Chapter 20

1.1K 40 3
                                    

Pov:Becky/Freen
  Anong problema, Rebecca? Tanong ni Mang Rene, "May nanggugulo b sayo? Hindi Siya sumagot. Nakasunod lamang ang tingin niya ky Jenny. Pumiksi ito at pagkatapos ay nagmamadaling tinungo ang sasakyan nito.

Ayos ka lng Rebecca? Tanong uli sa kanya ni Mang Rene.

Opo. Salamat, sagot na lamang niya. Nagpaalam Siya rito. Pumasok Siya sa loob ng Bahay at isinara niya ang pinto niyon. Nang mapag isa ay saka Siya nalito. Hindi niya naisip na magugulo ang buhay niya sa pagsagot niya Kay Freen. Noon lamang nangyari na may sumugod na babae sa bahay niya para insultuhin siya at tawagin ng kung anu Anong masasakit na salita.

Napabuntong-hininga siya.tinanong niya sa sarili kung tama ba ang naging desisyon niyang sagutin si Freen.

Kinabukasan ay nag desisyon si Rebecca na huwag pumasok sa trabaho. Maghapon siyang nagkulong sa bahay. Alas-singko ng hapon nang may kumatok sa pinto. Si Freen ang napagbuksan niya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Dumaan Ako sa Restaurant. Hindi ka raw pumasok bungad nito. What's Wrong,sweet ? Pinatuloy muna niya ito bago niya sinagot ang tanong nito. Hindi lang maganda Ang pakiramdam ko.

Why ? Are you sick? Sinalat nito ang noo at leeg niya.

Pumunta rito si Jenny kagabi
"What did she do. Gulat na sabi nito.
"Inaway niya Ako. Bitch daw Ako,Mang aagaw,manggagamit.

"Bakit hindi mo ako tinawagan?
"Hindi naman kailangan.


Anong Hindi ? Paano pala kung nasaktan ka ni Jenny? Hindi pa Rin ba kailangan?

Yun na nga eh. Mabuti na lang at Hindi niya Ako natamaan kasi may shield ako.biro niya para pagaanin ang usapan. Kidding aside, okay lang ako.saka, Hindi uubra ang babaeng Yun sa mga kapitbahay ko.

Itinanong pa nito ang buong pangyayari ikinuwento niya rito ang ilang detalye Ng mga naganap kapagkuwan ay bumuntong-hininga ito.ipapaalam ko kina Mama at Papa ang ginawa niya, sabi nito.huwag na, pigil niya rito. Baka lalo lang lumaki ang gulo .hayaan mo na Siya.

Rebecca,Hindi biro Ang ginawa niya.
Hindi na lamang Siya magkomento.
"I'm sorry kung ginugulo ka ni Jenny. Sabi ko nman sa iyo. Mahirap pagpaliwanagan ang isang iyon.pinagmasdan Siya nito. Pagkatapos ay humalakhak ito at niyakap Siya na ikinakunot ng noo niya.

"Anong nakakatawa? Tanong niya.
Wala naman, tumatawa pa ring sagot nito. "Way to go, sweet! You pissed of Jenny.Thats my Girl! Magbihis ka, sweet lalabas tayo. Kailangan nating i-celebrate ang ginawa mo.

"Ewan ko sayo.natuwa ka pang ginalit ko si Jenny " aniya. Kapagkuwan ay umakyat Siya sa kanyang silid upang magbihis.

Natatawang pinagmasdan ni Rebecca si Freen habang kumakain ito Ng isang chocolate bar.naroroon sila sa loob ng super market at sinasamahan siyang mamili nito.

By the way, two weeks from now, were going to Baguio with my parents, "he said "have you been there?..

Umiling siya at saka lumabi. "Paano Yan? May pasok Ako."

