Prologue

2.1K 30 0
                                    

Lahat ay nag-hahanda para sa school fair ng Cam High, nag-hahanda sila ng kanya-kanyang food stoles, booths at mga performances na papanuorin ng mga estudyante mamaya.

"Are you ready? Kinakabahan ka ba sumayaw mamaya?" Tanong ng isang guro sa kanyang grade nine estudyante na nag prisentang sumayaw mamaya

"Hindi naman po masyado ma'am, kaya ko naman po ako na to, e" pabiro pang sagot nito

"Sus, mukhang inspired ha. Sabagay kahit babae ka kaya mong patiliin mga babaeng students dito sa sayaw mo, e" pag-puri ng guro

"Ay, salamat po." Naka-ngiti pang sagot ng dalagang estudyante, tumango naman ang guro at iniwan na ang kanyang student sa backstage

"Good afternoon everybody!" Sigaw ng MC dahilan para mag-si-takbuhan ang mga high school student sa stage

"Kaya ko 'to! Kaya ko 'to!" Sigaw ng dalaga sa sarili, tinamaan na rin kasi s'ya ng kaba

Nakikinig lang s'ya sa backstage at inaabangan tawagin ang pangalan niya.

"To start this program! let's all welcome....." Putol na sigaw ng MC ng biglang may nag sigawan malapit sa pool area

"May nalulunod! May nalulunod sa pool area!"

Hindi na natapos ng MC ang kan'yang intro ng may tumatakbong batang lalaki ang sumisigaw papunta sa stage dahilan para mataranta ang mga tao roon.

"May nahulog na grade seven sa pool! May tumulak po! Tulong!"

Nagulat ang dalaga sa narinig, patakbo siyang lumabas ng backstage at tumakbo papunta sa pool area.

Nag-aalala rin s'ya kung sino ang nalulunod, naisip niyang baka isa sa mga kaibigan niyang grade seven na sumali sa swimming club.

Pero nagulantang siya ng makitang ang crush niyang grade seven ang nalulunod, walang pag-dadalawang isip itong tumalon sa swimming pool at lumangoy sa direksyon ng batang babae nalulunod.

"Tumalon 'yung babae!"

"Naku naman!"

Sigawan ng mga tao habang pinapanuod na masagip ang estudyante.

Agad niya na itong binuhat at dinala sa gilid ng pool, ini-angat niya ang katawan ng dalaga para makuha na ng mga tao doon. Binigyan naman nila ito ng CPR.

Dumating na rin ang nga guards para tumulong, napa-hawak ang dalaga sa kanyang dib-dib ng maka-akyat na siya sa gilid ng pool. Kinabahan s'ya ng lubos ng makita niyang ang babaeng hinahangaan niya ay nasa bingit ng kamatayan.

Ni-hindi niya na rin inisip ang performance niya, wala na siyang pakialam kahit mabasa man ang suot niya ang importante ay masagip niya ito.

Natulala na lang s'ya habang pinapanuod ang babae na binibigyan ng CPR dahil hindi naman s'ya marunong, ng hindi pa ito gumising ay binuhat na ito ng mga guards at dinala sa clinic.

Nag-aalala siyang tumayo habang tinatanaw na maka-alis ang mga guards. Nag-aalala talaga siya na kahit ang sarili ay hindi niya na inisip.

Hindi nag tagal ay lumapit sakaniya ang iilang guro at naroon din ang mga kaibigan niya.

"May tumulak sakaniya kanina, kaso hindi kami pinayagan na sagipin siya, e." Paliwanag ng kaibigan niyang lalaki

Napa-irap siya at saka ito nilingon,

"Utos nino? Utos nanaman ni Alein?" Inis na tanong nito sa mga kaibigan niya

Mahinang tumango ang mga kaibigan niya,

Sa sobrang inis at itinulak niya ito sa pool, ang isa niya namang kaibigan ay pinigilan siya.

"Ano?! Sabihin niyo saakin sino nag tulak sakaniya? Si Alein ba? Si Alein!?" Galit na tanong nito

Sa takot ay tummango ang kaibigan nito, agad siyang hinawakan ng mga guro dahil may posibilidad ba makasakit na s'ya dahil sakaniyang nararamdamag galit. Ngunit nagawa nitong mag-pumiglas para i-duro-duro ng may galit ang kaibigan niya.

"Kalma bro, matagal na nating kaibigan si Alein kaya naman siya ang sinunod namin. Alam naman nating gusto ka ni Alein, bro. Nadala lang siya ng selos." Paliwanag pa ng isa dahilan para lalong mainis ang dalaga

"Ulol! Pag may masamang nangyari sakanya, humanda kayo sa'kin!" Galit nitong itinulak ang mga naka-hawak sakaniya saka umalis sa pool area.

"Sana walang mangyari sa'yo, I'm sorry." Bulong nito sa sarili habang tumatakbo papunta sa clinic

Agad niyang hinanap ang babae kahit hanggang sa glass door lang siya, nakalma siya ng makitang kinaka-usap na ito ng nurse.

Naka-hinga siya ng maluwag saka napa-upo sa harap ng glass door, pinag-masdan niya ang nanginginig niyang kamay.

Galit na galit siya sa mga kaibigan niya dahil imbes na tulungan nila ang taong gusto niya ay mas tinulungan nila ang kaibigan nila sa kasamaam na may gusto sakaniya.

"I'm glad you're okay, thanks God" naiiyak niyang bulong sa sarili

Ps. This is from my Bada Lee's Au story that i written (tiktok: reyupictures)

STEALING THE DANCER'S HEART  (Bada Lee)Where stories live. Discover now