Chapter 18

1K 35 3
                                    

Pov:Freen/Becky
  Tila nararamdaman nito Ang gustong mangyari niya kaya nililigawan Siya nito. Nagpapadala ito ng flowers sa Bahay niya.kapag dinadalaw siya nito ay palagi itong may dalang stuffed toys o kaya ay chocolate. Lumalabas at namamasyal sila kung saan-saan kapag may pagkakataon. Ilang linggo na ring ganoon sila.sinasabi nito palagi na hindi ito nagmamadali sa sagot niya.lalo lamang tuloy siyang nagnanais na sagutin na ito.
 
  I want you to come with me, sagot nito. Gusto rin ni Mama na nandoon ka.
  Ano ang gagawin ko roon?
  Bumuntong-hininga ito. Becky, sumama ka na. Magtatampo si Mama kapag hindi ka sumama. Matitiis mo ba na wala akong kasama roon ? Sige ka baka may ibang makipagsayaw sa akin dun pananakit pa nito sa kanya.
  Napaisip siya. Magandang pagkakataon ang party na pupuntahan nila para sagutin niya .it would be a romantic setup.sasagutin niya ito habang nagsasayaw sila. Sa naisip ay napangiti siya.  O Siya, Siya sasama na Ako, pagpayag niya.

  Tuwang-tuwa ito.


Pag sapit Ng sabado ay nais na niyang bawiin ang pagpayag niya nang puntahan siya nito sa Bahay niya.may dala itong damit at ayon dito ay iyon ang nais nitong isuot niya. It was an old rose knee-length evening gown.
  Bakit kailangan pang may ganyan? Namanghang tanong niya Kahit nahuhulaan na niya kung para saan iyon.ang akala niya ay simpleng party lamang ang pupuntahan nila. Ngayon, pakiramdam niya ay napasubo talaga siya.hindi Siya sanay makipagsosyalan sa mayayaman.

  You'll be wearing this.
Baka mapahiya ka lang kapag isinama mo ako Puno ng pag-aalinlangang wika niya.hindi Ako mapapahiya, anitong hinila na Siya palabas ng Bahay. Dumaan muna sila sa isang sikat na salon. Pinaayusan Siya nito. Matiyagang naghintay ito sa reception area habang inaayusan Siya.hinayaan ng hairstylist na nakalugay ang mahabang buhok niya. Ayon dito,mas maganda raw at babagay sa suot niya kung ilulugay lamang ang niya iyon. Light makeup lamang ang inilagay sa kanyang mukha ng makeup artist.

She was satisfied with the way she looked when they were all set.sinamahan siyang magbihis ng isang gay staylist. Paglabas  niya Ng dressing room ay may kausap sa cellphone si freen kaya Hindi agad Siya nakita nito.tumatawa pa ito at nakatingin sa kung saan.when his sight turned to her, she wasn't sure if she saw confusion in his eyes that washed away his smile.sinuyod nito Ang tingin ang kabuuan niya.and then his eyes focused on her face as if he was thinking she really was Rebecca.

Bigla ay para silang nasa isang pelikula. Hindi Siya nito hinihiwalayan ng tingin habang lumalapit ito sa kanya.kinabahan Siya. Maaring Hindi nito nagustuhan ang pagkakaayos sa kanya. O maari ding nagustuhan nito iyon. Hindi niya malalaman ang sagot hanggat Hindi ito nagkokomento.

  You're.......... You're stunning.
  T-thank you.
 

Ilang sandali pa ay nasa venue na sila ng birthday party. Kumabog ang kanyang dibdib. Sa buong buhay niya ay noon pa lamang siya makakadalo sa isang pagtitipon Ng mga sosyal na tao pero alam niyang hindi na siya maaring umatras lalo pa at maraming tao ang napatingin sa kanilang dalawa ng binata nang dumating sila sa bulwagan. Ang isang kamay niyang nakakawit sa bisig nito ay naging dalawa dahil sa kabang nadarama niya.

