Chapter 15

834 38 6
                                    

Pov:Becky
   Hindi itinanggi ni Becky sa sarili na nami-miss niya si Freen. Ilang Araw na naman itong hindi nagtutungo sa kanilang branch. Tinawagan siya nito nang nagdaang araw at sinabi nitong binisita nito ang ilang branch ng restaurant. Mayroon ding mga bagong branch na itinayo roon at kailangan ito roon para sa launching.

  Hindi nito nakakaligtaang tumawag lalo na sa Gabi. Sinasabihan Siya nito palagi na kumain sa tamang oras at huwag magpuyat. If only he wasn't that sweet. Parang nobyo niya ito na nagpapaalala sa knya. Iyon ang nakikita niya sa mga kilos nito Kahit wala itong sinasabi sa kanya. Kahit kapag nasa restaurant sila ay nagtext- text ito sa kanya at nagpapadala Ng mga sweet thoughts.

Kung minsan ay iniisip niyang may gusto ito sa kanya. Paanong Hindi kung iyon din ang napapansin Ng mga kasama niya sa trabaho? Naglalagi ito nang matagal sa kanilang branch palagi itong pumupunta sa working area niya. Kapag wla siyang ginagawa ay nakikipagkulitan ito sa kanya. At kapag nasa labas na sila ng restaurant ay ayaw nitong tatawagin niya ito na may kasama "Boss"maging ang manager nila ay iniintriga na Siya dahil sa pagiging malapit niya sa Big Boss.

Pero wala siyang maibigay na paliwanag sa mga ito dahil Hindi niya alam kung ano ang sasabihin Kahit Siya ay Hindi alam ang kahihinatnan ng pagiging malapit nila ni Freen sa isat isa.Yes, he was sweet. Pero Paano kung ganoon lamang talaga ito? Na malapit lang tlaga sa mga babae ito? Hindi naman ito naghahayag ng damdamin nito sa kanya.mabuti sana kung katulad ito ni Nop na nagpapalipad hangin sa kanya.

Kung minsan nga ay hinihiling niyang sana ay Gawin na nito iyon. Dahil nahuhulog na ang loob niya rito. Hindi ito mahirap magustuhan at mahalin she liked to much.

Alas diyes Ng Gabi nang magpasya siyang matulog. Paakyat na siya sa kanyang silid nang makarinig Siya Ng katok Mula sa pinto.lumapit Siya roon."sino yan?" Tanong niyang hindi binubuksan ang pinto.

"It's me."

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala niya Ang tinig ni freen. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nakabalik na pala ito. Binuksan niya ang pinto. Napangiti siya nang Makita ito. Napadaan ka?

Ngumiti rin ito."hindi rin ako magtatagal.gusto lang kitang Makita.

Lalong lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib. Naiisip kaya nito ang epekto sa kanya ng ginagawa nito? Naiisip kaya nito na maaring mahulog ang loob niya rito dahil sa mga ipinapakita nito?

Nsa main branch Ako bukas, imporma nito. Nalungkot Siya sa sinabi nito pero hindi niya ipinahalata iyon. Parang sira to. Hindi mo kailangang magpaalam sa akin. "Girlfriend mo ba ako?nais sana niyang idugtong.

Gusto ko lang. Anyway, I'll pick you up at six tomorrow. Off mo bukas, diba?

Bakit?

"Gusto kang makilala ni Mama."





Habang palapit nang palapit ang alas sais ng Gabi ay patindi nang patindi ang kabang nadarama ni Becky. Sa gabing iyon ay dadalhin Siya ni freen sa bahay ng pamilya nito upang ipakilala sa mama nito. Naalala niya Ang napag usapan nila nang nagdaang gabi bago ito nagpaalam sa knya.

"Bakit niya ako gustong makilala?
"Madalas kasi kitang banggitin sa knya. She's got curious so she wants to meet you.

Hindi ito nagtagal at nagpaalam na rin ito. Hindi naibsan ang kabang nadarama niya Kahit pa hinahalikan Siya nito sa pisngi bago ito umalis. Kinakabahan Siya dahil Hindi niya alam ang aasahan niya sa pagkikita nila ng mama nito. Hindi niya alam kung bakit makikipagkita Siya sa ginang. Hindi nga niya alam kung bakit nababanggit Siya ni freen dito.

Pagsabit Ng alas Sais ay dumating si freen sa bahay niya. Nakangiti ito nang pagbuksan niya ng pinto.nagtama ang kanilang mga tingin subalit nag iwas agad Siya nang mapansin natitig ito sa kanya. Na-conscious tuloy Siya. May problema kaya sa suot niya.? Nag-apply lamang naman Siya ng kaunting makeup. Hinayaan niyang nakalugay ang kanyang buhok. Pink sa sabrina-cut  blouse at maong na pants ang suot niya. Nag-stiletto Siya upang madagdagan nang kaunti Ang taas niya. Ang sabi nito ay simple dinner lang ang pupuntahan nila kaya  hindi na Siya nagbihis Ng pormal

Ready ???
Tanong nito.

Tumango Siya at kinuha Ang purse niya sa counter malapit sa pinto. Tahimik lamang sila Hanggang sa makasakay sila sa sasakyan nito. Nakangiti ito samantalang siya ay Hindi mapakali

Kailangan ba magsuot Ako Ng formal attire?
Tanong niya kapagtaka

No need for that. You look fine sagot nitong sa kalsada ang tingin

Sigurado ka ?

I like the way you dress Rebecca. Anitong sandali sumulyap sa kanya at pagkatapos ay muling ibinaling sa kalsada ang tingin  you don't have to wear something formal.

Hindi niya alam kung binobola o pinupuri Siya nito. Pero Hindi pa Rin iyon nakatulong sa kanya.  Alam kaya ng mama nito na emplyedo lamang Siya nito? Hindi naman Siya nobyo nito ipakilala sa mama niya.

Hindi pa Rin naalis ang atensyon niya.lalong nadagdagan iyon nang makarating sila sa bahay nito Hindi iyon mansyon pero mababakas sa istilo niyon na hindi mga ordinaryong tao ang nakatira Doon.

Lets Go? Wika nito pagkatapos patayin ang makina ng sasakyan.

Sandali lang,  pigil niya. Kinakabahan Ako.

Hinawakan nito ang kanyang kamay. Look at me Rebecca, my mothers not going to eat you. All right? She just  wants to meet you. And then he smiled. His smile seemed like a tension reliever. His smile seemed to say she should trust him.

Bumuntong-hininga Siya. Halika na nga Ang daldal mo nman kasi eh..bakit ba Kasi kailangan mo pa akong banggitin sa mama mo???

Ngumiti lang ito at hindi sinagot ang tanong niya..
















To be continued....

FOREVERMOREWhere stories live. Discover now