Eleven

306 26 3
                                    

Grey Eyes.

Hindi naman talaga ako naniniwala sa multo. Ang sabi ni Jesarhel, kapag daw pumunta ka sa isang bahay na sinasabi nilang tinitirhan ng multo, hindi naman talaga multo yong nararamdaman mong parang mabigat na pakiramdam. Yon daw ay mga naiwang emosyon ng mga yumao. Emosyon na matagal na panahong namalagi sa tahanang iyon. Mga emosyon na nagsisilbing ala-ala sa mga naiwan. Emosyon na nagsasabing nandito lamang sila.

Pero ngayon, para akong namanhid nang makita ko ang taong ayaw ko nang makita pa. Dahil, kagaya ng multo na hindi ko pinapaniwalaan, para syang emosyon na nagsisilbing alala na nandyan lang sya. Na hindi ko kailanman matatakasan ang kanyang presensya.

"S--Sebastian." Napapaos Kong tawag sa kanyang pangalan. Parang may mapait akong nalasahan nang sabihin ko ang pangalang iyon. Hindi kaaya aya.

Humihithit ulit ito nang sigarilyo at bumuga paitaas ng usok. Kung hindi ko alam na may sa demonyo ang taong ito, literal kong masasabing bagay sa kanya ang paninigarilyo.

Alam kong masama iyon sa kalusugan, alam kong mali, pero pag sya ayos lang. Baka samahan ko pa. Shit! Ang dumi ng utak ko Omygod!

Diba ganun naman talaga. May binabagayan ang bawat bagay, pagkakataon at pangyayari. Kagaya ng paninigarilyo kay Sebastian. Bagay sa kanya. Ang hot. Ang sexy tingnan, para bang nakakadagdag ng pagkalalaki yong paraan nya nang paninigarilyo.

Kahit naman nung unang kita ko sa kanya sa club. Agaw atensyon talaga ang presensya nya. Tipong nanunuod ka ng online shopping tapos buhok palang nya mapapamine kana kaagad. Hindi mo na ichecheck kung may issue o wala kasi tindig palang panalo na.

Kaya hindi na ako magtataka kung napatulala akong napatitig sa kanya. Alam ko naman kung bakit kasi. Gwapo ang demonyo. Para kang nakikipag eye to eye sa perpektong gawa ni Lord~ na para bang nung nagsabog ito ng blessing ng kapogian ay nagdala ito nang malaking batya para saluhin lahat. Matalino pa ito, pero kagaya ng sinabi ni Javier, marumi itong maglaro. Kaya nitong paikutin ang mga tao sa mga palad nito na parang isang laruan.

Isang pitik palang ng daliri nito alam mong talo kana kaagad at wala ka nang magagawa kung hindi sumunod sa mga gugustuhin nito sayo.

"A--Anong ginagawa mo dito?" Kalmado kong tanong. Pinatatag ko ang boses ko. Hindi nya dapat maramdaman na may bahagi sakin na natatakot sa kanya. Lalo pa nga at nandito sya malapit sa kaibigan ko. Hindi maari. Kailangan kong mag ingat sa kanya. Kailangan kong ingatan si Sia sa kanya.

Binasa nito ang pang-ibabang labi at bahagyang sumandal sa bakal na naroon. Pinakatitigan nya pa ako ng ilang segundo at napailing.

"Nagawa ko naman na ang gusto mo, bakit nandito ka?" Bahagyang tumaas ang boses ko, ngunit hindi iyon sapat para marinig kami ng iba. "Sabi mo...Sabi mo pagkatapos nun wala na... Hindi---"

"Chill Margarette." Natatawa nitong pigil sakin. "Can you calm down?" Dugtong pa nito. " I could really feel how scared you are." Napatawa ito nang tuluyan na parang ikinatutuwa nitong nabahiran ng takot ang boses ko.

Pinasadahan nya pa ako muli ng tingin bago inisang hithit ang hawak na sigarilyo. Sumabog ang usok sa pagitan naming dalawa. Parang naging malaking harang iyon sa pagitan namin. Naging malabo ang pigura nya ngunit nanatiling nakatingin ako sa kanyang kabuuan na parang kinakabisa ang bawat anggulong iyon.

Ang perpektong hugis na ilong na tila inukit para lang talaga sa kanya. Hindi naman ako magtataka roon kung bakit ganito kaganda ang kanyang ilong dahil sa pagkakaalam ko ay may lahi itong espanyol. Ang makapal nitong kilay, Ang titig nitong palagi kang sinusuri na para bang hindi ka kailanman maaring magsinungaling. Ang labi nitong may saktong kapal na natural na yata ang medyo may kapulahan na hindi mo masasabing naninigarilyo ito. Ang perpektong hugis nang mga panga na tila kay sarap pasadahan ng daliri.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CassandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon