Ending

54K 996 124
                                    

Libre lang mga stories ko kaya follow nyo ko, masaya na ako😚🥰

Sha_sha0808

Matapos ang isang buwan, natapos ko rin.

Unedited...



"Are you happy?" tanong ni Chris at hinalikan sa noo si Anika.

"A—Ang baby?" tanong ni Anika dahil na-CS siya.

"She's okay, natutulog pa," sagot ni Chris at tinulungan si Anika na makaupo. "Oh, she's awake," nakangiting sabi ni Chris at kinuha ang sanggol na natutulog sa loob ng baby crib. "She's healthy."

Pinahiga niya ang sanggol sa tabi ni Anika para makadede ito.

"Ang cute naman ng baby ko," puri ni Anika at masuyong hinalikan sa noo ang anak.

"Kamukha ko siya," ani Chris kaya napangiti si Anika. "Pero yung pagkaheart shape na face ay sa 'yo."

"Sana magiging mabuti akong ina," ani Anika.

"Oo naman. I am one hundred percent sure na magiging mabuting ina ka."

"Hello people!" masiglang bati ni Kristina na may dalang bulaklak. Tinakpan ni Anika ang dede dahil busog na ang anak. "Oh my gosh! Gising na ang apo ko."

"Maingay ka ho kasi, Mommy," reklamo ni Chris.

"Sus. Halika nga kay Lola," tuwang-tuwang sabi ni Kristina saka maingat na binuhat ang apo. "Ang ganda ganda ng baby namin, no? Mana talaga kay lola," sabi niya habang nakatunghay sa apo na hindi pa nakadilat.

Tumalikod siya nang makaramdam ng sakit sa dibdib nang maalala si Anita. "Look, ang ganda ng apo natin, Anita. Kung saan ka man ngayon, alam kong masaya ka pero mas masaya sana kapag nandito ka." Bulong niya at inilapit sa asawang kakapasok lang ang apo. "Say hello kay Lolo."

"Mabuti at safe silang mag-ina," nakangiting wika ni Manuel. "Kailan pala ang dating ni Miguel?"

"Bukas," sagot ni Kristina. "Dapat nextweek pa pero dahil nalamang maagang nanganak si Anika, eh nag-book agad ng flight."

"Sabik na sabik na 'yon makakita ng apo," sabi ni Chris. Ang saya niya dahil tanggap siya nito.

"Right. Bukas na bukas, magpa-welcome party tayo sa bahay kapag ma-discharge na kayo," sabi ni Kristina.

"Nextday pa po ata ako ma-discharge," sabi ni Anika.

"Eh di nextday na. Basta kapag lumabas kayo magpa-welcome party kami. Don't worry, kami na ang bahala sa lahat," sabi ni Kristina.

"Thanks, Mom," pasalamat ni Chris.

Nang hapon, dumating sina Anika, Lucy at Armando para bumisita.

"Ang cute naman ng apo ko," nakangiting sabi ni Armando.

"Thanks, Pa," pasalamat ni Anika sa amang matagal na niyang hinahangad na mahalin siya.

"Okay ka lang, hija? Masakit pa ba ang sugat mo?" nag-aalalang tanong ni Armando.

"Medyo makirot lang po pero normal lang naman daw ho ito," sagot ni Anika.

"Ang cute naman ng pamangkin ko," ani Ana. "Bihisan ka ni Tita para barbie-barbie ha."

"Sus, wag mong i-spoiled baka lumaking spoiled brat si Antasha!"saway ni Anika kaya napasimangot si Ana.

"Talagang magiging spoiled brat ang batang 'yan lalo na kapag ilapit ninyo kay Kristina," sabat ni Manuel.

"Excuse me?" bulalas ni Kristina.

"Hindi ako nagbibiro. Sinasabi ko na sa inyo, alam ko na ang future ng apo ko," siguradong sabi ni Manuel. Gustong-gusto pa naman ni Kristina na magkaroon ng anak na babae noon.

1. Sold to CEO (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon