26

16.1K 433 27
                                    











Unedited....







Mahimbing na natutulog si Chris pero hindi niya ito namalayang umuwi kagabi.

Alam niyang engagement party nila kagabi kaya siguro napagod ito. Bigla siyang nakaramdam ng awa sa sarili. Siya ang pinakasalan pero wala siyang boses. Para siyang isang anino na bawal ipakita sa lahat dahil kamuhian lang siya. Sa harap nila, si Yvone ang legal na karelasyon nito.

"Wala naman pala tayong relasyon," bulong niya saka nagbihis na at pumasok sa opisina.

"Morning," bati niya.

"Morning," bati ni Lily. Hindi sumagot ang iba kaya ramdam niyang may mali. Mula nang malaman nila na anak siya ni Armando ay umiba na ang turing ng mga ito sa kanya. Hindi niya sila masisisi. Sino ba ang magtiwala sa anak ng magnanakaw?

"Mamayang nine thirty mayroon tayong meeting," sabi ni Elisa.

"Bakit ba hindi na ngayon?" tanong ni Jason.

"Sa meeting room. Lahat tayo ay invited na pumunta," sagot ni Elisa.

Nag-focus si Anika sa ginagawa. Kailangan niyang matapos ang mga design na ipapasa bukas para wala na siyang abalahin pa kundi ang necklace na ipapasa.

"Anika, tara na," yaya ni Lily nang mag 9:15 na.

"Mauna ka na," sabi ni Anika. "Aayusin ko lang ang table ko."

"Hintayin kita. Tungkol saan kaya ang meeting?"

"Hindi ko rin alam," clueless na sagot niya. Hindi naman sila nakapag-usap ni Chris dahil kagabi lang sila nagbati.

"Tara na, Anika," yaya ni Elisa.

"Wait lang," sabi ni Anika saka kinuha ang cellphone at sumunod kay Elisa. "Alam kong galit kayo sa akin at nagdududa," ani Anika.

"Hindi namin alam ang tunay na nangyari at hindi ka nag-open up," sagot ni Elisa habang naglalakad sila. "Ang dami mong sikreto pero hanggat hindi kami mapahamak, bahala na."

"Salamat sa tiwala, Elisa. Promise, hindi ako magnanakaw at mangongopya. Magiging tapat ako sa grupo natin."

"Kapag malaman ng nasa taas ang pagkatao mo, wala kaming kinalaman diyan. Hanggang ngayon palaisipan pa rin kung sino ang nagpapasok sa 'yo rito."

Tikom ang mga labi ni Anika para hindi na siya makapagsalita pa ng mali.

Bumukas ang elevator pero hindi sila pumasok dahil nasa loob si Chris.

"Morning," bati nila.

"Morning," bati ni Chris. "Pasok kayo. Sabay na tayong pumunta sa conference room."

Nagulat sila sa sinabi ni Chris. Pinigilan pa nito ang elevator na sumara at hinintay sila na pumasok.

"Thank you, sir," pasalamat ni Elisa at pumasok kasama sina Anika. Ni walang tumabi kay Chris kaya si Anika ang natulak sa tabi nito. Siksikan pa sila sa loob dahil mga tamad maghagdan. Naramdaman ni Anika ang paghawak ni Chris sa kanang hintuturo niya nang magdikit ang kanilang mga kamay kaya pasimple niyang hinila ang kamay at sinaway ito sa pamamagitan ng tingin. Naninibago siya sa asawa.

Nang bumukas ang pinto, lumabas na silang lahat at sabay na tumungo sa conference room. Dumiretso si Chris sa unahan sa tabi ni Rino.

"Nandito na ba ang lahat?" tanong ni Chris at sumenyas sa guard na isara ang pinto para wala nang papasok. "Bago tayo mag-umpisa, gusto ko lang ipaalam sa lahat na nasa kulungan na si Ralf."

1. Sold to CEO (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon