Kabanata 4

267 12 7
                                    

Georgia Eleze Frankel P.O.V

"Huy ano ba! Stop it, Geo!" Pag-uutos nito saakin ng agawin ko bigla ang cellphone niya, gusto ko na maka-labas dito ano ba!?

"Just call a friend!"

"No, stop!"

"No!"

"Geo!"

"Stop! Oh- fuck!" Sigaw nito ng ma out of balance siya

Natigil kami ng biglang natumba si Bradley sa sahig at nahila ako,

Guess what? Naka-patong ako rito!

Naka-patong! WHAT THE FUDGE!

Nanlaki ang mga mata ko ng mag-dikit ang ilong naming dalawa.

Natigil kami ng ganoon lang ang position naming dalawa, napa-tingin naman kami bigla sa pinto ng bigla nalang itong bumukas.

"Are you guys okay?" Tanong ni Hanz habang nag-tatakang naka-tingin saamin

Sabay kaming napa-balikwas, tumayo kami pareho at saka pekeng ngumiti kay Hanz at kay manong guard na katabi niya

"Ah-Hi Hanz, buti naman dumating kayo." Saad ko habang pa-linga-linga sa paligid maka-iwas lang sa mga tingin ni Hanz

"Hmmyeaah....sinabi ko kay manong na nasa loob pa kayo." Sagot nito saakin saka pinaningkitan kami ng mata

Nataranta naman ako sa mga titig niyang iyon saamin, napatingin ako kay Bradley na kalmadong inaayos ang bangs niya

"Uh- Hanz, it's not what you thinking okay? Look-" mag i-explain pa sana ako ng biglang nag-salita si Bradley

"She wanted to call someone using my phone but i told her that it's dead batt. She didn't listen to me. Inagaw niya pa saakin yung phone ko kaya kami natumba." Kalmadong paliwanag nito, ano ba 'tong tao na 'to? Lahat ng nangyayari parang wala lang sakaniya, ang chill niya umasta.

Tumango-tango si Hanz saka huminga ng malalim, tinignan ako nito ng matagal. Tumango ako sakaniya para sabihing totoo ang sinasabi ni Bradley.

"Hmm alright, lumabas na kayo baka may ma miss kayong performance." He said sabay sandal sa may pinto

Nauna na akong lumabas at tatakbo na sana ako ng bigla akong pigilan ni Hanz "Bag mo, babae."

Ini-abot niya ito saakin kaya naman nginitian ko nalang siya at saka tumakbo na papalayo, jeez.

Pumunta ako ulit ng cafeteria na sobrang layo, sakto naman na naka-upo si Kloe sa kabilang sulok. Tumakbo ako papunta sakaniya, naka-ngiti itong naka-upo habang kumakain.

Umupo ako sa harap at nag pa-linga-linga sa paligid, inilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng mesa

"nasaan si Eve?" Tanong ko rito

Itinigil niya ang pag-kain at sumagot "Sabi niya mag babanyo s'ya, kaka-alis niya lang."

Tumango-tango ako dito, agad kong hinablot ang isang mineral water sa mesa at binuksan iyon.

"Huy!" Sinubukan pa akong pigilan ni Kloe na inumin iyon pero wala na siyang nagawa

"Bakit mo ininom?" Tanong niya saakin ng may pag-tataka sa mukha

"Huh? Bakit? Sa'yo naman iyon ah" giit ko pa sabay lapag ng plastic bottle sa mesa

"Kanina pa may tubig dito, hindi ko naman binili iyon."

Nandiri ako sa sinabi niya na halos mduwal ako, ang seryoso din ng mukha niya ng bigla siyang ngumiti "Joke lang!"

Hinagis ko sakaniya ang plastic bottle, buti naman at nasalo niya.

STEALING THE DANCER'S HEART  (Bada Lee)Where stories live. Discover now