Kabanata 7

188 6 4
                                    

Georgia Eleze Frankel P.O.V

"When i call your name ibig sabihin, pasok kayo sa pep squad!" Sigaw ng cheer leader na si ate Kayzi

After namin magpa-lista noong araw na iyon ni Eve, nag practice agad kami para sa screening o audition and gladly good comments naman ang natanggap namin. Sana nga lang ay makapasok kami pagkatapos ng nakakapagod naming pag i-ensayo bago ang screening.

Hawak kamay kaming kinakabahan ni Eve habang hinihintay ang sasabihin ni ate Kayzi ng nakaupo sa sahig ng hall, kahit anong resulta ayos lang , 'no! Makapasok o hindi okay lang din sa'kin at ang importante matapos na 'to. Baka nagsa-sayang lang kami ng oras dito, sana naman hindi.

"Teefani! Abigail! Karil..." Isa-isa na ngang n'yang tinawag ang mga nakapasok sa cheer dancers

Marami-rami na ring tinawag at kami, hindi pa. Kaya alam na namin ni Eve ang ibig sabihin noon, paalis na sana kami ng bigla kaming harangin ni Andree, isa sa mga lalaking senior members na ng pep squad.

"Where are you both going? Hindi pa tapos, oh." He asked

Sabay kaming bumuntong-hininga ni Eve bago umupo ulit sa sahig ng hall.

"..Evesse and Georgia, congrats to all of you!"

Nagka-tinginan kami ni Evesse nang banggitin ni ate Kayzi ang pangalan namin, pareho kaming gulat na gulat dahil akala namin hindi na kami tatawagin!

Agad kaming tumayo at nag yayakapang lumabas ng hall para kumain sa cafeteria.

Tambayan naman 'yung cafeteria, e. Sana hindi magalit mga teachers na palaging maingay doon dahil saamin. Papa-upo na sana kami ni Eve sa madalas naming upuan sa loob ng cafeteria nang napansin naming papalapit si Andree saamin.

"Hi?" Bati n'ya saamin , hindi naman namin siya close kaya nginitian ko na lang s'ya at ganoon din si Evesse

Nang tumapat s'ya sa table namin ay naka-ngiti s'yang tumayo doon at idiniin ang dalawang palad sa mesa.

"I just want to congratulate you both, you did great! Kahit sa practice ang gagaling ninyo." Naka-ngiti nitong sabi

Umupo na kami at tumango na lang sakaniya, sa pagkaka-alala ko kahit kailan hindi naman namin s'ya naka-samang mag practice o nakitang mag practice sa parehong lugar kung saan kami nag i-ensayo. Ang weird n'ya.

"S-Salamat po" maikling sabi ko sabay kamot sa batok

Napaka uncomfortable n'ya naman kasama o kausap!

"Hmm, can i sit here?" Tanong nito sabay turo sa tabi ni Evesse

Nag-aalala naman ako kay Evesse pero hindi pa man ako nakaka-sagot nang dumating na sila Kloe kasama si Hanz at Bradley.

Wow, kasama ang grumpy!

"Tabi nga!" tinabig ni Kloe ang kamay ninto dahilan ng halos pag ka dulas nito sa mesa, nag-tatakang tumingin si Andree kay Kloe

Napa-tayo ako dahil sa pag-aalalang baka magka-gulo kami.

"The hell?" Galit itong lumapit kay Kloe

Walang takot ha! Kahit mas matangkad si Kloe palaban parin siya.

"Dahil? Anong "dahil"? DAHIL uupo ako! Tabi!" marahang tinulak ni Kloe si Andree bago mapang-asar na umupo sa tabi ni Evesse, bakas naman sa mukha ni Andree ang pagka-inis

Hindi ko na napansin 'yung joke ni Kloe sa sobrang pag-aalala.

"Tsk! Stupido—" papalapit palang sana si Andree kay Kloe nang biglang hablutin ni Bradley ang braso niya

STEALING THE DANCER'S HEART  (Bada Lee)Where stories live. Discover now