Freen, halata bang nanginginig ang mga tuhod ko?? Pabulong na tanong niya rito. Inilapit nito ang bibig nito sa kanyang tainga. You look gorgeous, honey.dont be nervous, he said soothingly.

Somehow, it made her relax a bit. Tumingala Siya rito.huwag mo akong iiwan sa ere kung Hindi yari ka sa akin, mahinang banta niya.
I won't , promise, hinaplos nito ang kanyang pisngi.

Napangiti siya.

Sinlubong sila ng isang may edad na ginang sa suot pa lamang na alahas nito ay malalaman na ang katayuan nito sa buhay.

Freen I'm glad you come, humalik ito sa pisngi niya.
I wouldn't miss this night, tita Angie happy birthday. Iniabot ni freen dito ang dalang regalo. Thank you. Tiningnan siya ng ginang. You must be Rebecca, magiliw na sabi nito sa kanya.

Yes Ma'am happy birthday,
Thank you, hija. Nakipagbeso-beso pa ito sa kanya.ikinukuwento ka sa akin ni Cleofe kanina. I must admit, I was really disappointed when I Heard freen already has a special someone. Gusto ko sana Siya para sa anak ko pero mukhang malabo nang magkatuluyan sila dahil sa nakikita ko, bihag na bihag mo na ang puso niya.

Ngumiti lamang Siya bilang tugon.
Your folks are there. Itinuro nito sa kanila ang kinaroroonan Ng mga magulang ni freen. Puntahan nyo muna sila at mamaya na uli tayo magkuwentuhan. Iyon lamang at iniwan na sila nito.natuwa ang mama nito nang Makita sila nito.tumayo ito at sinalubong Siya ng yakap.

Mabuti at makasama ka hija.
Ma. Ako ang anak mo, reklamo ni freen "ay pwede ba? Kunwari ay naiinis dito si tita Cleofe.

Natawa silang lahat sa ginawa nito.
Noon lumapit sa kanila si Jenny .
Freen!! You're here! Walang sabi sabing ipinulupot nito ang mga kamay nito sa leeg niya.at pagkatapos ay hinalikan nang matunog sa mga labi. Nabigla siya sa iniakto ni Jenny. Tila kinurot ang puso niya sa nasaksihan. Freen was courting her and Jenny seemed drunk. Subalit nakadama pa rin Siya ng pagkayamot sa ginawa ng babae.

Don't make a scene, Jenny. Not in front of Rebecca, mahina ngunit nagbabantang sabi ni freen. Itinulak nito nang bahagya ang babae.

Rebecca, Rebecca, puro ka na lng Rebecca, tila naghihinanakit na wika ni Jenny. Ano bang mayroon Siya na wala Ako? Mabuti na lamang  at nasa sulok na bahagi sila kung Hindi ay makakapukaw sila ng atensyon ng mga bisitang naroon. Galit na bumaling ito sa kanya. I hate you! Mang aagaw ka! Inagaw mo sa akin si Freen ! Pagkasabi niyon ay umalis ito.

Hija, huwag mo na lang pansinin si Jenny sabi ng mama nito na nasa likuran nila.kanina pa nakainom ang batang iyon.
Are you all right? Tanong sa kanya ni freen. Hinaplos nito ang pisngi niya.
Tumango sya. May sayad yata ang isang Yun, pero napaisip siya sa mga narinig. Bakit sasabihin ni Jenny na Mang aagaw siya? May naging relasyon kaya ito at si freen?

I'm sorry. I too, wasn't expecting what she did,

Oo nga eh, aniyang may halong sarkasmo, bigla na lang nanghahalik.

Selos ka nman, tila nakakalokong ngumiti ito .


Napasimangot Siya.....
























Bitin ba?????




















Tomorrow update ulit antok na me 😅


FOREVERMOREWhere stories live. Discover now