Unedited....
"Sabi nila swerte talaga ang mga buntis," nakangiting sabi ni Chris saka niyakap ang asawa na nakaupo sa dining room para sa breakfast nila.
"Hmm? masipag ka lang po talaga," sabi ni Anika saka hinalikan sa noo si Chris.
"Wag nga kayong madrama sa harapan ko," reklamo ni Kristina. "Magpa-checkup pa kayo, di ba?"
"Yes po," sagot ni Chris at binigay ang gatas sa asawa. "Inom ka muna para hindi magutom si Baby."
"By the way, sama ako sa inyo," sabi ni Kristina "Gusto ko rin pumunta sa doktor."
"Gagawin mo?"
"Magpapa-check up. Malay nyo buntis din ako," nakataas ang kilay na sagot ni Kristina.
"Wag na," pagtutol ni Chris. "Bigyan ka na lang namin ng maraming apo, Mom."
"Sabi mo 'yan ha," sabi ni Kristina.
"Saan si Daddy?"
"Business niya," sagot ni Kristina.
Nang matapos silang mag-breakfast, sabay na silang tumungo sa hospital. Si Anika para sa OB at si Kristina naman ay general checkup niya.
"Okay naman ang baby. So far healthy siya kaya dapat i-maintain ninyo ang kalusugan at mag-take ng vitamins. Wag masyadong stress ha," sabi ng OB.
"Sige po," pagpayag ni Chris at inalalayan ang asawa.
"Tapos na kayo?" tanong ni Kristina na naghihintay sa labas.
"Yes po. Ikaw, mom?" tanong ni Chris.
"Tapos na rin," sagot ni Kristina. "Tara sa mall? Samahan mo muna ako para mamili, hija."
"Mom, babalik pa ako sa opisina," sabat ni Chris.
"Eh di bumalik ka, mag-mall kami ni Anika."
"Bawal siya ma-stress ha," paalala ni Chris.
"Walang stress kapag mag-shopping lalo na kung may pera," sabi ni Kristina at napatingin sa mag-asawang papasok.
"Anika," nakangiting bati ni Larry.
"Hello po," bati ni Anika at nakipagbeso sa mag-asawa. Ganoon din ang ginawa ni Kristina.
"Bakit nandito kayo? Buntis na ba ulit si Amy?" biro na tanong ni Kristina.
"Sana nga," sagot ni Mr.Tan at napasulyap kay Anika. "Magpa-checkup lang kami bago uuwi ng probinsya. Congrats pala sa nangyari kagabi. Sana pala marami ang ginawa natin."
"Salamat sa kooperasyon, Mister Tan," pasalamat ni Chris.
"Wala iyon, nakikita ko ang sipag mo at galing sa negosyo kaya nagtiwala ako sa 'yo. Isa pa, isang mabuting kaibigan ang magulang mo."
"Pero balita ko nag-open ang Balenciaga ng jewelries kagabi," sabat ni Kristina. "Hindi ko alam kung ano ang plano nila pero sana hindi konektado kay Chris."
"Matagal na rin silang may mining company so hindi na malabo kapag maisipan nila iyon," sagot ni Larry at napasulyap kay Anika. "Wag kang mag-alala, hija. Hindi sila makaapekto sa gawa mo."
"Thank you po," pasalamat ni Anika.
"Bahala sila basta nasa atin ang best designer," proud na sabi ni Kristina. "Sige na, alis na kami."
Pumasok ang mag-asawa sa OB tapos sina Kristina naman ay hinatid ni Chris sa mall.
"Nakausap mo ba si Yvone, Mom?" tanong ni Chris habang nagmamaneho.
BINABASA MO ANG
1. Sold to CEO (R-18)
RomanceIt was a rainy night nang may nag-alok sa kanyang virginity para sa isang gabing kaligayahan. Bago pa man nagising ang lalaki, nilisan na ni Anika ang hotel para ibigay ang pera sa matapobre niyang madrasta at step-sister. Nasampahan ng kaso ang ama...