16

16.7K 408 18
                                    










Unedited...










"Hey! Anika!"

Napalingon si Anika nang may tumawag sa kanya. Bumaba siya saglit para bumili sa Jollibee dahil nami-miss niya ang spaghetti.

"Ana?" usal niya nang makita ang step-sister. "Ginagawa mo rito?"

"Mag-take out para kina Daddy at Mommy."

"Kamusta si Papa?" tanong niya. Kahit ganoon ang ama, mahal pa rin naman niya ito. Ang problema ay masyadong nabulag sa pagmamahal sa nanay ni Ana.

"Okay lang naman. Nagkasakit siya kaya nahirapang maghanap ng trabaho," sagot ni Ana.

"Anong sakit? Okay na ba siya?"

"Okay na. May gamot naman siya pero kinakapos pa rin kami minsan dahil nauubos na ang perang binayad ni sir Chris pero nagnenegosyo naman si Mommy, nagbebenta sya ng alahas sa mga kaibigan," sagot ni Ana. "Ikaw, kamusta ka na ba?"

"Okay lang," sagot ni Anika. "Halika, libre kita tapos mag-take out ka na rin sa kanila."

"Wow, ha. May pera ka na?" tanong ni Ana nang nakapag-order na sila at nakaupo sa bakanteng upuan. "Tama ba ang nakita ko sa Tiktok? Naging model ka na?"

"Hindi ah," tanggi ni Anika.

"So sa CA ka nagtatrabaho. Alam ba nila na anak ka ni Papa?"

"Ana, baka pwedeng wag mong ipaalam kahit kanino?" pakiusap niya.

"What?" nanlaki ang mga mata ni Ana. "Di ba sila nagtataka kung bakit magkaapelyido kayo?"

"Ssh, 'wag kang maingay pero baka pwedeng 'wag mong ipaalam?" pakiusap niya.  "Apelyido ni Mama ang gamit ko kaya hindi nila alam. Yun ang sabi ni Sir Chris sa akin."

"Wow ha. Akala ko ba katulong ka?"

"Katulong din minsan pero pumapasok ako rito as fashion designer."

"Paano pag malaman nila?"

"Hindi ko alam kay Chri—sir Chris," sagot niya. "Sya naman ang nagpasok sa akin."

"Okay, quiet ako," sabi ni Ana. Kapag magsalita sya, baka balikan pa sila ni Chris at kukunin ang bahay. At least may naiwan pa para sa kanila.

"Thank you ha," pasalamat niya. "Bibisitahin ko si Papa minsan. Kamusta ang pag-aaral mo?"

"Okay lang. Surviving," sagot ni Ana.

Nag-usap pa sila. Nang magpaalam si Ana ay inabutan niya ito ng sampung libo para ibigay sa magulang nila.  Kahit na ang hirap ng pinagdaanan niya sa mga ito, nanlalambot pa rin ang puso niya kapag makita sila. Isa pa, laking pasalamat pa rin niya na nakatakas na siya roon. Umaasa pa rin siya na balang araw ay mahalin din siya ng ama. Hindi man katulad ng sa kapatid niya pero at least kahit man lang bilang anak. Habang nag-uusap sila, pansin niyang nag-iba ang ugali ni Ana. Hindi na ito gaya ng dati na matalas ang dila kapag makita lang siya.

"Hello po, magandang hapon," bati ng guwardiya nang pumasok siya.

"Magandang hapon po," magalang na bati ni Anika saka dumiretso sa elevator.

"Saan si Lily?" tanong niya nang makapasok sa opisina.

"Ay, nasa cafeteria. Pwede mo ba siyang sunduin? Baka di niya kayang dalhin ang shake," pakiusap ni Elisa.

"Sure," pagpayag ni Anika at tumungo sa cafeteria.

"Hello," nakangiting bati niya sa tatlong empleyadong nasa loob ng elevator. Pinindot niya ang 5th floor at kinuha ang cellphone para i-chat ang asawa kung mag-order ba sila o magluto na lang siya?

1. Sold to CEO (R-18)Where stories live. Discover now