Kabanata 5

329 14 0
                                    

Georgia Eleze Frankel P.O.V

"I'm glad you're here!" Sigaw ni Evesse sabay yakap saakin ng makita niya kami pag bukas niya ng gate

Narito kami ngayon sa bahay nila, mabilis naman kaming nakarating dito dahil nag message nama kon saakin si Eve ng adress nila at may kotse naman si Kloe. Gabi naman ang party medyo maaga lang kami nakarating, ayos lang malapit na rin naman gumabi.

Ngumiti lang ako sakaniya, tumingin siya kay Kloe at bigla nalang sumimangot ng makita si Hiyara.

"Oh," lumapit si Eve kay Hiyara at tinignan ito sa mata, pagkatapos ay tumingin siya kay Kloe

"She's my Cousin." Walang emosyong bulong ni Kloe dahilan para bumalik ang ngiti sa mukha ni Eve

"Ahh, alright!" Excited na sigaw nito sabay hila kay Kloe papasok

Sana si Kloe nalang 'yung pinapunta ko mag-isa, naiwan kaming naka-ngiwi pareho ni Hiya.

"Who is that?" Tanong ni Hiyara ng may mabagal na pag bigka habang pinapanuod maka-layo ang dalawa

"She's Eve, bagong friend ko sa campus. May crush siya kay Kloe kaya gan'yan." I said

Nag-tatakang tumingin saakin si Hiyara. "huh? alam ba ni ate Kloe na may crush sakaniya 'yan? alam naman nating masungit sa mga babae 'yan , e. Pero ngayon nag-pahila lang siya doon sa babae."

Natawa naman ako sa sinabi niya, kilala niya talaga si Kloe.

"Baka namimili na si Kloe ngayon, tara na pasok na rin tayo!"

Hinila ko siya papasok, medyo matagal pa siya mag lakad dahil may dala siyang bag. Dala-dala niya ang camera at mga damit niya, pool party kasi. Ang saamin naman ay iniwan namin sa kotse, babalikan nalang daw ni Kleo kapag mag-bibihis na.

Pag-pasok namin sa bahay nila ay talagang napaka-laki nito, pero hindi lang 'yan. Pag labas namin kabilang side ng bahay ay may napaka-lawak na pool, dalawang pool iyon may hati sa gitna, marami na ring tao doon at mga walang pang itaas at ang ibang mga babae ay naka bikini pa.

May kaunting kaba saakin, sa katunayan sumasama lang ako sa pool party kapag pamilya o matalik na kaibigan ang nag-aya. Alam ko kasing safe ako, pero kapag may mga hindi ko kilala hindi ako sumasama. Dahil na rin siguro sa trauma, pero isa-santabi ko muna iyon ngayon. Siguro hindi nalang ako pupunta sa pool, sa gilid lang ako nito.

Inilibot ko ang paningin ko at hinanap si Eve at Kloe, nasa may kabilang side nila kaya naman nag-lakad kami agad papunta doon.

Umupo kami sa tabi ni Kloe na naka-upo sa isang mahabang duyan.

"Ang daming tao" bulong ni Hiyara kay Kloe

"Malamang party siguro 'to." Pamimilosopo nanaman ni Kloe

Lagi siyang gan'yan, sarap konyatan ,e.

Maya-maya pa ay may mag-asawang lumapit saamin, kasunod naman nila si Evesse.

"Mama, Papa. This is Geo my new bff, she's with her friends too. I invited them here!" Excited na pag pakilala saamin ni Evesse

Ngumiti ako at ini-lahad ang kamay ko sa ere. "I'm Geo po, Eve's friend from campus. Nice to meet you po and happy anniversary."

"Nice too meet you too, take care of Evesse ha. She's clumsy." Sagot naman ng tatay ni Eve saakin, hinampas naman siya ng asawa niya sa may braso saka umalis na rin sa harap namin.

Tumabi naman saakin si Evesse, tumingin siya sa bandang kaliwa ng pool kung saan naka-pwesto ang mga pag-kain at drinks sabay turo doon.

"He's my kuya, our parents calls him "Ton" but i used to call him "Eli", i never call him kuya or what." kwento nito

STEALING THE DANCER'S HEART  (Bada Lee)Where stories live. Discover now