Pagkakataon mo nang makapunta roon. Ako ang bahala sa iyo.malakas Ang backer mo. Kininditan pa Siya nito"sige,sasama Ako natutuwang sabi niya. Hindi pa ako nakakapag swimming Doon eh. Biro pa niya. Ang lakas ng tawa nito. Itinuloy nito ang pagkain

"Hoy ano ka ba ? Hindi pa natin nababayaran Yan. Natatawang sita niya nang mapansing halos maubos na ang chocolate bar na kinakain nito.

Nginuya-nguya nito ang chocolate na tila ba iniinggit pa Siya. So let's pay for it later ipapakita lang natin ang wrapper. Ikaw, sweet? May gusto ka bang chocolate?

Butterfinger, sagot niya. Itulak niya ang pushcart palapit dito.

Okay" anito hinanap nito ang naturang chocolate. Hindi pa man nito nahahanap iyon ay nilingon uli Siya nito.Ay sweet! Can you get some fresh milk? Naglalambing na sabi nito. Lumapit pa section at kumuha ng fresh milk.

Aha! Namimili ka Rin pala,ha?

Napalingon Siya sa nagsalita at agad siyang napangiti nang Makita si Nop "may utang ka pa sa akin.paalala niya rito. Bakit hindi ka nagpapakita ha??

Busy,... Tumawa ito

Busy ? Hindi naniniwalang ulit niya.baka busy busy-han. Oo nga, pamimilit nito. Sige,sige, labas tayo kapag libre tayong lahat. Tatawagan ko na Lang ang tropa.sabay silang napalingon sa likuran nang may narinig silang tumikhim. At agad na nawala ang kanyang ngiti nang mapansing seryosong nakamasid sa kanila si freen, lumapit ito sa kanya at inakbayan Siya. Nais niyang pagtawanan ito. Mukhang nagseselos pa Rin ito kay Nop. Ipinakilala niya Ang mga ito sa isat- isa.

Freen si Nop. Kaibigan ko. Nop si Freen jowa ko.

Halatang nagulat si Nop subalit inilahad pa Rin nito ang kamay sa kanyang nobyo. Hindi na Rin nagtagal ang kaibigan niya at nagpaalam na ito. Basta, Chat chat na lang. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila, anito patungkol sa mga kaibigan nila.

Sige, sabi niya.

Tinanguan ni  Nop si Freen at pagkatapos ay umalis na Rin ito.

Nang balingan Siya ng tingin ni freen ay lukot na lukot ang mukha nito.

Anong problema mo? Tanong niya

Why is he here?

Tumawa Siya, "super Market kaya ito.namimili Siya.

Niligawan ka pa rin ba nun?

"Selos ka na naman." Niyakap niya ito sa baywang.

Sinong Hindi ?

Ito naman. Hindi Po nanliligaw si Nop. Kinilig siya sa sinabi nito.

Bakit lalabas kayo sa isang linggo ? Parang batang tanong nito.

Bumungisngis Siya. Tsismoso ka tlaga. ang pagkakaakbay nito sa kanya.

Na-promote nga kasi Siya. at saka hindi lang kaming dalawa ang lalabas, noh... Kasama namin ang buong tropa. Nakikinig na rin lang, sana nilubos mo na. Di ba, ang sabi niya, Siya na ang bahalang magsabi sa mga kaibigan namin.

Huwag ka na lang kayang sumama, sweet? Wari namang naniwala na ito subalit mayroon pa Rin siyang nabasang pagdududa sa mga mata nito.

Bakit? Siya naman ang napasimangot.
"Baka agawin ka sa akin non eh"
"Ipapaagaw mo ba ako? Nanunubok na tanong niya.

Hindi. Ano Siya, sinuswerte? Ngumiti ito.

" I love you, BB "lalong tumaba ang puso niya sa narinig. Hindi niya napigilan ang sarili. Sinabi na niya rito ang mga salitang matagal na niyang nais sabihin.

Tinitigan Siya nang matagal nito. Kapagkuwan ay ngumiti ito nang masuyo at lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. Ninamnam niya ang lasa ng chocolate at tamis ng halik nito.















______________________________________
To be continued

FOREVERMOREWhere stories live. Discover now