Chapter 13

882 45 12
                                    

Pov:Freen/Becky
  Huwag na iyon, Freen. Nakakahiya yon, pag iwas niya sa paksa nang mahismasan.

Tumawa ito. Hindi ko kasi maintindhan kung bakit iyon ang sinasabi mo sa Dami ng pwede mong ipalusot.

Eh, basta.... Hindi niya maaring sabihin dito na kaya iyon ang sinabi niya ay parang pumuti ang paligid niya at nagbagsak ang mga talulot ng bulaklak nang unang nasilayan niya ito.

Ang lakas ng tawa nito.
Nakitawa na rin siya. Sa pagkakataong iyon ay Siya naman ang nagtanong. "bakit ito Ang napili mong business ? Tanong niya.

Dahil marunong Ako magluto? Patanong na sagot nito.

Tumawa Siya at saka kunwari ay inirapan ito
Tumawa uli ito pagkatapos ay sumeryoso na..

Pangarap namin ng Lolo ko na magtayo nito.

Bakit Flavour of Sebi ang pangalan ng restaurant?

" I name it after him.his name was Eusebio  Siya ang dahilan kung bakit Ako Natutong magluto he taught me how to cook"

Nasaan ang Lolo mo?
"He died even before I graduated. Nanghihinayang Ako dahil Hindi Siya nakita ang nangyari sa akin. Hindi na niya naabutan Ang restaurant na pinatayo ko.

"I'm sure your Lolo Sebi would be proud of you, komento niya.

I think so. Ngumiti ito,walang bahid na pagyayabang.

Nagpatay sindi ang mga ilaw sa loob ng restaurant. Hindi niya alam kung nagparamdam ba rito ang Lolo nito kaya iyon nangyari o  talaga lamang may diperensya sa linya ng kuryente. Pinili  niya ang huli nang tuluyan nang nawalan ng kuryente ang buong restaurant. Sumilip Siya sa glass wall at napansin niyang maging ang mga katabing establisimyento ay wala ring kuryente.

Damn!! Mahinang mura nito subalit nakarating pa rin iyon sa kanyang pandinig. Nagpaalam ito sa knya na iiwan Siya sandali.
  Napapasimangot na tumingin siya sa paligid kung kailan gumaganda ang takbo ng usapan nila ay saka nagkaroon ng aberya.

Tuluyan nang uminit ang ulo ni Freen nang sabihin sa kanya ng isang crew na Hindi gumagana ang kanilang generator. Mula sa kusina ay naririnig niya ang papalakas na usapan Ng mga costumers.may Ilan sa mga iyon ang nagrereklamo na.

May maitutulong  ba ako?
Nang marinig niya ang tinig iyon ni Becky ay lalong nadagdagan ang init ng ulo niya.minsan na nga lamang niya ito imbitahang kumain sa labas ay ganoon pa ang mararanasan nito. Bilang may Ari ng restaurant ay nahihiya siya rito. Ilang minuto na Mula nang iwan niya ito at marahil kaya ito sumunod sa kanya ay dahil nainip na ito sa paghihintay sa knya.

May kaunting problema lang. Nilingon niya ito.

May mga kandila ba kayo. ? Tanong nito.

Mayroong Ma'am "Sagot dito ng manager.

"marami pang natira sa mga ginamit namin noong Valentine's Day.

Ilabas nyo lahat. Lagyan nyo ang bawat mesa tapos maglagay Rin kayo sa harap ng mga salamin para mag reflect ang liwanag.

Agad na iniutos niya sa crew ang sinabi ni Becky. Tutulong na sana Siya sa paghahanda ng mga kandila subalit pinigilan Siya nito.

"Hayaan mong ang mga tao mo ang gumawa niyan. Puntahan mo ang mga customers mo at aliwin mo sila.ngumisi ito.sayawan mo para hindi sila umalis.

Pinagmasdan niya ang mukha nito Kahit halos anino na lamang nito ang nakikita niya.nawala ang init ng ulo niya. He was starting to like this woman for real mabilis itong magisip Ng paraan sa mga sitwasyon katulad ngayon.at hindi ito basta naiirita sa nangyayari..

Okay, Ma'am aniya at saka ngumisi . katulad ng sinabi nito, lumabas Siya ng kusina at hinarap ang mga customers. Nag-anunsiyo Siya at nilapitan Ang bawat mesa.siniguro niyang maise-serve nila ang in-order ng mga ito. Habang ginagawa niya iyon ay nakita niya si Becky na tumutulong sa paglalagay Ng mga kandila sa bawat mesa. Nagmistulang Valentines Day ang tema ng restaurant. Positibo naman ang narinig niyang mga komento Mula sa mga kumakain Doon.

Some of the diners found the situation suddenly romantic. And it was all because of Becky.


Breaktime ni Becca or Becky nang dumaan sa restaurant si Nop. At dahil tapos na siyang kumain at may natitira pang oras, lumabas siya upang kausapin ito. Anong balita? Tanong niya. Ilang Araw ding hindi niya ito nakikita sa kanilang branch dahil abala rin ito sa trabaho nito. Marketing assistant ito sa isang malaking kompanya.

Hulaan mo?ngiting-ngiti ito.
Ano nga ? Maging siya ay napangiti na rin
"Mapo-promote na Ako, Becca , masayang imporma nito.


Talaga? Congrats! Niyakap niya ito.masaya Siya para dito.




Salamat. Ililibre kita mamaya paglabas mo.anitong yumakap din sa knya.



Becky, break's over Go back inside.
Napabitiw Siya sa kaibigan at nilingon ang nagsalita Mula sa knyang likuran. si Freen ang nasa tapat ng nakabukas na glass door ng restaurant. Hindi nakaligtas sa knya ang kunot sa noo nito.parang mainit ang ulo nito. Walang kangiti ngiti ito habang nakatingin ito sa kanila ng kaibigan niya.


Sino yan? Pabulong na tanong sa kanya ni Nop .
Binalingan niya ito.may Ari ng Flavour ganting-sabi niya



Iyan ba itong nagpapapunta raw sa bahay mo??????

























To be continued..😅😅😅

FOREVERMOREWhere stories live. Discover now