Kabanata 8

30 3 1
                                    

Georgia Eleze Frankel's P.O.V

"HA!? Inaya ka ni Bradley makipag-date sakaniya?!" Halos sabay-sabay na sigaw nila Hanz at Eve, wala pa kasi si Kloe pero mas okay na 'yon.

Kasalukuyan kaming naka upo sa madalas naming tambayan, syempre sa cafeteria. Kakatapos lang ng morning class namin kaya napag-pasyahan na naming mag chismisan rito, wala rin kaming practice sa cheer dance kaya naman okay lang. Iyon nga lang ay wala pa si Kloe dahil may training sila. Ngayon lang din ako nakapag kwento sa dalawang 'to dahil sa sunod sunod na practice, araw-araw iyon.

"Oh no, i guess she's so pagod na, na daan-daanin ka sa mixed signals!" Nakangiti pa akong inaalog-alog ni Eve

"Kapag nalaman 'yan ni Kloe paniguradong aasarin ka non! Gustong-gusto pa naman n'ya na nahihirapan ka parati." Natatawang saad ni Hanz

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil hindi ko na rin alam ang aking gagawin, aminado naman akong may kaunting pag-hanga ako sakaniya.

Pero kasi...

Ang gulo ng nararamdaman ko, hindi ako sigurado. Siguro ay dahil sa hindi namin pagkaka-ayos ng matagal kaya ganito na lamang ang pagka-ilang ko.

"Huwag n'yo na munang sasabihin kay Kloe—"

"Anong 'wag sasabihin sa'kin?"

Nanlaki ang mga mata ko nang may mag-salitang pamilyar na boses saaking likuran, si Kloe!

Agad itong umupo sa tabi ko, kaharap n'ya naman si Eve at si Hanz naman ang katabi ko. Peke akong ngumiti sakaniya at hindi na lamang umimik, bakit ba lagi nalang s'yang sumusulpot?!?

"Kahit hindi n'yo sabihin sakin, kalat na sa buong campus ang bali-balitang mag jowa na raw kayo." Ani Kloe dahilan para mapa-tingin kami sakaniya

"Ha? Balita?" Nakakunot nuong tanong ko

Tumikhim s'ya at saka sumagot "Oo! Lalo na sa building namin, sobrang kalat na kaya doon! Ang nakakapag-taka pa hindi man lang idini-deny ni Bradley"

Napakamot ako sa aking batok, bakit naman ganon? ⊙⁠﹏⁠⊙

Papaano kumalat? tsaka bakit hindi n'ya ideny?

"P-Paanong nangyaring kumalat iyon?" Tanong ko habang pakamot-kamot parin saaking batok

Marahan s'yang tumawa at saka n'ya ako pinitik saaking nuo, tinignan ko naman s'ya ng masama

"Nakalimutan mo na ba? Nakita ng lahat na buhat ka n'ya mula sa banyo!"

Oo nga pala, binuhat n'ya pala ako! Halos makalimutan ko na ang tungkol sa bagay 'yon. Joke! Gusto ko na talagang kalimutan iyon.

Napakamot ako sa aking batok saka napailing at tumingin sakanilang tatlo na seryosong naka-tingin saakin "Ano gagawin ko!? First day of intramurals na bukas!"  Nagtataka silang tumingin saakin

Kung pupwede lang maiyak dito ay ginawa ko na, hindi ko rin kasi alam ang gagawin ko, e!

"ano namang meron sa first day ng intrams?" tanong ni Hanz saakin ngunit hindi ko ito nilingon, instead yumuko lang ako sa aking mga kamay na nasa mesa

"Gusto n'yang makuha yung sagot ko, at bukas 'yon." Sagot ko habang nakayuko, hindi ko man sila nakikita ngunit ramdam ko ang pagka-dismaya sakanilang mga reaksyon

"Sandali lang naman! And demanding n'ya. Kung gusto ka n'ya i-date hindi n'ya naman kailangan mamilit, palibhasa alam n'yang gusto mo s'ya, e!" Mahabang sabi ni Kloe na para bang may inis sa boses nito, napa-singhap ako.

"I think, Bradley don't know how to express her feelings." Mahinahong sabi ni Eve dahilan upang i-angat ko ang aking ulo at saka tumingin sakaniya

"Hindi n'ya pala alam kung papaano, huwag na s'ya manligaw." Masungit na sagot ni Kloe kay Evess, mag babangayan pa yata 'tong dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STEALING THE DANCER'S HEART  (Bada Lee)Where stories live. Discover now