Kabanata 3

332 12 0
                                    

Georgia Eleze Frankel P.O.V

"Ang maalala ako?" She said while staring at me

"Ha?"

But it seems like she regrets that after she said it, she was in shock also.

"Ha?" Gulat na sabi nito saka napa-kurap ng ilang beses

Ano raw? Maalala? I really don't understand what she saying, pero malakas ang kutob kong may pino-point siya. Kilala ko ba 'to?

Bakit ba ang weird ng taong 'to? Ganito ba siya sa lahat?

"Nothing." Mabilis niyang habol saka tumalikod saakin at kunwaring nag scroll sa cellphone niya

Tumango-tango ako at kunwari'y naniwala naman ako sakaniya.

At dahil nga medyo awkward naman mag-tanong kung saang highschool siya galing ay may naisip akong ibang paraan para malaman kung same school nga ba kami noon?

Lumapit pa ako ng kaunti sakaniya, kunwari ay tinititigan ko yung mga equipment na malapit sakaniya. S'ya naman tong naka-sandal lang sa table habang naka-talikod saakin.

"Ahm, sa Cam high ka rin nag high school right?" Confident na tanong ko, hinarap niya ako at ginulo ang bangs niya saka nag-isip

Aha! Siguro nga same school kami!

"Hindi, e" saad nito habang umiiling-iling

Sana kainin ako ng lupa, grabe pahiyang-pahiya pa ako ha!

Naitikom ko ng mariin ang bibig ko saka nag-isip ng dahilan, ano ba naman kasi 'yan Geo!

"A-ahh, sikat kasi na usapan na doon ka raw nag high school e..... doon din ako nag high school so yea na-tanong ko lang." Paliwanag ko saka umupo nalang ulit

Tumango-tango siyang lumapit saakin at saka hinatak yung isang upuan sa likod ko, itinabi niya iyon saakin at saka s'ya doon umupo.

"Why? Mahalaga ba kung nasa same school tayo?" She asked without hesitation, alam kong naka-tingin s'ya saakin pero umiiwas ako

"Is that important to you?" She asked again, sa pag-kakataon na 'to ay nilingon ko na siya

Nanlaki ang mga mata ko ng sobrang lapit niya sa mukha ko, naka-tingin siya ng diretso sa mga mata ko

Sandali akong natulala sakaniya, ganito pala ka-intense sa pakiramdam kapag sobrang lapit ng isang tao sa'yo tapos hindi mo
ka-close, like parang hindi mo alam kung swerte ka ba kasi naka-harap mo siya o maiilang ka kasi hindi mo nga s'ya close.

Napa-lunok ako ng sariling laway bago sumagot sakaniya ng hindi gumagalaw sa pwesto ko,

"N-No, sabi mo kasi kagabi... you k-know me kaya..." Nauutal na sagot ko

Bakit ba ang dali lang isipin na prankahin siya ng mga tanong!? Kapag nasa mismong sitwasyon na ako nauutal-utal pa ako!? Bakit!?

Umiwas na siya ng tingin saakin saka tumingin sa cellphone niya na hawak-hawak niya kanina pa,

"Ayun ba? I think i know you, hindi naman ako sigurado baka napag-kamalan lang kita." Naka-ngiting sagot niya habang nag so-scroll sa Instagram niya.

May kirot akong naramdaman sa puso ko, bakit kaya? Bakit parang nalungkot ako bigla? Nalungkot ako kasi hindi niya naman pala talaga ako kilala, pero bakit finollow niya ako sa IG ng ako lang ha? Assuming ba ako masyado doon? Wala naman akong pake doon ah, bakit nalungkot ako? Nag-expect nga siguro ako ng hindi ko namamalayan? Bakit? Crush ko ba siya?

Wait what?? Crush ko ba siya!?

Bumuntong-hininga ako at inakay ang bag ko, niyakap ko ito at nanahimik nalang.

STEALING THE DANCER'S HEART  (Bada Lee)Where stories live. Discover now