The Auction
Habang naglalakad ang grupo nina Margaret ay maraming tao ang nakatingin sa kanila. Ganoon pa man, halatang ang kanilang atensyon ay nasa magandang dalaga na nakatali ang mga kamay. Kunot-noo namang naglakad si Sir Isenbard upang maipakita na mukha siyang matapang na bandido at narito siya sa Prancey Town upang magbenta ng magandang kalakal.
Hindi nagtagal ay may mga lalaking lumapit sa kanilang grupo at nangunguna doon ang pinakapinuno ng mga ito.
"Ginoo, mawalang-galang na... Ngunit, enteresado ako sa dala mong kalakal." ang prangkang wika ng lalaki.
Pinasadahan pa nito ng tingin si Margaret na tahimik lang at nakayuko. Mukha din itong natatakot at mahiyain. Napatingin naman si Sir Isenbard sa lalaki at sa mga kasamahan nito. Pasimple niyang sinulyapan ang mga kasamahan niya, pasimple siyang tumango. Ibig sabihin ay makikipagtawaran na siya. Ibig sabihin din noon, magmamatyag na ang grupo nila kung saan nila dadalhin si Margaret kung sakaling mabili ito. Kung magkakasundo sila sa presyo, siyempre.
"Saan ba tayo puwedeng mag-usap?" ang seryosong tanong ni Sir Isenbard.
Hinaluan niya ng kaunting paninindak ang boses upang mas makumbinsi ang kausap na mga bandido nga sila. Kung makikita lang siya ng asawa niya ngayon, tiyak na pagtatawanan siya nito sa pinaggagagawa niya dahil sa kanilang misyon.
"Doon tayo sa may eskinita." ang wika ng lalaki.
Nauna na itong naglakad patungon sa eskinitang itinuro nito kasama ang mga iba pa. Napasunod naman ang grupo ni Sir Isenbard kasama si Margaret na nananatiling tahimik. Pero si Margaret, na-e-excite na siyang malaman kung magkano ang itatawad sa kanya. Dito din kasi niya malalaman kung... Maganda nga ba siyang talaga? Lihim tuloy siyang napangisi sa kanyang sarili. Nawala ang iniisip niya nang makarating na sila sa eskinita. Nagharap ang dalawang grupo at makalipas ang ilang sandali ay...
"Maganda ang kalakal na dala niyo. Tiyak na maibebenta siya ng mahal sa gaganaping auction bukas ng gabi. Mabuti at naihabol niyo siya." ang wika ng lalaki.
Dahil sa narinig ay lihim na napangisi si Sir Isenbard.
"Ikaw ba ang namamahala sa malakihang underground auction dito sa Prancey Town?" ang simple niyang tanong.
Ganoon pa man ay bahagyang napailing ang lalaki.
"Hindi, Ginoo. Ngunit ako at ang grupo ko ang naatasan na maghanap ng mga produktong ibinebenta sa auction. Maniwala ka sa akin, maraming mayayamang lalaki ang magpapataasan ng bidding sa dala mong kalakal."
Tahimik lang si Margaret pero aaminin niyang gusto niya ang kanyang mga naririnig. Ibig sabihin, maganda nga siya!
"Magkano naman ang tawad mo sa produkto ko?" ang bigla namang tanong ni Sir Isenbard.
Bago sumagot ay mataman munang tiningnan ng lalaki si Margaret. Nilapitan nito ang dalaga at sinipat pang maigi ang mukha sa malapitan maging ang katawan nito. Hindi naman nito hinawakan si Margaret ngunit... Naiirita ang huli. Kung puwede lang niyang sipain ang lalaki, ginawa na niya.
"Limang daang baryang ginto." ang wika kaagad ng lalaki.
Bahagya namang nagulat si Sir Isenbard sa sinabi ng lalaki. Malaking halaga kaagad ang itinawad nito kay Margaret. Inaasahan kasi niya na mag-uumpisa ang tawaran sa isang daang piraso ng ginto. Nawala ang iniisip niya nang marinig niya ang simpleng pag-ubo ni Margaret. Nakuha niya kaagad kung ano ang gustung ipahiwatig ng dalaga. Pasimple siyang tumikhim.
"Ginoo, pasensiya ka na ngunit masyado yatang mababa ang alok mong halaga. Ang ibang mga dalaga na nakuha namin sa kanilang nayon, naibenta namin sa mas mataas na presyo kumpara diyan sa alok mo. At itong dala ko, siya ang pinakamaganda sa kanilang lugar. Idagdag pa na malayo ang lugar na aming kinubkob. Nahirapan kami dahil napapaligiran ng ilang mga halimaw ang kanilang nayon at marunong ding lumaban ang mga tao doon."

YOU ARE READING
He was a cold Knight
RomanceCommander Xavier Lionhart, the aloof and strict commander of the Knights. He was known as a heart-breaker and he rejected a lot of noble ladies who shows advances. Is there a chance that he was able to be tame?