11

17.6K 401 23
                                    









Unedited...


"Salamat sa pagsuot ng mga ginagawa ko," pasalamat ni Anika habang inaayos ang kwelyo ng asawa.

Mwuah!

Natameme siya nang ninakawan siya ng halik ng asawa.

"Salamat sa paggawa ng mga damit ko."

"Ako ang dapat na magpasalamat dahil pangarap ko na makagawa ng mga formal dress," ani Anika.

"Model ako kaya kailangan ko ng maisuot para ipang-model."

"Salamat pa rin," pasalamat ni Anika at inabot ang perfume ng asawa.

Bumalik siya sa mesa at ipinagpatuloy ang ginagawa habang hinayaang mag-ayos si Chris dahil may dadaluhan itong beauty contest at ito ang host. CA rin ang major sponsor kaya imbitado ang asawa bilang judge.

"Siya nga pala," sabi ni Chris na nilapitan si Anika. "Makakasama ko si Yvone mamaya at tabi kami ng upuan kasi judge rin siya."

Napatingala si Anika. "Okay," aniya. Sanay na siya kaya hindi na siya nagugulat kapag magkasama ang dalawa o magkasamang matulog.

Inagaw ni Chris ang papel na ginuguhit ni Anika.

"Hey! Di pa 'yan tapos eh." reklamo ni Anika.

"Kapag kinakausap kita, pay attention."

"Nakikinig ako."

"Snake bracelet?"

"Sinusubukan ko since marami ang babaeng gusto ng snake pero hindi ko alam kung paano mapaliit. Ayaw ko ng masyadong malaking ahas. Gusto ko yung mag-end ang buntot at ulo."

"Eh di liitan mo."

"Pwede kaya 'yong diamonds sa katawan ng snake tapos nagmukhang balat pero kung titigang maiigi sa malapitan ang diamonds siya Made of gold ang gilid tapos ang parang kaliskis ay small diamonds?"

"It's gonna be expensive," sabi ni Chris. "Mahirap ding mag-form ng small diamonds."

"Pwede namang ibang materials ang gagamitin ko," sabi ni Anika.

"But who cares if expensive siya kung worth it naman ang design," ani Chris. "We're aiming a lifetime investment sa jewelries kaya I'm making my designer's wildest dreams into reality."

"Pero hindi pa pulido. Gawin ko na lang ulit kapag may time na ako pero salamat sa ideya," pasalamat ni Anika.

"Alis ka na ba? Ingat ka." Satisfied siya sa nakikita. Ang pogi ng asawa.

"Huwag mo akong tingnan nang ganyan, Anika. Baka mawalan sila ng isang judge mamaya," pilyong sabi ni Chris kaya iniwas ni Anika ang paningin.

"Hindi lang ako makapaniwala na may nagsusuot na ng mga bagay na dati ay nasa isip ko lang."

"Masanay ka na," ani Chris saka hinalikan sa pisngi ang asawa saka umalis na.

Nang dumating sa venue, tama nga siya, itinabi siya kay Yvone.

"You look amazing," bulong ni Yvone.

"Thanks."

"Hello lovers!" masiglang bati ng kakarating lang na TV host personality at nakipagbeso-beso sa kanila. "Balita ko ikakasal na kayo ah."

"Soon po," magalang na sagot ni Yvone saka naupo sa tabi ni Chris.

Ipinakilala sila ng emcee bilang judges pero hindi maiwasang matanong ang kasal nila.

"I'll let Yvone answer the question," mahinahong sagot ni Chris at inabot ang mic sa katabi.

"Oh well, wala pa. We'll announce naman so don't worry guys." Nakangiting sagot ni Yvone saka ibinaba ang mic.

1. Sold to CEO (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon