A Night II
Natigil sa pagkukuwentuhan ang mga knights nang makita nilang pumasok sa loob sina Margaret at Commander Xavier. Alam nilang may problema, dahil seryoso ang mukha ni Commander Xavier, bahagyang nakakunot ang noo. At si Margaret naman, namumutla ang mukha at medyo nanginginig ng kaunti ang katawan.
"Sir Dylan, kausapin mo ang Innkeeper! Sabihin mo na isarado ang lahat ng bintana, mga kurtina at mga pintuhan. Gawin nila iyon ng dahan-dahan at huwag gagawa ng ano mang ingay." ang utos kaagad ni Commander Xavier sa kasamahan niya.
Hindi naman na nagtanong si Sir Dylan, bagkus ay tumayo na siya at saka kaagad na pinuntahan ang Innkeeper. Sigurado siyang may dahilan ang kanilang Commander kung bakit nito pinapagawa ang mga bagay na iyon.
"Umayos kayong lahat, may trabaho tayo ngayong gabi at magpupulong na tayo ng plano!" ang wika pa ni Commander Xavier.
Dahil doon ay itinabi na ng mga knights ang kanilang inuming alak at pulutan. Matapos noon ay binalingan naman ni Commander Xavier si Margaret.
"Miss Margaret, pumunta ka na sa silid mo. Isarado mo ang bintana at ang kurtina. Huwag na huwag mo ding sisindihan ang lampara ng iyong silid. Ganoon pa man, itabi mo ang puting mana stone malapit sa iyo."
"Ano ba iyong nilalang sa bubong?" ang tanong niya.
Bumuntung-hininga muna si Commander Xavier bago siya magsalita.
"Isa iyong uri ng bampira pero hindi pangkaraniwan, Nagaraja ang tawag. Mistulang diyablo ang itsura pero bampira. Madalas silang naaakit sa mga ingay at sa mga ilaw sa loob ng tahanan. Dahil senyales iyon na may tao sa loob, mayroon silang pagkain. Hindi katulad ng karaniwang bampira na dugo lang ang sinisipsip ngunit nag mga Nagaraja, gustung-gusto nila ng laman ng tao. Ang mga ngipin nila ay puro pangil at may pagitan. Ganoon pa man, sensitibo sila sa liwanag. Iyong puting mana stone, masakit sa mata nila ang liwanag nito."
Matapos magsalita ni Commander Xavier ay binalingan naman nito ang mga babaing elf at pinapunta na sa kanilang mga silid. Sinabi din nito ang mga bagay na sinabi niya kay Margaret.
Samantala... Kaagad na pinulong ni Commander Xavier ang mga knights niya, kasama na si Sir Arion na isang mage elf. Malaki ang maitutulong nito sa kanila. Kung kailan naman kasi kailangan, saka naman wala ang mage nilang si Julian.
"Commander, ano po ba ang problema?" ang tanong kaagad ni Vice Commander James.
Tanging maliit na kandila lamang ang nagbibigay ng ilaw sa gitna ng kanilang lamesa. Tahimik na tahimik ang buong Inn ngayon, taliwas sa malakas na ingay na naririnig nila mula sa noble house sa kabila.
"May nakitang Nagaraja vampire si Miss Strauss kanina sa bubong ng noble house kanina habang sinisermunan ko siya. Basta kasi siya lumabas ng Inn ng hindi nagpapaalam maski na isa sa atin. Nasa bubong ang Nagaraja, naakit marahil sa ingay ng kasiyahan sa bahay ng noble house." ang paliwanag ni Commander Xavier sa mga kasamahan niyang knights.
"Isang Nagaraja vampire lang ba?" ang tanong naman ni Sir Arion.
"Oo, isa lang. Gagawa tayo ng patibong para ma-trap natin siya. May bakanteng lote na malapit dito sa Inn. Magpapain tayo ng malaking karne ng baka, bubuhusan natin ng dugo at ilalagay natin sa may gitna ng dalawang solo at saka tayo gagawa ng ingay para maakit siya. At doon naman sa paglalagyan ng karne, gagawa tayo ng patibong na lambat para ma-trap siya at mapatay. Sir Arion, kailangan ng karagdagang seal para sa gagamiting patibong at siguradong hindi siya makatakas. Ilang Nagaraja vampires na ang napatay natin dati at alam niyo na ang gagawin. Ako, si Sir Isenbard at Sir James ang hahawak na maigi sa lambat. At ikaw naman, Sir Arthur, ikaw ang pupugot sa ulo ng Nagaraja." ang wika ni Commander Xavier sa mga kasama.

YOU ARE READING
He was a cold Knight
RomanceCommander Xavier Lionhart, the aloof and strict commander of the Knights. He was known as a heart-breaker and he rejected a lot of noble ladies who shows advances. Is there a chance that he was able to be tame?