay. Kinuha niya ang mga damit nito sa sahig, doon sa may gilid ng kama at maayos na itinupi.
"Ang mga lalaki talaga, hindi maaasahan sa ganitong bagay! Talaga namang iniwan ka nila dito, no?" ang wika niya.
Pero siyempre, hindi naman sasagot ang kausap niya. Masarap ang tulog dahil sa alak. Inilagay niya ang mga natuping damit sa may gilid ng bedside table katabi ng palangganang may tubig. Nakasampay sa gilid ng palanggana iyong malinis na bimpo. Muli siyang napatitig kay Commander Xavier at saka tinapik ng bahagya ang pisngi nito. Pero mahinang ungol lang ang isinagot nito sa kanya.
"Iinom ka kasi, hindi mo naman pala kaya." ang sermon niya.
Pero tanging ungol lang ang isinagot sa kanya. Kinuha niya ang bimpo at saka niya isinawsaw sa maligamgam na tubig ng palanggana. Piniga niya at dahan-dahang pinunasan ang mukha ng natutulog na si Commander Xavier. Wala naman kasi siyang pagpipilian dahil nandito na siya. Isa pa, puwede niyang magamit ang pagtulong dito para hindi na ito maningil sa munti niyang kasalanan. Napangisi siya. Oo, tinutulungan niya ito ngayon dahil mayroon siyang dahilan.
Matapos niyang punasan ang mukha nito ay muli niyang inilublob ang bimpo sa maligamgam na tubig, kinusot at saka piniga. Kasunod niyang pinunasan ay ang leeg nito at katawan.
"Walang-hiya, ang ganda niya ng katawan niya. Siguradong iyong mga noble ladies, babayaran ako mapunta lang sila sa posisyon ko ngayon." ang pilya niyang wika.
Wala nga itong kalaban-laban maski na ibenta niya. Pero siyempre, hanggang biro lang ang kalokohan na iniisip niya. Maling-mali naman kasi iyon. Matapos niyang punasan ang leeg at katawan nito ay muli niyang inilublob ang bimpo sa palanggana at kinusot. Ang magkabilang-braso at kamay naman nito ang isinunod niya. Nang matapos siya ay kaagad na niyang inilagay ang bimpo sa palanggana at naghanda na siya sa kanyang pag-alis. Pero bigla siyang may kapilyahang naalala. Hawak na niya iyong palanggana ngunit muli niyang ibinaba sa may bedside table.
"Nandito na din lang ako, may pagkakataon... Tingnan na." ang napangisi niyang wika.
Napakagat siya sa pang-ibabang labi at saka napatingin sa kumot na nakatakip sa katawan ni Commander Xavier. Nangingiti siya sa kanyang kalokohang naiisip. Kasunod noon ay dahan-dahan niyang itinaas ang puting-kumot na tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito at pasimpleng sumilip.
"Ay, Ay!"
Mabilis niyang binitiwan ang hawak na kumot, kinuha ang palanggana sa bedside table at patakbong umalis ng silid. Ganoon pa man ay natawa siya sa sarili niyang kalokohan. Dumiretso siya sa may laundry area at saka nilabahan ang ginamit na bimpo at nang matapos siya ay kaagad niyang isinampay sa may likod.
Pagkabalik niya sa may dining hall ng tavern, nakita niya na paalis na ang mga knights. Mukhang natapos na din ang kasiyahan ng mga ito. Mas napaaga ang pag-uwi nila ngayong gabi kumpara sa dati. Palibhasa, mga pagod dahil sa goblin raid. Si Sir Isenbard, as usual, hindi gaanong nagpakalasing. Malalagot kasi ito sa asawa nito kapag umuwing lasing na lasing.
Pagkakaalis ng mga knights at ng iba pang patrons ay naglinis na sila at nagsara. Malaki ang kinita nila ngayong gabi. Bukod doon ay nabigyan din ng tip ang mga tauhan niya kaya sila lahat masaya. Matapos makapagsara ay nagkanya-kanyang pasok na sila sa kanilang mga silid.
Pagkapasok sa silid ni Margaret ay ginawa niya ang dati niyang ritwal bago matulog. Ang maligo sa maligamgam na tubig pero hindi siya nagbabasa ng buhok sa gabi, sa umaga lang kapag naliligo siya. Nagpalit siya ng kasuotang damit pantulog. Puting-puti iyon dahil gawa sa cotton at malambot. May ruffles at hanggang bukong-bukong niya ang haba. Hinayaan niyang ilugay ang mahaba at aalon-alon niyang itim na buhok at sinuklay iyon bago siya matulog.

ESTÁS LEYENDO
He was a cold Knight
RomanceCommander Xavier Lionhart, the aloof and strict commander of the Knights. He was known as a heart-breaker and he rejected a lot of noble ladies who shows advances. Is there a chance that he was able to be tame?