28

15.8K 443 32
                                    
















Unedited...












"Sino ang nagsabing 'yan ang isuot mo?" tanong ni Chris nang pumasok sila sa bahay. Magkasunod lang ang sasakyan nila kaya nagkaabutan sila sa elevator.

"Bakit?"

"Mukha kang nanghahatak ng kalalakihan!" sagot ni Chris kaya napanganga si Anika.

"Ganoon na ba ang tingin mo sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ni Anika. Napilitan lang naman siyang isuot ito.

"Hindi naman ganoon ang tingin ko sa 'yo."

"Kung nandidiri ka sa akin, wag mo akong pansinin. Hindi naman nila alam na asawa mo ako!" Basta tumaas bigla ang dugo niya sa narinig.

"Wala akong sinabing nandidiri ako sa 'yo. Bakit ka ba ganyan?" pikong tanong ni Chris. Hindi na niya maintindihan si Anika. Lately parang lumaki na ang ulo nito. Hindi na ito ang Anikang nakilala niyang kahit anong sasabihin niya ay nagpapakabait lang ito.

"Ganyan ang tingin mo sa akin, hindi mo lang ako dinidiretso. Kanina parang gusto mo na akong patayin dahil sa suot ko. Alam kong nakakahiya kasi ang laswa nitong suot ko. Hindi mo naman kasi sinabi na kailangan palang mag-dress!" sumbat ni Anika.

"What I mean is you look so hot sa suot mo at ayaw kong pinagpiyestahan ng ibang lalaki ang katawan mo, Anika!" pikong sabi ni Chris saka nilapitan ang asawa at hinawakan sa kanang braso. "Bakit ba binibigyan mo na ako ng problema?"

Iniwas ni Anika ang tingin. Naguguluhan siya kay Chris. Hindi niya alam kung pinupuri ba siya o nilalait?

"I'm sorry," paumanhin ni Chris at binitiwan ang asawa nang makitang nasasaktan na ito. "I don't mean to hurt you."

"Pagod ako," sabi ni Anika at tinalikuran si Chris.

"Congrats," mahinang bati ni Chris kaya lumingon si Anika. "Alam kong pinaghirapan mo iyon kaya kung hindi man sa 'yo ang mapili, ikaw pa rin ang panalo sa akin."

"Of course asawa kita kaya nasabi mo 'yan," ani Anika saka pumasok sa shower room.

Nang lumabas siya, saka naman pumasok si Chris.

"What's wrong with her?" inis na tanong ni Chris habang naliligo. Paglabas niya, nakahiga na si Anika. Tumabi siya rito saka hinawakan sa mukha. Hahalikan na sana niya pero di pa nga nakalapat ang mga labi niya, iniwas nito ang mukha.

"Fine! You'll get what you want!"  pikong sabi niya at kinuha ang kumot para sa labas matulog. "Ayaw mo, eh di 'wag!"

Kinabukasan, napatingin si Anika sa asawa na mahimbing na natutulog sa sala. Kinuha niya ang susi ng sasakyan saka nagsuot ng doll shoes at lumabas ng bahay.

Ngayon ang announcement ng nanalo kaya kinakabahan siya sa resulta.

"Di na bale, nakapasok ka na sa top ten kaya mai-display na ang gawa mo," bulong niya sa sarili.

"Guys, ngayon na i-release ang result!" tili ni Kendra na para bang isa siya sa participants. "Excited na ako para sa inyo."

"Mamaya pa," sabi ni Elisa na kabado rin.

"Dala na ni Jessie ang result, ipapaskil na lang sa board," sabi ni Lily na kakapasok lang. "Hindi ko lang tiningnan kasi kinakabahan ako."

"Uy, tara na, guys. Sabay nating tingnan," yaya ni Marilou. "Panalo na kayong tatlo."

Sabay silang lumabas. Pinagtutumpukan na ng empleyado ang result.

"Kyah! Number two ka Anika!" tili ni Kendra na siya na ang nakipagsiksikan para sa team. "Number four ka Elisa at number seven si Lily!"

1. Sold to CEO (R-18)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora